Si Mr. Sungit at Ako

1.8K 36 44
                                    

"Anong sagot dito?" tanong ko sa katabi ko na si Spy.

May surprise quiz kasi kami ngayon at wala akong alam. Hindi kaya ako masipag mag-aral pagdating sa history. Ang dami kayang binabasa, nakakatamad!

"B!" masungit na sagot nito.

"Salamat!" padabog na sabi ko. Grabe naman talaga siya. Ang sungit-sungit. Akala mo naman babaeng laging may regla eh lalaki naman.

Kung bakit naman kasi ito pa ang naging seatmate ko, noh! Kapag ako nainis, babalatan ko 'to ng buhay.

"Alis!" masungit na sabi nito.

Bastos? Nakikitang kumakain ng lunch yung tao.

"Alis na sabi!" sigaw nito.

"Spy, ano bang problema mo? Bakit ang sungit-sungit mo? Araw-araw ka bang may regla?" inis na sabi ko.

Pero imbis na magsalita siya, umupo na lang bigla.

I heard him murmur something but never got the chance to understand it clearly.

Nakakaasar na talaga siya. Buti pa sa iba, ang bait-bait niya. Samantalang sa akin, laging magkasalubong ang kilay kapag nakaharap na!

"Oy, gumising ka na diyan." sabay alog nito sakin.

"Ano ba!" inis kong inalis yung kamay niya sakin.

"Tinatawag ka ng bestfriend mo!" sigaw niya.

Ah, si Dea. Nagkamot naman ako ng mata. "Asaan siya?" sabi ko sabay hikab.

"Umalis na." sabay talikod niya.

Ang ganda niya talagang kausap. Ang sungit talaga. Bilhan ko kaya 'to ng napkin?

"Class, para sa regodon pala yung top twelve na babae at top twelve na lalaki." sabi ni Ms. Dina.

Ah oo nga pala, two weeks na lang bago ang Junior-Senior Promenade.

"Krystal, sasama ka sa prom?" rinig kong tanong ni Lynne sa isa ko pang kaklase.

"Oo, ikaw?" tanong naman nito kay Lynne.

"Ewan." sabay kibit-balikat nito.

"Ikaw, Yanna? Sasama ka?" baling naman sakin ni Krystal.

"Hindi." maiksing sagot ko.

"Bakit naman?" tanong nito.

"Wala namang magsasayaw sakin." dahilan ko pero ang totoo, wala akong interest pagdating sa prom na yan.

Ano nga bang mawawala sakin kapag hindi ako pumunta? Buo pa rin naman ako, diba?

"Mommy!" maktol ko.

"Ayaw ko ngang sumama sabi!" inis na inis na sabi ko.

Paano ba naman, itong makulit na nanay kong dress designer, ginawaan ako ng damit sa prom at pinapasuot na sa akin.

"Anak, ayaw mo bang isuot itong damit na ginawa ko para sayo?" may halong pagtatampo sa tinig niya.

"That's not what I mean. Hindi sa ganun, mommy. Ayaw ko lang talaga pumunta sa prom. Kung gusto mo, sa ibang occassion ko na lang yan isusuot. Besides, that's a beautiful dress that should be worn during special occasions." sabay akyat ko sa hagdan.

"If you are really decide not to attend your prom, I'll cut your allowance." pagbabantang pahabol ni mommy.

What? That's impossible. No! My big allowance, I can't live without it.

Inis kong sinara yung pinto ng kwarto ko. I don't really wanna go there but I think I have no choice but to follow my mom's order or else my allowance will be cut. That will be the last thing I wanted to happen now.

Pagkapasok ko sa entrace ng venue. I scan the surroundings. Black and yellow balloons are all over the place.

There's a red carpet and I started walking as I bow down my head. Attending parties or occasion is not really my thing. People are already starting to have some fun.

I searched for my friends and classmates. We don't have a color code for this event, maybe because we're the last batch who's not gonna go under senior highschool. Ang lalaki ng mga mata nila. Para silang nakakita ng multo noong nakita ka.

(A/N: See the picture on side. Para makita mo ang suot ni Yanna!)

The event already started. It's been a few hours. Hindi ko maintindihan. Kanina pa ako palinga-linga kung saan-saan. Yung parang may hinihintay na wala naman talaga?

Napabuntong hininga na lamang ako. If I was given a choice, i'd rather spend my night inside my room.

Nagulat ako nang may tumapat sa harapan ko. He's wearing a white tuxedo with ribbon and pants. His shoes is also shiny, mahihiyang dumapo ang ipis.

"Yanna, can I have this dance?" nahihiyang sabi ni Spy sabay kamot sa likod ng ulo at abot ng kamay.

Nagulat ako sa alok niya. Is this real? I tried to close my eyes and open it, baka namamalikmata lang ako at kung anu-ano na ang nakikita. But when I open my eyes for the second time, I saw Spy laughing. I know that it's all real.

Nahihiyang inabot ko ang kamay ko sa kanya. He guided me when we're walking.

We're already in the middle of the dance floor when the music change into a romantic slow dance.

"All I am, all I'll be

Everything in this world

All that I'll ever need

Is in your eyes

Shining at me"

Spy took both of my hands and encircle it on his neck. We started dancing slow as we enjoy the music.

Akakain mo yun, may sweet side din pala si Mr. Sungit!

Author's Note:

THIS STORY IS DEDICATED TO  CRUSHYRUSHY! ANG GANDA PO NG MY VIRGIN WRITER! HIHI! DAMANG-DAMA MO YUNG BAWAT SALITA. MORE POWERS TO COME PO. GOD BLESS! I REALLY LOVE YOUR STORY.

Guys, thank you sa support niyo.. Thank you sa votes, comments and pag-add niyo nito sa RL niyo... Thank you dahil sa inyo, napunta ito sa what's hot... Short Story #86 and Romance #227 KAMSA HAMNIDA

Published: October 9, 2015
Edited: April 27, 2020

Si Mr. Sungit at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon