CHAPTER 37- PREVIOUS EVENTS

888K 9.6K 1.3K
                                    

CHAPTER 37- PREVIOUS EVENTS

Sometime before Third's Ultra mega effort much plan...

NASH's POV

Pag dating namin ni Bryle dun sa isang restaurant sa hotel kung saan kami kakaen ng breakfast, agad naming nakita si Tommy at si Third sa isang table, tapos na silang kumaen pero mukhang ang saya saya nung dalawa. Mag uusap sila tapos magtatawa ng wagas. Anu kayang meron?!

Lumapit kami ni Bryle sa table nilang dalawa..

"Oh Bryle, buhay ka pa pala?!" -Third

"Gago, anu sa tingin mo?!" -Bryle sabay upo sa upuan, kaya umupo narin ako

"Good morning Nash.." -Tommy

"Good morning." sagot ko

"Ahm, ikukuha na kita ng pagkaen gusto mo?!" -Tommy

"Nako wag na. Ako na lang."

" (*smirk) Ikukuha mo si Nami ng pagkaen?! anung trip mo ngayon Tommy maging waiter?! " -Bryle

"Hindi mo alam yung salitang sweet Bryle?! Hmm..mukhang hindi kasi bitter ka nga pala." -Tommy

Eh?! nabigla naman ako dun. Binara ni Tommy si Bryle?! Akalain mong may ganito syang side?!

"Hahaha! Nice one Tommy! " -Third, sabay nag apir silang dalawa ni Tommy

"Tss.. umagang umaga binibwisit niyo akong dalawa. Kukuha na nga lang ako ng pagkaen. Halika na nga Nami.." sabay higit sakin ni Bryle, pikon talaga to

"Hahaha! Pikon din oh! Parang si Steve lang!" sigaw pa ni Third

Nag dirty finger si Bryle habang lumalakad.. Grabe talaga.

.

.

Pagkatapos namin kumuha ng pagkaen..

"Hoy kayong dalawa, bakit kanina pa kayo nagbubulungan tapos tumatawa huh?! anu bang problema niyo?! parang lahat kayo may sayad na! Yan ba ang epekto ng lameg ng Baguio sa inyo?! "-Bryle

"Hahaha..hindi mo kami masisisi Bryle..kasi..hahaha! Talagang nakakatawa! hahaha!" -Third na halos mamatay na sa kakatawa

"Lage ka kasing tulog that's why you are missing out the fun.. hahaha! Pero thanks sayo, kasi kung hindi ka nakipagpalit ng kwarto kay Steve, hindi kami sasaya ng ganito ni Third..hahaha!" -Tommy na wagas din makatawa.. si Tommy ba talaga to?!

"Anu nga kasi yun?! diretsuhin niyo na nga ako! tawa kayo ng tawa dyan eh! " -Bryle na as usual mukhang bwisit na, bad mood kasi yan pag umaga.. Well almost everytime naman pala.

"Nakakatamad magkwento eh Bryle. Mas ok kung kay Steve mo na lang itanong." -Third

"Tama kay Steve na lang Bryle." -Tommy

"Bwisit! Nakakaasar na kayo huh! Lumayas nga kayong dalawa sa harapan ko! Nabibwisit ako sa pagmumukha niyo eh!" -Bryle

"Te-teka Bryle sorry na.. hehe.. Ay teka pare, may hihingin nga pala akong tulong sayo." -Third

"Anu yan lokohan?! pagkatapos mo akong bwisitin hihingi ka ng tulong?! " -Bryle

"Grabe naman to. Nag sorry na nga ako oh. Sige na Bryle, importante lang to. Ikaw lang kasi talaga ang maaasahan ko dito." -Third

"Hmmm.. bwisit parin ako sayo eh.. pano yun?!" -Bryle

"Bryle naman! pagbigyan mo na si Third!" sabat ko, alam ko kasing para to sa plano ni Third kay bessy

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon