Clark, Pampanga
December 31, 2015
Maganda ang pagkakagayak ng grandstand nang araw na iyon, ang mga advertisements ng mga kilalang kompanya ng sasakyan, petrolyo at kung anu-ano pang produkto ay nakahilera sa gilid, kanya-kanya din ng gimik ang mga promodizers ng mga ito sa may audience area.
"Basta Tol! Promise me that no matter what happens magkaibigan pa din tayo." Sabi ni Vince sa kaibigan at mahigpit na kakumpitensya pagdating sa pagkakarera.
"Bro, you sound gay! But yeah, I got your back." Sagot naman ni Daniel
"Huling karera ko na 'to bro, after this I'll quit, I want a breath of fresh air... don't me wrong ha, ibang adrenaline ang hatid ng racing sa akin at masaya ako ikaw ang kasama ko mula simula hanggang ngayon bro, pero I want something new." Pagpapaalam ni Vince
"Ang sabihin mo, takot na takot ka lang na iwanan ka ng girlfriend mo pag ipinagpatuloy mo pa ang pagkakarera. Bro seriously, I really want to meet that girlfriend of yours, para naman maitanong ko kung anong gayuma ang pinainom nya sa'yo at nang makaiwas ako." Biro ni Daniel
"Siraulo ka talaga! Well you'll meet her soon. Let's prep bro, the race is about to start!" Sabi naman ni Vince saka lumapit sa sasakyan nitong numero 16.
"Aye, aye! GODSpeed bro!" Sagot ni Daniel saka sumaludo bago sumakay sa sasakyang may numero 5 sa likuran.
Handa na ang mga sasakyang pangkarera para sa international event na ito. Lahat ay naghihintay ng hudyat upang patakbuhin ang mga mamahaling sports car.
Ibinaba na ng flag bearer ang hudyat kaya naman nagsimula na ang karera... Napakagandang pagmasdan ng mga sasakyang ito mula sa aerial view tila baga synchonized at choreographed ang galaw ng mga ito. Kakaibang thrill ang hatid sa mga manonood, kaya naman unti-unti na ring nalunod ng sigawan at tilian ang tunog ng mga nagrerebolusyong makina. Di nagtagal ay nagsimula na ring mag-unahan ang mga sasakyan. Mahigpit ang laban, bawat isa gustong manalo, bawat isa ay nais mauna sa finish line.
Nasa ikalawang puwesto ang kotse na may numerong 5, kaunting-kaunti lamang ang agwat nito sa nasa unahang sasakyan #16. Palapit na sila sa ikatlong sharp curve, kinakailangang magpakitang gilas sa pagmamaneho ng mga nangangarera sa bandang ito dahil kasama din ito sa criteria for judging. Walang may nais magpalampas ng kalaban. Mahigpit na nakatutok ang mata ng driver ng 16 sa daan, subalit hindi rin nito nakakaligtaan ang kalabang nagmamaneho ng 5 kaya naman sa tuwing babalaking mag-overtake nito sa kanya ay naagapan nyang harangan ito.
Hanggang sa nagtapat ang dalawang sasakyan. Lumingon ang parehong driver sa isa't-isa at sabay nagpakawala ng mala-demonyong ngiti.
Itinodo ng driver ng 5 ang apak sa accelator upang malampasan ang nasa una pagdating sa likuan. Maya-maya'y gumilid ang 16. Tila natunugan naman ng nagmamaneho ng number 5 ang nais gawin ng 16, kaya naman sinikap nyang itodo ang takbo upang malampasan ito at maiwasan ang masamang binabalak nito.
"Damn, Mercado!" He cursed under his breath.
Alam n'yang balak nitong pitikin ang gilid ng sasakyan n'ya. At that exact moment number 16 swerved to the right to bump against the backside of 5 upang masadsad ito sa kalsada...
16 succeeded in doing so, kaya naman hinawakang mabuti ng driver ng 5 ang kanyang manibela at dagliang nag-shift ng gears. He has been in situations like this. Kabisado na n'ya kung papaano makakaiwas sa aksidente at makakagawa ng grand comeback.
He wouldn't be the other half of the only Filipino Duo in NASCAR for nothing.
He re-adjusted his gears once again to catch-up, endured the last lap of the race & as usual was the first one to have reached the finish line...
He was waiting for the others while savouring his victory when something uneventful happened before his eyes.
Nawalan ng control ang number 16 na pumapangalawa sana pagdating sa sharpest curve. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Wala sa tamang tiyempo ang pagkabig nito kaya sumadsad ito sa shoulder at makatatlong beses na tumaob bago bumunggo sa barrier.
Mula sa tumaob na sasakyan ay nagpumilit lumabas ang driver. Crawling to inch away from his car, agad naman itong nirespondehan ng mga medics at mabilis na isinakay sa ambulansya upang maisugod sa pinakamalapit na ospital. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang biglang mag-apoy at sumabog ang sasakyang pangkarera kasabay niyon ang pagkalat ng balitang dead on arrival ang driver nito pagdating sa ospital.
YOU ARE READING
Balesin Series 3: Written in the Stars
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content "My love for you is written in the stars & nothing will ever change that. When you see the stars shining so bright on a night like this know that I am with you... forever..." This is a work of fiction. Names, cha...