💝Chappitter 101💝

2.6K 36 5
                                    

"Want you to be mine again baby~ yeah!" Pakanta-kanta ako ngayon sa harap ng full-length mirror namin at nakita ko naman sa reflection yung bakla kong pinsan na naka takip ng tenga kaya hinarap ko siya

"Hoy baklita! Bakit nakatakip yung tenga mo? Ang ganda ganda kaya ng boses ko!" Inirapan niya ako sabay cross ng legs

"Oo maganda nga ang boses mo eh wala naman sa tono! Kahit Bahay kubo nga lang kinakanta mo, pumipiyok ka pa! Emerghed!" sabi niya sakin habang nagha-hand gesture din. At dahil mature na ako, hindi nako papatol kaya tumalikod nalang ako sabay kanta habang inaadmire ang maganda kong face

"Head in the clouds got no weight on my shoulders!"

"Pota!"humalakhak ako ng marinig yung mura ng pinsan kong berde habang palabas na siya ng kwarto ko. Azar talo talaga kahit kelan sabi ko sa isip habang napapailing.

"Hay nako bebshiecake! You keep on teasing her"sabi naman ni Leandra, kapatid ni Laurence, yung pinsan kong berde.

"Her ka jan! Lalaki yern!"

"Hello! Gabi kaya ngayon! So technically, babae siya so she is Laurice" pageexplain ng kapatid niya. Kaya natuluyan yung isa eh, kasi gusto din ng ate kasi nga para may little sister siya. Inirapan ko nalang din siya at nagsuklay ng buhok para tomorrow oh-so-pretty ako. Hindi naman sa nagmamayabang ah pero isa ako sa pinakamagagandang babae sa campus namin pero ako yung isa sa mga pinaka baliw.

"Hay nako sisteret let's sleeeeeep na!" Sabi ni Leandra kaya humiga na din ako sa single poster bed ko at natulog.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
"Hay nako pinsan. Ewan ko ba kung saan napupunta ang self-confidence mo sa bahay at pag anditey tayels sa school ay as thin as a paper nalang ang fez mo" sabi sakin ni Laurence.

"Oo nga hahaha! Kung nasa bahay tayo, masyadong nasobrahan sa kapal yang mukha mo" sabi ni Leandra. Ang sakit naman magsalita nitong mga pinsan ko

Tama kayo ng nabasa. Hindi makapal ang mukha ko dito, although totoo yung sinabi ko na isa ako sa pinakamaganda dito sa campus. Totoo kaya! Mga 2 months nako nagaaral dito pero halos chaka lahat ng nakikita ko hahaha!

"Omg!!! Bakla, bakla, baklaaaaa!"tili bigla ni Laurence habang nakatingin sa kumpol-kumpol na tao sa harap namin. Wala naman akong nakikitang bakla ah.

Nagulat ako ng biglang nagsitabihan yung mga students tapos may dumaan na isang matangkad na lalaking nakahood. Hindi ko man kita ang mukha, obvious namang lalaki dahil sa body built. Mas lalo akong nagulat ng huminto siya sa harap namin

"Baklaaaa! Omg! Saan ka ba nagsususuot and MIA ka!!!"tili ni Laurence. Bakla? Saan?

Biglang binaba ng lalaki yung hood niya at nakangiti siya. Omg ang wafuu

"Don't you dare think na papatulan ka niyan" bulong sakin ni Leandra. Infairness ah ngayon lang siya hindi tumili ng makakita ng gwapo at ang sama nun ah! Hindi daw ako papatulan!

"Like, OMG! Ang hirap kaya i-manage yung time ko! Swap tayo ng life you want?" Napanganga ako ng magsalita ito kasi medyo matinis at umiirap irap pa.

Bakla!!!

"Whatever, mga baklush kayo!" Sabi ni Lea.

"Omg! Hiiii Leandraaaa my dahlin'!" Bumeso sa kanya yung lalaki/ bakla at ako nakanganga pa din

"Hoy!! Nakanganga ka na diyan, Zandra!" Sabi sakin ni Laurence kaya napatingin ako sa kanila at nakita kong nakatingin na din sakin yung lalaki/bakla na medyo parang lumaki yung mata kaya mas napansin ko yung bluish-green eyes niya. At muntik na mahulog ang panty ko ng ngitian niya ako. Jusko yung panty ko nahulog! Buti wala akong dalaw xD

"Bakla this is my forever pinsan na si Zandra and Zands, this is my forever baklang bestfriend, Audrey"

NGANGA

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon