*miyana's POV*Pabalikbalik ako ng lakad sa loob ng kwarto ni lhyrhiana. Dalwang araw Na syang Di nagigising. Kinakabahan ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Napangiwi ako ang lakas ng tibok nito para tuloy akong hinahabol ng sampung asong ulol.
"Hey!! Calm down she will be okay"
Hinimas ni Geo ang likoran ko. Napayakap nalang ako sa kanya.
What have we've done To make this situation hard for us??
Di ko namalayang tumulo Na pala ang luha ko.
Andami ng buhay Na nawala. Yet wala kaming nagawa.
Patuloy lang ako sa pag hikbi ng matanaw ko ang bahagyang pag galaw ng kamay ni lhyrhiana. Napahiwalay ako sa pagkakayakap Kay Geo at dali ko syang nilapitan."Maiwan muna kita" he left after he said it.
"Lhyriana??" Sabi ko nang tuluyan Na akong makalapit sa kanya.
Unti unti minulat nya ng dahan dahan ang mga Mata nya. Ng nakita ko ang kabuuan ng kulay asul nyang Mata ay bigla bigla nalang nya itong ipinikit. Napapitlag ako.
Nakarinig ako ng mga yapak patungo sa kwarto at bumukas ang pinto bumungad sakin ang mukha ni mayumi.
"Kumusta Na sya?" Aniya sabay upo sa papag.
Napatingin uli ako kay lhyrhiana. Unti unti Na nyang minulat ang Mata nya uli. Kaya napangiti ako ng bahagya maging si mayumi ay ganun din ang reaksyon.
Bumangon sya mula sa pagkakahiga. Inalalayan namin sya dahil bakas PA ang nanghihina ng katawan nya.
"Teka-- wag ka munang magalaw. Nanghihina kapa ouh" saway sa kanya ni mayumi ng aktong bababa Na sana sya ng kama.
"PSH!! Yaan nyo Na" napadako ang tingin nya sakin. "Napag alala ba kita? Pasensya Na nasilaw lang ako sa liwanag kanina" paliwanag nya. Napangiti nalang rin ako sabay tapik sa braso nya.
"Lunch is ready!" Excited na Sumilip ng kaunti si Geo at bahagyang natigilan at namilog ang Mata Na animoy nakakita ng multo.
"Y-youre awake!!" Di makapaniwalang turan nya. Tumango si lhyrhiana at ngumiti.
"Tara?" Niyaya ko Na sila at sabay kaming nagtungo sa kusina.
*******
Masaya ang naging pananghalian namin. Naiinis ako sa sarili ko. Nagawa kung kumilos ng parang walang nangyari. Na parang walang buhay ang nanganganib. Napabuntong hininga ako.
"Tama Na yan!" Nakangiting saad ni mayumi sakin. How can she managed to smile like that?
"Pano mo nagagawa yan?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Ang alin?"
"Ang ngumiti! Pano mo nagawang ngumiti ng totoo? Yung puno ng buhay?"
Muli ngumiti sya sakin sabay baling ng tingin sa papalubog Na araw. Hindi ko mawari ang mga iniisip nya.
"Yana! Tanggap ko Na. Maaring Hindi Na ako sisikatan ng araw ngayon. Kung Hindi ngayon baka sa makalawa. Ayoko namang sayangin ang luha ko kasi wala naman itong nagagawa PA"
By then the smile on her face vanished. Napalitan iyon ng nagbabadyang luha sa kanyang mga Mata. Hindi ko makuhang magsalita kasi---- totoo naman ang sinasabi nya. Kahit mamugto at maglupasay PA kami kakaiyak ay Hindi nito mababago ang sitwasyon namin ngayon.
"Wala Na naman akong mahihiling PA sa buhay ko. Tsaka kung kukunin nya man Ito ngayon. Malugod kung tatanggapin yun" umiiyak Na sambit nya. Ang sikip sa dibdib mabuting kaibigan si mayumi. Mabait Na Tao. Bakit nga ba kami PA??
BINABASA MO ANG
sitio walang buhay (Completed)
Paranormaltrip to new destination! seeking for enjoyment in another town. what will happen next when the enjoyment turned into scary and going to be bloody. tara!! samahan natin sila sa SITIO WALANG BUHAY.