Chapter 15

560 20 1
                                    

C h a p t e r F i f t e e n

Girlfriend lang siya. Fiancee ako

~ * * ~

"Say I was afraid..."

*I will survive lyrics

Pasigaw na kumakanta si Talia habang kaming tatlo nila Yna at Iasha sumasayaw. Yes, mga tipsy na kami. We were singing and dancing like we are the only people in the world. Itong ikalabing dalawang palapag ay sa aming Style lamang. Ang Sky Entertainment building ay naglaan ng bawat palapag para sa dorm ng bawat grupo. As of now, anim ang hawak na grupo ng agency. Hindi pa kasama ang mga actors, actresses, models. Kapag solo artist ka, may kasama ka sa isang palapag. Yun bang may kapitbahay ka, may katabi kang room. This building has up to 20 floors. Bukod pa doon, kompleto sa mga kwarto ang building like recording stuidos, practice room, audition room and etc.

Nasa entertainment room kami ng dorm namin. And this room is a soundproof kaya ayos lang kahit para kaming nasa Earth Day Jam kung magsipagwalaan.

Bumagsak ako sa malaking couch nang makaramdam ako ng pagod at hilo. Nararamdaman ko nang unti unti ng umiepekto ang alak sa sistema ko.

Dinaluhan ako ng dalawa habang si Talia kanta pa din ng kanta.

"Bakit kaya ganun? Yung isa tinatago ako, yung isa naman niloloko ako. Mukha ba akong laruan sa mga lalake?"

Napatingin sa akin sina Yna at Iasha. Si Talia naman, sa kabila ng pagwawala niya nagawa niyang marinig ang di kalakasang sinabi ko. Huminto siya sa pagkanta at umikot paharap sa akin. Matapos ako tingnan ng seryoso, naupo siya sa tabi ko.

"Si Zico at Rem ba 'yan?" tanong ni Iasha. Nasa kanan ko siya at katabi niya si Yna.

Hindi ako sumagot. Inabot ko ang isang bote ng alak na nasa center table at tinungga ito. Kinuha naman agad ni Yna ang bote sa akin. Natapunan ako ng kaunti sa damit. Ah, bahala na mag-amoy alak lalo.

Kinwento ko sa kanila ang nangyari kaninang komprontasyon namin ni Dars at ng so called shuta ni Rem na si Lisa.

"Pero di naman ako naniniwala," sabi ko agad bago pa sila mag-react.

"Pero napapaisip ka," puna ni Talia.

Tumango tango ako. "This is the reason kung bakit ayaw kong maniwala agad agad. Posible kasing ginagamit niya lang ako."

"Gosh, Kangji! Don't say that!" frantic na sabi ni Yna. "Wag mo agad pag-isipan ng masama si Rem. Akala ko ba hindi ka naniniwala sa sinabi ng impakta?"

"Oo nga. Hindi nga ako naniniwala." Sumandal ako sa couch at pumikit.

"Hay nako, lasing ka lang. Ang gulo mo kausap. Dito ka na matulog," sabi ni Iasha.

Dumilat ulit ako. "Di pwede. Magtutuos pa kami ng fiance ko."

"Ayii! Fiance daw oh." Tinusok ni Talia ang tagiliran ko.

"Girlfriend lang siya. Fiancee ako." I laughed in a bitchy way.

"That's our Kangji!" Talia yelled. Then they hugged me.

"Ako na maghahatid sa'yo, Kangji," offer ni Iasha.

"Iasha, ilan 'to." Tinaas ni Yna ang apat na kamay niya.

"Apat," sagot ni Iasha sa kanya.

"Gaga, dalawa lang. Lasing ka nga."

So lasing din ako? Apat din ang pagkakakita ko eh.

"Ako nalang maghahatid sayo," Talia offered.

"Baka marunong?" Tinaasan ni Yna ng isang kilay si Talia. "Kung hindi lang ako nahihilo, ako na maghahatid sa'yo, Kangji. Kaso baka madisgrasya lang tayo pareho."

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon