Hindi Lamang Ito Isang Dagli

412 32 2
                                    

Nakararating ka hanggang sa kasulok-sulukan ng iba't ibang daigdig. Naroon ang daigdig na mayroong busal ang bibig at nakapiring ang mga mata. Ngunit, kaya mong gisingin ang mga ito mula sa pagkadapa, pagkasugat at pagdurugo ng kanilang kaluluwa.

Ikaw ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Kaya mong bumuhay ng mga patay, gisingin ang mga tulog sa katotohanan at sagipin sa pagkakalunod ang mga nahihibang.

Salamat, dahil ikaw ang naglagay sa akin sa pedestal. Magkasama nating winasak ang daigdig at bumuo ng panibago. Ikaw ang aking sandata, ikaw ang naging daan sa aking pagkapanalo.

Marahil, maraming nagsasabi na nakukuha ang lahat ng mga wagi. Ngunit ako, sa simula pa lamang ng laban, nasa akin na ang lahat. Dahil kapiling kita, dahil ginamit kita nang may angking ganap.

Hindi ka lamang isang mahinang oyayi ng ina sa kaniyang anak. Isa kang sigaw ng nakabibinging pangarap, ng katotohanan, ng pagkakaisa at pagkapanalo.

Maraming salamat, Panulat. 

HagibisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon