Chapter 30

4.6K 92 1
                                    

Chapter 30

 

Nagmamadali akong lumabas ng kompanya. Masamang-masama ang loob ko, Panay ang lang ang iyak ko kahit na nasa loob na ako ng taxi.

“Miss san po tayo?” tanung ni manong na nakakunot ang noo sakin, malamang iniisip nito baliw ako dahil umiiyak ako sa loob ng taxi nya.

“Sa Makati po manong, pakibilis po.” Sabi ko tapos inabot sa kanya ang 1000 peso bill, hindi na ako nagabalang kunin pa ang sukli noon.

Ilang oras lang ang nakalipas ay nakarating na din kami doon, ibinaba ako ni manong sa tapat ng subdivision namin. Nagmamadali akong pumasok paloob,

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni manang Lourdes na halatang gulat dahil sa maaga kong paguwi.

 

“Oh, Bakit ang aga mo? Asan si—teka, umiiyak kaba?” gulat na tanung nya sakin.

Humalik ako sa pisnge nya. “kukunin ko lang po ang gamit ko sa kwarto manang.” Sabi ko. Nalaglag ang panga ni mang Lourdes na nang madinig ang sinabi ko. Di ko na hinintay pa ang sasabihin nya, agad akong umakyat sa kwarto ko.

Nadinig ko ang yabag ni manang Lourdes na nakasunod sa likod ko. “Teka lang iha, Anu bang nangyari? Alam ba ni Daryl ito? Nagaway na naman ba kayo?” sunod-sunod na tanung nya. Hindi ako sumagot, sa halip panay ang hikbi ko habang ipinapasok ang iilang gamit ko sa isang malaking bag.

“Pagisipan mo muna itong mabuti,Jessica.” Aniya.

Binalingan ko sya ng tingin matapos kong ilagay ang natitirang gamit ko sa bag, Agad kong isinabit sa balikat ko iyon. “Wala na po manang, matagal ko na talaga dapat itong pinagisipan, masyado lang po akong mabulag.” Sabi ko tapos lumabas nan g pinto, sinundan nya ako at hinawakan sa balikat.

“Jessica.”

Humalik ako tapos yumakap muli sa kanya. “ingat po kayo manang, una na po ako.” Sabi ko tapos tuloy-tuloy na lumkad palabas ng bahay na yun.

Sobrang bigat padin ng loob ko, hindi ko alam kung san ako pupunta kaya kinuha ko ang cellphone ko at dinaial ang number ni Grace pero unattended ito, Suminghap ako. Hindi ako pwedeng umuwi kay papa dahil siguradong masusundan ako ni Daryl doon.

Umupo ako sa waiting shed sa labas ng subdivision naming, mukha akong tangang umiiyak doon habang pinagmamasadan ang mga sasakyan na dumadaan.

Hinawakan ko ang dibdib ko. What should I do?

I’m so hurt!

Nagvibrate ang cellphone ko. Hindi ko sana sasagutin iyon ng makita kong si Ash ang tumatawag.

Calling Ash..

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko bago sinagot ang tawag.

“Hello.” Mahinang sabi ko, tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.

Love Again: Daryl Enrique StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon