Kabanata 2:
Maghihiwalay din kayo
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nag aaral ako dahil bukas first day of Third year namin, syempre kailangang preferred ka nyan. Pag katapos kong mag aral lumabas muna ako para maligo, papasok nasana ako ng madatnan ko si Ramzel sa sala na nag lalaro ng psp, nakakalat ang mga notebook nya sa sahig tapos ang mga scratch paper nya tinapon nya lang kung saan, lumapit ako sa kanya para sigawan.
"Hoy lalaking chonggo ayusin mo yan kundi ipapakain ko yan sayo " sigaw ko pero parang wala syang narinig kaya kinuha ko yung papel at binato sa kanya, ngayon ko lang napansin na naka headphone pala sya.
Ang tanga mo kasi eh.
"Inaano ba kita? " galit na sabi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay para umayos sya ng upo
"Sinong may sabi sayo na maglaro ka nang psp mo? " sabi ko na nakakunot pa ang noo
"Sorry ate, hindi ko kasi maiwasan eh" sabi nya ng nakadungo.
"Mag aral ka ,akin nayan " sigaw ko ibinigay naman nya saakin ang psp nya "kaya ang bababa ng mga grades mo dahil dyan sa paglalaro mo " sabi ko sabay alis at punta sa cr. Pagkatapos kong maligo nag hain nako ng pag kain. Saktong pag ka hain ko dumating na si mama,
"Oh Ramzel dalhin mo to sa kusina at linisin mo yang isda tapos ilagay mo sa reft " utos ni mama. Padabog namang umalis si Ramzel kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Ma kain na po kayo " sabi ko tumango naman sya at pumunta sa kusina para kumain. Matapos naming kumain naghugas ako ng pinggan at si Ramzel naman nagwawalis ,mabait naman sya pero minsan lang. Pagkatapos kong maghugas pumunta nako sa kwarto ko hinintay ko muna si mama magpahinga bago ako pumasok sa kwarto.
Pagkapasok ko plinansta ko na ang uniform ko para bukas, pagkatapos non nahiga na ko at di ko namalayan nakatulog na pala ako.
zZzzzZzzzZzzzZzzzZzzZzz
Pagkagising ko nagluto agad ako at naligo, lumabas na si mama sa kwarto nya at nakabihis na sya para sa trabaho nya. Nakita ko naman si Ramzel na parang inaantok pa.
"Pwede bang mamayang hapon nalang akong pumasok? " tanong nya na naka nguso pa, inirapan ko lang sya at umupo ako sa upuan at nag simula ng kumain,
"Anak luluwas ako sa probinsya mamaya sa probinsya kayo muna maiwan dito kasi doon ako I nasine ng boss ko " hindi nako nagualat o kung ano pang dapat maramdaman dahil nasanay nako, at totoo nyan hindi pa talaga ako nakakapunta sa probinsya namin, gusto kong pumunta dahil masarap daw ang hangin don at tahimik, "papadalhan nalang kita ng pera, at ikaw ramzel wag ka puro babae ha?! Baka makabuntis ka. " sabi ni mama na ikinabigla ni ramzel, huli ka chonggo .
"Ma naman! Alam mo namang hindi ako ganyan eh. " tumawa nalang si mama habang ako ay nakatingin parin ng seryoso kay Ramzel..
Nauna na ako kay Ramzel pumasok, public tong pinapasukan namin, mas gusto ko nga public eh kaysa private na ang daming hindi pwedeng gawin, at kung papipiliin ako ng section? Mas gusto ko pa sa lower kasi masaya don kahit na maingay.
Naglakad ako papasok ng Gate ng may naka bangga sakin, isang lalaki gwapo sya at maputi, hindi yata to nagsusuklay ang gulo gulo kasi ng buhok pero inpernessssssssssss ang gwapo nya shettt.
"Hindi ka kasi tumitingin " walang ganang sabi ko.
"Sorry, hindi kasi kita nakita " kaya nga nabangga diba??? Paalis nasana ako ng may tumawag sakin.
"ALLEYAH !!!" pagkalingon ko nakita ko si Lovely napanganga ako dahil umiksi ang buhok nya.. Ang ganda nya grabe.
"Hi love kamusta bakasyon? " tanong kp nang makalapit sya pero ang ikinagulat ko inuna nya pa si i-dont-care-what-his-ugly-name nag apir sila na para bang kilala nya na ito.
"Alleyah siya si --" hindi na nya natuloy pa dahil pinigilan ko na sya lumapit ako sa kanya at hinila sya papalayo doon. "Grabe para akong kinaladkad ng kabayo ah? " sabi nya inirapan ko nalang sya.
Habang naglalakad nadaanan namin ang isang lalaki at babae na nakaupo sa bench at yung lalaki naman nakaakbay sa girl.
"Maghihiwalay din kayo!!!!! " sigaw ko ng makalayo na kami, siniko naman ako ni Lovely.
"Ano kaba? Ang bitter mo masyado wag kang magalala maghintay kalang at darating na sya " sabi nya sabay kindat kaya inirapan ko nalang sya.
BINABASA MO ANG
Walang Forever Sa taong BITTER (Short Story) ||COMPLETE||
Historia Corta(COMPLETED) Meet Alleyah, babaeng bitter at naniniwala na walang forever .Meet Oliver na na Love at first sight Kay alleyah. Paano kung magkita si Alleyah at Oliver. Maniniwala pa din ba ito na walang forever o mag uumpisa na syang may forever... ...