Una at huli

16 1 0
                                    

Natapos na ang lahat.... nandito parin ako...

Hindi ko matandaan kung paano at bakit tayo umabot sa ganito. Tandang tada ko pa nga kung pano tayo nagsimula. Well, hindi ko naman na ata yun makakalimutan.

Sept 2008, 3rd year high school ako samantalang ikaw naman ay graduating sa high school. Nagkakilala tayo dahil sa pinsan ko naka boardmate mo. Nakitext sya sayo para lang ipaalam sa mama nya na tita ko na hindi sya makakauwi sa darating na weekend. Tapos nagulat ako may text ulit mula sa number na ginamit ng pinsan ko "hi". Natatawa pa nga ako kasi akala ko pinsan ko yung nagtext sakin dahil hindi naman nag hi-hi yun. Nireplyan ko naman "oh ate lar, kumusta?". Nagulat ako kasi bigla ka tumawag tapos boses lalaki pa. Nung mga panahong yun di pa uso ang fb so wala akong idea kung sino ka ba talaga. " hi, hindi to si Lar si Juz toh' ". Hindi ko alam pero pagkarinig ko ng boses mo kinabahan ako. Hindi ko din alam kung para san yung kaba ko. Alanganin pa yung pagkakasagot ko sayo " ahh. Hehe, sino pong Juz? Sorry di ko po kayo kilala". Yung kaba ko dinaan ko sa sungit , ganun naman kasi ako sa mga hindi ko kakilala, dinadaan ko sa sungit. Sabi mo pa nga "ang sungit mo naman" tapos binaba mo na yung tawag.

Nung nagkita kami ng pinsan ko tinanong ko sya pero segway lang kasi ayoko malaman nya na interesado ako sayo. " ah si Juz? Kaboardmate ko yun pangga. Matalino yun kasi running for valedictorian yun". Nagulat ako kasi di ko naman inaasahan na ganun ka pala GC kadin pala katulad ko.

Nagtext ka ulit " hi pangga. " ayan nanaman yung tibok ng puso kong di ko maintindihan. "Anong pangga? Di naman tayo close ah! " sagot ko pa. "Joke lang ako pala si Juz". Yung araw na pinakilala mo sakin kung sino ka dun narin ata nagsimula mahulog ako at maniwala na "baka" ikaw na nga. Nagkita na tayo kahit tinginan lang kasi natatakot ako malaman ng pinsan ko na may ugnayan tayo kahit wala pa naman talaga akong naririnig mula sayo. Araw, linggo hanggang umabot sa dalawang buwan nagsabi ka sakin ng nararamdaman mo. Natakot ako kasi bata pa nga ako.

January 2009 sinagot kita. Ang saya saya natin nun. Natutuwa ako kasi sobrang kampante tayo sa isat-isa. Lagi tayong nagbabalitaan kung anong mga happenings sa school natin. Minsan nga tinuturuan mo ako ng turo sainyo. Minsan nga pakiramdam ko teacher kita kasi ang galing mong magturo pag may mga lessons akong hindi maitindihan.

Dumating yung araw ng graduation mo. Sobrang proud ako sayo kasi ikaw ang pinakamatalino sa batch nyo. Tuwang-tuwa ka pa nung binalita mo sakin na inischolar ka mismi ng school nyo for college. Sobrang saya ko kasi nararating mo na unti- unti yung mga pangarap mo.

Nahuli ako ng pinsan ko ng minsang makitext sya "sah, ano to?" Hindi ko alam pero bumaba ata lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi naman sya sakin nagalit kinausap nya tayo kasi nga nakakatanda sya satin, graduating nadin kasi sya sa college. Naging ok na. Masaya na ulit tayo.

Feb 2010 sinabi ko sayo na lilipat ako ng school para sa college. Malungkot tayo pareho nun kasi gusto ni mama dito ako sa manila mag aral. Pero naiintindihan mo ako kaya sinuportahan mo ko. Gabi gabi tayo magkausap nandun parin yung pagiging teacher side mo.

Nariyan ka pa ba.... di ka na matanaw.

November 2010, parang may nag iba. Yung gabi gabi mong tawag naging madalang. Minsan nga yung text mo ang hirap replyan kasi "ok" "ahh" at "sige" na lang. Nagtampo ako sayo nun pero sabi mo hwag kasi nagung busy ka lang sa school nyo.yoh were running for senator sa school nyo. Sabi mo maraming activities. Nag sorry ka sakin ganun din ako kasi hindi nga dapat ako nagtatampo.

3 araw, twice a week, hanggang umabot sa punto na nagaaway na tayo pag naguusap tayo. Patuloy ang panlalamig mo hanggang sa nawalan nako ng balita sayo. Miss na miss na kita. Hinahanap ko yung mga corny mong jokes and pagiging teacher mo. Nagsabi pa nga ako sa mana ko na gusto ko bumalik sa dati kong school kasi gusto kita makita.

Kanina hindi ko alam kung paano ko to sisimulan. San ba dapat ako magsimula? Tignan mo nga naman patapos na pala tong kwento ko. parang tayong dalawa, natapos ng di namamalayan.

January 2011. Yung classmate ko ng highschool nagkita kami. Nagulat ako kasi marami daw syang kwento. Natakot pa nga ako kaya sinabi ko pabiro "dapat ba akong kabahan dyan?". Tumitig lang sya sakin. "Girl! Si men BUNTIS!" hindi ko alam pero tug tug.. tug tug.. si men ay ahead samin ng isang taon at kung suswertehin ka nga naman close kami ni men. Hindi ko alam pero bigla ako natakot. "T-talaga? Sino nakabuntis?". Ayoko mag-isip ng hindi maganda kasi imposible naman yu diba? "Naku girl! Yung valedictorian-.... " hindi ko alam pero parang tumugil ata sa pag functio yung utak ko. Pagkarinig ko pa lang ng valedictorian pakiramadam ko may sumipa sa dibdib ko. Totoo pala yun noh? Ang sakit. Sobrang sakit. Ni hindi ko nagawang umiyak nun. Kaya pala, kaya pala parang nag-iba ka.

Sundan mo ang paghimig na lulan ng aking pinagtatanto...sundan mo ang pag-ibig ko.

Gumawa ako ng paraan para makausap kita. "Bakit?" Yan yung unang lumabas sa bibig ko nung nagkausap tayo. "Sorry di ko sinasadya." Tangina! Di mo sinasadya? Ano yun bigla ka na lang nadapa? Tinapos ko na kahit na nung una palang na ginawa nyo yung di mo "sadya" ay natapos na.

Natapos na ang lahat, nandito parin ako. Eto nakatulala sa mundo, sa mundo. Di mo maiisip, di mo makikita. Mga pangarap ko para sayo, para sayo.

Nakakalungkot na ngayong binubuo na natin yung mga pangarap natin hindi tayo yung magkasama. Yung binuo ko na pangarap kasama ka ako na lang ngayon magisa.

Sana maging masaya ka.

Ngayon kahit masakit pa, pinapalaya na kita.

Kung wala ka

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kung wala kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon