INTRODUCTION 💓

44 0 1
                                    

4:59AM...

Tik
Tak
Tik
Tak
Tik

5:00 AM...

⏰⏰⏰⏰⏰⏰

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Patay alarm clock. Bukas ilaw. Tiklop kumot. Ayos ng kama. Higa ulit. Kuha ng cellphone. Check social media ( Artista lang ang peg? ) "Hindi no! Tinitignan ko lang naman if madame naglike ng post ko kagabi. Pake mo ba ha author? "

" 15 likes lang??? Pang-100 likes nga yung mukha nayan eh ayaw nyo ilike! Pag naman jejemon apura like nyo. Mga leche talaga mga tao ngayon."

Yung feeling na pag ang mga post eh Lhike mHo poesxc dP kho. LIke khO dhin poesxc yhUnG Iyo. Jusko wala pang isang minuto 20 na likes. Mga jeje jusko. Makasali kaya sa clan na yun hahaha. Yung Boss Lhikers Clan. HAHAHA. Pangarap ko kase yon. Ang maging famous sa social media. Yun feeling na magpost ka lang agad agad may maglalike na, ilang minuto palang hundreds na yung like. Hays. Kelan kaya mangyayare? Hmmm. Yaan na nga. Papaganda nalang muna ko tsaka mag- iipon ako bibili ako iphone para pag nagselfie ako maganda oha!!! Pak na pak! HAHAHA. 😂

Hala!!! 5:30 na!!! Jusko makagayak na. 30 minutes na pala kong nagpe-facebook! Panira talaga ng oras ko yan eh hahahaha.

Bilis Margaux bilis!!! Ligo na. Toothbrush. Hilamos. Gayak na. Ano ba susuotin ko? Hmmm ay jusko wag na pumorma aba'y late kana!!!

Hmmm eto nalang...

Off-shoulder, fitted na pants then black shoes na heels. Gotcha. Di pa porma yan!!! Hahaha.

OMG! Where's my bag??? Teka san ko nga ba naiwan??? Ayun!!! Nasa ilalim ng kama. Tsk! Margaux! Kababae mong tao napakasaldipak mo! Nagkalat gamit ko arrrgh! Late nako!

Checking my bag..
Notebook ✅
Ballpen ✅
Calculator ✅
Polbo ✅
Lipstick ✅
Headset ✅
Phone ✅

Gotcha! Leggo....6:00 AM na. Ommayghaaad! 7:00 klase ko!!! Sana di traffic hays!

Ay wait selfie muna sa salamin ko isang shot lang promise!

Click!

Ay ang panget. Isa pa...

Click!

Hayss. Isa pa blurred!

Click!

Ayan perfect!!! Posted! Leggo!

Off!

Waiting!!!

While waiting ng jeep. Open mobile data. Check if my naglike na.

Wala pa? Hays!😔

Close mobile data! Malolowbat pako.

Ayan may jeep na.

"Osiyaman yan oh! Usod lang oh! Siyaman yan! " - driver ng jeep

Buti nalang sexy ako. Hahahaha. Nagkasya din yung puwet kong kay sexy. Hahaha

"Bayad po!"

"Makikiabot po ng bayad!"

😒

😒

😒

Hello!!! Pansinin nyo kaya ako.

"Makikiabot po ng bayad!"

Napatingin yung lalake na nasa may pangatlo ko sa kanan. Napalakas ata boses ko.

Kinuha nya yung bayad ko. Inabot sa driver.

"Manong bayad daw ho. "

At tumingin ulit sakin. Shocks!!!! Ang gwapo naman nya!

Di ko namamalayan tinatawag pala ko ng driver kase tinatanong nya kung san bababa.

"San yung 100???! Keep the change ba!!!"

Ay galet na si manong.

"Ay pasensya napo manong. Sa Ford University po. Studyante po."

Nakakahiya!!! Napatulala ako sa kanya tsk!
May salamin pala sa taas ng bintana ng jeep kaya nakita ko sya nung sumandal ako. Napatingin din sya tsk. Bakit ba??? Kinikilig ako! 😚

Ay wait! Bago lande di pa nga pala ko nagpapakilala sa inyo! Ako nga pala si Margaux Shammy Portigo. 18 years old. Nag aaral sa Ford University. Mahilig magselfie. At magpost sa mga social media. Hobby ko na yun addiction narin 😂

So ayun, tinignan ko ulit sa salamin tapos sya nakalingon na sa may kanan nya dun sa view ng daan. Pinagmasdan ko sya sa salamin. Ang puti nya. Ang gwapo at mukhang mabango pa. May hikaw sa kaliwang tenga andame pang nunal sa mukha nya at ang pula ng labi nya. Sino kaya sya? Ano kaya pangalan nya? Hayss sana bumaba na tong katabi namen para magkatabi kame. Kaso mukhang malabo kameng magkatabi. Malapit nako bumaba.

Hala! Anong oras na!!! 6:40 na!!! Syete patay nanaman ako nito kay Mrs. Santiago! 😢 Strict pa naman non! Hayss. Pasensya commuter lang! 😢
Mga classmate ko naman kase sa school na yon lahat may mga kotse. Ako lang wala. Puro RK sila. Ako lang hindi haysss. Pero ayos lang at least nakakapag-aral ako. 😉

Shocks! Paglingon ko nagkatinginan kame ni pogi! Amp. Shocks puso ko. Nalove at first sight ata ako! 😍

"Para!!! Dito nalang manong." Sabi nung katabi ko. Bumaba na yung katabi ko. Hala. Isang lola nalang yung katabi namen hala ka. Kinikilig ako. Tumingin ako sa salamin. Nakita ko sya. Nakatingin sakin! Ngitian ko ba?? Hala!

😊 ➡ Me

😒 ➡ si pogi

😢😢😢

Aray! Inirapan ako! Nako lola jan ka lang sa tabi namen please nahihiya ako. Parang kay landi ko naman. Ako pa naunang ngumiti ugggh! 😫

"Iho, para na dine. Jan sa tapat ng simbahan. Jan lang ako."

Si lola!!! Bababa na!!! 😫

"Teka lang... Rayuma ko..."

Inalalayan ko si lola para makababa ng maayos. Nahpasalamat sya sakin at nginitian ako.

Cute ni lola 😊

Umusod sya sa tabi ko. Syemssss! Nakatitig lang sya sa salamin. Ako naman sumisilay silay sa salamin nakikita ko nakatingin lang sya.

Ano ba talaga gusto nato???!!!




Hai guys! Hello pm kayo sakin ng mga pwedeng maidagdag hehe. Sana magustuhan nyo. Muah. 😘😘😘

Mahilig ako sa emoticons puro emoji nakalagay jan. Hahaha.

Si Margaux Shammy Portigo nasa taas picture nya. 😊 muah

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon