The Man . . .

17 2 0
                                    

Digmaan. Ang senaryong kinasanayan na ng mga taong walang tigil ang mga bibig at ang bunganga ng mga bagay sa paligid. Sa bingguhan, tila nagpapaligsahan sa palakasan ng boses ang mga tao.

Mga batang naghahagaran at walang pakialam sa mga taong nababangga. Tila maratonang pagtakbo ng isang sumasaklolong babae sa lalaking nanghablot ng kanyang bag.

Sasapit ang alas-otso at umpisa na ng paglabo ng paligid dahil sa itim na usok na ibinubuga ng tambutso ng mga lumang sasakyan at kaskas mga gulong sa mabuhanging kalsada na nagsanhi ng alikabok. Polusyon sa hangin.

Nang dahil sa usok at alikabok, walang sikmurang tumanggap ng nakikitang dusto dahilan ng bawat bahing at ubo. Polusyon ng ingay.

Sa isang bahay, makikita ang kumpulan ng mga taong abala sa pagsilip at simoy sa telebisyon. Nandito kasi ang sinusubaybayan nilang programa at teleserye. Pagkatapos ng purong kaway ng mga tao, diretso ito sa isang ina na nakalimot. Aalis muna para sa hapunan, hindi interesado sa serbisyong totoo at babalik kapag bakbakan na. Sa adbertismo, lipat sa kabila para sa mga kulay ng bato.

Nagmamadaling nakipagsiksikan si Josey sa mga taong panay ang reklamo dahil sa paabiso niyang pagdaan.

Wow, nakikidyood ka na lang dyaan. Imbyerna 'to,

"Baby girl, gora na akez." kasabay nito ang pagbeso niya sa anak niyang si Kristel. Pitong taon. Maganda, matalino, mabuting anak at masiyahin.

"Momshie, saan ka pupunta?"  tanong nito kasabay rin ng beso.

"Werk werk werk ang beautiful Momshie mo para may andabels tayez! Ganern!" masiglang bati nito.

"E kararating niyo pa lang e. Kumain ka na po ba?" nag-aalalang tanong ni Kristel.

He crouches para maging pantay sila.

"Oo naman, Baby Stel. Okay lang si Momshie. Pasensya ka na at lagi akong wala a, kailangan ko ng maraming raket para magkapera. Naalala mo yung kinukwento ko sa'yong isa kong trabaho. Yung sa bahay at lupa ni Konse Sar. May imi-meet-up akong kliyente na magiging buyer 'nun, tapos pagbalik ko. May suprise ako sa'yo. Pakisabi kay Mommy mo, may nilakad lang ako a." paliwanag niya at hinalikan si Kristel sa labi bago muling bumeso.

"Uwi ka po agad a, babush na Momshie. Love you, mwuah!" she sweetly said.

Dahil sa nagkalat ang pagsakop ng tao sa ispasyo ng daan ay inilalabas muna niya ang motorsiklo niya sa labas bago ito sakyan. Nadaanan niya ang mga barakong nagsusunong ng baga at masugapang bisyo ang alkoholismo.

"Oh Bakla! Saan kaya ang rampa?" sigaw ng isang lalaking isang ubo na lang rin naman.

"Baka gagaod para may pera! Baklang bakla na, nakuha pa kasing mambuntis. Pamilya mo nga hindi mo mabuhay, gumawa ka pa ng kababalaghan. Hahahaha!" halakhak ng lalaking ginawang duster ang jersey short.

"E anong ipapalamon mo sa mag-ina mo? Iaasa mo sa Ms. Gay, Ms. Gay na 'yan! Ahahaha, Candidate number 4! Wuahahahaha!!" tawa pa ng lalaking nakaupo sa lamesa pero nagmukhang bangko, bitin ang inakala niyang boxers at nagmukhang alkansya ang sa may likuran nito.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Josey.

"Kawawa naman si Ana, ang ganda ganda. Magpapabuntis lang kung kani-kanino. Bakla pa! Nakakasuka, ilang ti** na ata ang nasubo n'yan tapos ihahalik mo lang kay Ana. Yuck!" sabi pa ng pinakabarako sa lahat.

Sa araw-araw na pang-aasar nito sa kanya, dapat ay sanay na siya. Pero hindi naman niya maiwasang masaktan. Ayos lang sa kanya na siya na lang ang laitin, huwag na lang idamay sina Ana at Kristel.

"Matanong ko nga kayo? Ano bang mas nakakasuka? Yung baklang gumagawa ng marangal para bumuhay ng pamilya o kayo na ipapakain niyo na lang sa pamilya niyo pero pinang-iinom niyo pa!?" sagot niya at dali-daling umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man who can't be a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon