Maling Akala.
Akala ko... tamang iwanan ko siya. Akala ko... tamang bitawan ko siya. Akala ko... tamang baliwalain siya.
Akala ko... tamang paglaruan siya.
Akala ko... diko siya mahal.
Akala ko... wala akong nararamdaman.
Akala ko... diko siya pinapahalagahan.
Akala ko... binibiro ko lang siya.
Akala ko... may iba akong mahal.
Akala ko... diko siya makakayanang mahalin.
Akala ko... niloloko ko lang siya.
Akala ko... pinaglalaruan ko lang siya.
Akala ko... diko siya mabibigyan ng halaga kahit konti lang.
At mas akala ko... hindi ko siya tunay na mahal.Pero lahat ng akala na yan... maling akala lang pala... iniwan ko siya. Pero doon ko lang narealize na habang tumatagal na nilolokobko siya ganun ko nadin pala katagal na nahuhulog ako sa kanya.
Noong una... I tried my best, na sabihin sa kanya na may iba akong mahal at nagawa ko nga... pero mali pala, kaya bumalik ako sa kanya.
Sa isip ko sinasabi ko antanga tanga niya. Hindi niya ba naiisip na niloloko ko lang siya at bat niya nagagawang bumalik sakin kahit sinasaktan ko lang siya?
Ngayon, minahal ko na siya ng sobra pero wala rin pala... mawawala lang din ang lahat.
Tinry ko na mahalin yung taong dati akong nahulog... pero ang nasa isip ko padin hanggang ngayon ay yung taong niloko ko noon.
Totoo nga ang sabi nila... nasa huli ang pagsisisi saka mo lang marerealize na mahal mo siya kapag nawala na ito sayo...
Akala ko kasi... tamang manloko ako ng iba. Dahil nasaktan ako noon sa taong minahal ko ng sobra pero di manlang ako pinaglaban.
Nagmahal ako ng tao na hindi naman ako mahal. Kaya niloko ko siya.
Andami ko nang nagawa sa kanyang kasalanan pero diko manlang naiisip lahat ng mga ginawa niya para sakin dahil naiisip ko lang yung pansarili kong kaligayahan.
Ngayon wala na siya... mukhang diko na maibabalik pa... pero mahal na mahal ko siya.
Niloko ko siya, binaliwala, sinayang...
Diko manlang nakita yung mga pagpapahalagang ginawa niya dahil bulag ako sa lalaking nagpahulog sakin at di naman ako kayang mahalin.
Nagpahulog ako sa bestfriend ko na nafall sa iba
At sa lalaking minahal ko na di ako kayang ipaglaban
Pero sa tatlong lalaking yan... anjan padin siya, nasa tabi ko pero... diko nakikita.
Diko nakikita yung totoong pagmamahal dahil bulag ako sa mga taong nakapaligid sakin.
Antanga ko... yun lang ang masasabi ko. Sabi nga nila... anjan na yung dyamanteng hinahanap mo winala mo pa...
Ansakit... kasi hanggang ngayon nagsisisi parin akong pinakawalan ko siya...
Hindi, siya ang bumitaw... sa huli. Pero sinisisi ko padin ang sarili ko dahil alam naman nating sa una palang ako na ang mali.
Kaya ako na ang kusang bumitaw sa relasyon namin para diko na siya masaktan... at para wala nang masaktan pa sa amin... pinakawalan ko na siya... para diko na siya masaktan... kaya di ko na siya pinayagang bumalik pa sa akin..
He deserve a true love.. he deserve a better woman that will love him very much... so that I let him go...
Pero nagsisisi ako...
Ako na ang bumitaw sa relasyon namin.
Ako.