Chino'sPOV
Maaga akong nagising. Pumunta agad ako sa resto ni mama. Ako lang ang makakatulong sa kanya, kasi si Bea nag aaral pa. Wala na rin kaming kamag anak sa side nya nasa Japan na lahat.
Madaming tao ngayon dito. Ako andito sa counter para kung may ibang problema naasikaso ko agad at nakikita ko.Si mama tumutulong lang sa pagluluto. Masarap magluto si mama, at yun daw ang dahilan kung bakit nainlove si papa sa kanya.
Speaking of papa, matutuloy kaya yung pag alis ni Bea paramagbakasyon sa US, malapit pa naman na matapos ang klase
"Ma" tawag ko kay mama."tuloy po ba si Bea sa US?"
"oo anak. Baka nitong April na alis nya. Hindi ka ba talaga sasama? Para makita mosi Travis" sabi ni mama.
"Ma,wala kang kasama dito. At mas pipiliin ko pang maiwan dito para may makasama ka."paglalambing ko.
"talaga anak? Salamat ha? Ang baet baet mo talaga. Mana ka talaga sa akin"sabi ni mama. "o sya tutulong muna ako dun sa loob ah"
At pumasok na si mama sa loob, naka tingin lang ako sa bawat table na kumakaen at sa pinto na may pumapasok. Biglang may pumasok, at yun ay ang kaibigan ko simula high school na si Daniel Fernandez.
"Bok!" tawag nya sa akin pagkapasok ng pinto.
"oh napadalaw ka ah? Hindi ka na ba busy? Sila Leslie pupunta ba?" tanong ko
"oo papunta na din sila dito. Ngayon yung uwi ni Shiela ah" sabi nya
" ay oo nga pala. Sunduin natin sya?" sabi ko
Apat kaming magkakaibigan simula highschool at kilalang kilalana nila ako kung gaano ako kachicboy pero tanggap nila kung ano at sino ako.
Sina Daniel Fernadez,Leslie Cruz, Shiela Mendez at Martha Lopez ang mga kaibigang lagi kong nilalapitan pag may problema ako.
Galing Canada si Shiela, dun na nakabase ang buong family nila. After pagkagraduate ng highschool, pumunta nasila dun. Kaya tanging kaming tatlo ang laging nagkikita. Pero mas madalas sa facebook na lang kaming nag uusap usap.
Andito na yung dalawa. Binati din nilasi mama at binigyan sila ng pagkaen ni mama. Nako kung hindi ko lang kaibigan tong mga to. Alam nilang lahat ang mga kalokohan ko.
Pagkatapos naming kumaen, umalis muna agad kami, nagpaalam ako kay mama na susunduin namin si Shiela sa airport. Buti nga pinayagan sya ng parents nya mag bakasyon dito eh. Dala koyung fortuner ko. At dederetso kami sa club.
"Bok,kwento ka sa amin. Kamusta naman yung babaeng kinukwento mo" tanong ni Martha
"Nako, hindi ko pa sya nakakausap ulet. Ang sungit nya kaya" sabi ko
"Nalalaos na ata pag ka chicboy mo bok" pang aasar ni Leslie.
"ako?! Excuse me. Kung alam nyo lang kung ilang babae nakikilala ko sa club pag pumupunta ako." Pag yayabang ko "ewan ko ba, natamaan na ata ako eh. Pag dating sa kanya natatameme ako. Iba sya mga friends"
"tinamaan ka na nga ata ni kupido. Malala na yan bok" sabi ni Daniel
Buti na lang at hindi matraffic papunta sa NaIA 3. After 1 hour nakarating na kami. Maya maya lalabas na si Shiela. Agad kaming pumunta sa lobby pag dating. Palabas na si Shiela pagdating namin, we're just in time.
"Shiela!!!" sabay sabay naming sigaw na apat. Lahat ng tao nakatingin saamin
"wow ah! Ayaw nyo naman ipangalandakan ang pangalan ko." sabi nya
"ganyan ka namin kamiss" sabi ko
"thanks guys sa pagsundo sa akin ah. So where we should go?" sabi ni Shiela
"sa club" sagot ko
"sa club?!" sabay sabay nilang tatlo
"para makilala nyo mga friends ko, malay nyo andun si miss sungit" sabi ko
"okay" sagot nila
At pumunta na nga kami sa club. Mabilis lang naging byahe namin. Wala pang gaanong tao. Pero masaya na sa paligid.
Dun ko sila dinala sa pwesto ko. at nag order na kami, sagot daw ni Shiela.
Masaya kaming nagkwentuhan, pero hindi dumating si Ms. Sungit at napagpasyahan na rin naming mag si uwi. Lahat kami umuwi sa condo ko.
Nag text ako kay Tricia na wag muna sya umuwi sa condo ko kasi dun magpapalipas ng gabi ang mga kaibigan ko.
Ngayon lang kami ulet nagbonding ng ganto kasi madalas busy lahat sa kanya kanyang mga trabaho.
Si Daniel, Manager sa isang kilala at malaking banko dito sa Pilipinas. Si Leslie, isang accountant sa isa rin sa kilala at malaking kumpanya. Si Martha naman isang Chef sa isang kilalang Restaurant dito sa Pilipinas. Gusto ko nga kunin si Martha, kaso hindi ko kaya presyo nya. Hahaha
Andito kami ngayon sa condo ko, syempre tuloyang kasiyahan. Bumili kami ng maiinom at makakain, dahil wala ng oras para magluto pa.
"Bok, musta nga pala yung babae na sinasabi mo samin?" tanong ni Shiela.
"Si Jessie yun di ba?" pagdudugtong ni Daniel.
"Hindi ko alam, huli naming kita nung sa book shop. Hindi ko naman nahingi kay Sofie number nya." Sagot ko
"Kasi namn bok, pakatino ka na" sabini Martha
"Ewan ko ba, natameme na ata ang isang chicboy na katulad ko sa kanya." Sabi ko
"Gwapo mo eh no?" sabi ni Leslie.
"Pero seryoso ako sa kanya, gusto ko pang mas makilala sya." Sabi ko
Magdamag kaming masayang nag kwentuhan.
............
Kinaumagahan...
"Bok! Alis na kami, text text na lang ah." Sabay sabay na paalam sakin ng mga kaibigan ko.
Tumango na lang ako at nagpaalam. Nakahiga pa rin ako sa kama at nag iisip nag gagawin ngayong araw. Off ko ngayon sa work. Si mama daw muna bahala mag asikaso sa restaurant. Nag text ako kay Tricia.
To: Tricia
Hi Babe! Good morning.
Siguro tulog pa yun kasi kadalasan naman mabilis yung mag reply sa text ko. Pero nag-aalala ako sa kanya baka saan nanaman yun pumunta. Baka mamaya nagpunta sa club tapos may nambastos nanaman sa kanya. Kaya tinawagan ko na.
Calling Tricia.....
"Hello" lalaki ang sumagot. "hello" hindi ako sumasagot. At sa pangatlong hello nya, binaba ko na yung telepono ko.
Sino kaya yung sumagot ng cellphone ni Tricia? Okay lang kaya si Tricia? Nag-aalala ako pero hindi ako nasasaktan or nagseselos.
YOU ARE READING
TRUE LOVE WAITS
Storie d'amoreHanggang kelan kaya tatagal ang relasyon na malayo kayo sa isa't isa? Kaya nyo bang tiisin na wala kayo sa piling ng isa't isa? Makukuha mo pa kayang makatakas sa mga tuksong nasa paligid mo kung ang minamahal mo ay malayo sayo? Sa isang salita, man...