Si Crush at ang Chatbox
©Rapmuning
"Anong gagawin mo pag chi-nat ka ni Crush?"
--Nakakatamad mag FB. Pareho pareho na lang nakikita ko eh. Makakain na nga lang ng three large pizza, 5Buffalo wings, MOJOs at 1.5 Rootbeer for merienda. Medyo diet ako eh. Hihihi
Pero bago ko pa ma logout ang aking Fb account na inaagiw na eh may nakita ako. Isang pangyayari na maaring makapagpabago sa aking buhay at sa hinaharap ng bansang pilipinas. Isang Pangyayaring makakapagpabangon sa mga nasadlak ng trahedya at makakapag palakad sa mga bingi, makakapagbigay ng paningin sa bulag at makakapag pasalita sa mga pipi.
NAG-CHAT SI CRUSH!!!
*FLASHBACK*
"Oi, Khyx ano plano natin para kay Mam Rey?" tanong ni Marie, President ng room namin.
Yan ang bumungad sa akin pag pasok ko nang School. Teacher's Day kasi ngayon. At ako ang inatasan nilang magplano para sa "suprise" kuno namin sa aming Adviser. Hindi ko alam kung ba't ako ang mag paplano eh, hindi naman ako Officer. Tinatamad siguro tong mga to. Dagdag trabaho. Psh
"Yung mga usual na lang. Cake, Card,Suman,Kwek Kwek, Confetti o kaya kidnappin na lang natin tapos tayo ang mang haharana." Sabi ko, wala kasing ideas na napasok sakin. Lugaw utak ko ngayon with egg.
"Geh, basta ikaw na bahala. Tsaka nga pala tawag ka ni Mam Garcia, ikaw mag sa-sub sa kanya diba?" Sabi nya habang nagtatanggal ng kuto sa anit.
"Oo papunta na nga ko eh, inistorbo mo lang ako. " Totoo naman eh, tinataguan ko nga yan kasi alam kong uutusan ako. Di ko nga sinasagot yung 45 missed calls nyan eh. Tsaka i-unfriend ko sya sa FB. Halata bang nagtatago?
Ako nga pala si Khyx Mae Villagracia. 16 yrs old nag aaral sa Public School, 4th year High School. Hindi naman ako sobrang ganda, yung tama lang. Matangkad, Maputi, pero may pagka boyish haha. Hindi ko kasing matiis na mag skirt, mag make up, mag lagay ng lipstick. Polbo, tsaka kending Lips ayos na sakin.
NBSB ako, hindi naman sa walang nangliligaw sakin, hindi rin dahil Choosy ako. Eh basta, magulo kasi pag may Lovelife. Sa una lang ang Love, tapos bandang huli iyakan na. Tsk, natatakot lang akong masaktan. Tsaka kaya ko namang mabuhay nang mag isa eh. Hindi ko kailangan ng Boys, ang kailangan ko ay Hangin, Tubig, Pahinga, Si Lord at Kpop para mabuhay. Pero fyi, hindi po ako conservative. Sobrang landi po ako hahaha. Magulo ba buhay ko? Ah basta, nakikibasa lang naman kayo. Hahaha joke ᕙ( ͡° ͜ʖ ͡°)ᕗ
So bale, pumunta na ko sa Faculty. Binigay na ni Mam Garcia yung ituturo ko. Part kasi ito ng Program para sa Celebration ng Teacher's month eh. 3 days magtuturo ang mga selected students kapalit ng Teachers. Tapos ang mga Teachers naman ay may free time para mag chikahan, para mag pa cutix, mag shopping at mag pa rebond.
Dahil nga napaka swerte ko, nakuha ko ang Subject na Physics. So nagisip na ko ng mga Activities para sa klase ko at inayos ko na rin ang lesson plan ko. Medyo Scared kasi syempre baka mabastos ako or whatsoever. Ganda ko pa naman. Seksi pa. Malaki pa boobs. Malaki pa pwet. Pero subukan lang nila, upak ang matatanggap nila sakin.
***
"Hayyyyyysss! Kapagod, ayoko nang mabuhay. Please take me lord!" Pag eemote ko habang nakaupo ako sa bench.
Grabe kasi sobrang hirap pala. Ang hirap pumanhik sa mga hagdanan. Ang hirap mag polbo kasi may chalk sa kamay. Bawal maghugas kasi baka mapasma. Ang hirap kumain kahit libre ng faculty ang Lunch. Ang hirap gumalaw kasi ang daming gwapong nakatingin tsaka sobrang init!
BINABASA MO ANG
Si Crush at ang Chatbox (one shot)
Humor"Anong gagawin mo pag chi-nat ka ni Crush?"