Secret Admirer- Having a Secret Admirer is a Pure Joke

1.6K 56 1
                                    

Chapter 39

***************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Kanina pa ako nagpapapansin kay Shin. Pero wala talaga! Nakatingin lang siya sa pisara o kaya naman titingin sa labas ng bintana.

Lumapit naman ako kay Drake para itanong kung anong nangyayari sa kanya. Baka naman kahit pa-paano sinabi niya ito kay Drake. "Problema ni Shin?" Tanong ko. Napakibit balikat naman siya. "Siguro ikaw ang nakakaalam niyan. Di ba ikaw ang huli niyang kasama kahapon? Ano ba talagang nangyari?" Tanong niya.

"Umamin siyang mahal niya si Ayana." Mahinang sabi ko sa kanya.

"What?! Di nga? Akala ko pa naman ikaw. May pahawak-hawak pa kasi kayo kahapon. Alam mo Casey, siguro kailangan mo siyang kausapin. Alamin mo. Tulala na lang yan palagi. Parang broken-hearted na ewan. Single pa naman yun di ba?"

"Eh, hindi nga ako pinapansin. Paano?" Kung ano-ano na nga ang ginawa ko sa harapan niya. Magpatawa at magpakabaliw para bumigay siya. Eh kulang na nga lang tumambling ako. Tapos wala pa rin. Di kaya nahihiya siya sa akin dahil sa pag amin niya? Pero bakit? Hindi ko talaga maintindihan. Kung hindi ako ang nagpapaganyan sa kanya. Ano o Sino?

Bumalik ako sa kinauupuan ko at lumingon sa pwesto ni Shin. Nagdadalawang isip ako ngayon kung hahakbang ba ako o uupo na lang sa upuan ko.

Ilang sandali lang, napansin ko yung papel sa desk niya. Lumapit ako sa tapat niya at kumuha ng isang piraso.

Nakatingin pa rin siya sa bintana at walang kibo. "Pahingi ng papel." Wika ko.

Tumingin naman siya sa akin at napailing. Bakit kaya? Papel lang naman yan. Ang damot! "Alam mo, pwedeng magpaalam ka muna bago kumuha ng papel? Tsaka, bakit hawak mo yan? Umo-o na ba ako?" Sungit! Pero di bale na, gumana naman yung plano ko nang di sadya. Kung bakit?

Kasi kukuha lang naman sana ako ng papel niya tapos doon ko na lang isusulat sana ang mga sasabihin ko. (Uso kasi yun sa amin kapag naguusap ng palihim.) Pero di ko naman akalain na ganito pala ang mangyayari. Akala ko kasi di niya papansinin. Pero nagsalita siya. Kanina pa kasi yan tahimik. Walang iniimik. Hindi katulad ng dati na madaldal ng konti.

Binigay ko ulit sa kanya ang papel. Tapos tinanong ko siya ulit. "Pwedeng humingi ng papel?" Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Binalik mo sa akin tapos hihingi ka ulit?" Naiiritang tanong niya.

"Eh di ba sabi mo magpaalam muna bago kumuha? Edi eto na nga, nagpapaalam muna ako bago kumuha."

"Tss! Ang dami mong alam." Tapos binigay niya sa akin ulit ang papel.

"Eh ikaw nga 'tong nagsabing magpaalam muna bago kumuha tapos ikaw pa ang galit. Galing mo rin noh!" Tiningnan ko naman yung hawak kong papel.

Eh ano ng gagawin ko dito? Kausap ko na nga siya. "Ah Shin, galit ka ba sa akin? Di naman kita ibubuko sa kanya. Kakaiba kasi yung mga kinikilos mo ngayon. Please. Kausapin mo naman ako. Kung may problema ka, nandito naman ako palagi. Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Hindi ako galit. Bad mood lang ako. Kaya Casey, umalis ka na. Gusto kong magisip." At bakit naman siya maba-bad mood?

"Ah Shin.." Binalik ko sa kanya ulit ang papel. "O, bakit mo sinasauli 'to sa akin? Ano ba talaga?"

"Hindi ko na pala gagamitin yan." Saad ko.

"Seriously?! Niloloko mo ba ako Casey? Kung oo, pwes wala akong panahon. Please umalis ka na."

"Hindi. Nakausap na kasi kita. Di ka naman pala galit. Pero ramdam kung Oo. Dahil, kung Oo man yun...Sorry. Yun lang! Paano di mo na kasi ako pinapansin katulad ng dati. Di ko alam kung nasasaktan ka kasi di mo naman sinasabi. Kung tungkol 'to sa kanya. Talk to me! Baka naman kasi mahirap 'to para sayo. Sige Shin! Yun lang. Pero sana naman malinawan ka na. Balik na ako. Papunta na ata si Miss Feliciano."

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon