"Lahat na lang ng gusto niya sa isang babae, sinubukan kong gawin. Tsk. Manhid talaga
letse!" Lahat ng inis ko, binuhos at sinabi ko kay Keilah na bestfriend ko.
Kami pa lang ni Keilah ang tao dito sa classrom, pinilit ko pa siyang pumasok ng maaga para lang may masabihan ako ng sakit ng loob na nararamdaman ko kay .. sa crush ko.
Ako nga pala si Julia, 4th year high school. Nag-aaral ng mabuti, nasa first section pa. At inlove na inlove sa schoolmate kong manhid at walang chance na magustuhan rin ako. Tanga ko no? Tanga na kung tanga pero sinimulan ko na eh, mahirap to tapusin.
"Alam mo Julia, if you really like him.. dapat aminin mo na sa kanya, malay mo gusto ka rin niya. Sige ka baka nga totoo yun at hinihintay ka lang na sabihin sa kanya, baka sa sobrang tagal mo, ma fall siya sa iba." Napaisip naman ako, pero ako talaga kailangang gumawa nun? Kababaeng tao ko eh, napaka ungentleman naman ng dating niya kasi gusto niya ako ang maunang umamin.
"Pero baka naman wala talaga siyang gusto sakin?" Napalakas yung sabi ko, iniisip ko lang yun eh. Lumabas pa sa bibig ko tsk. Hindi ko na talaga macontrol sarili ko mula nung nagustuhan ko siya.
"Wag ka ngang nega! Ikaw ba yan Julia? Ang kilala kong Julia, palaban!"
I smiled. Ang bestfriend talaga, kapag seryoso ang usapan, sincere. Kung lokohan lang, lokohan talaga. Ang swerte ko to have Keilah as my bestfriend.
Bigla namang dumating si Michael James a.k.a. MJ sa classroom. Naputol tuloy yung pag-uusap namin ni Keilah. Grrr! Kahit kailan, wrong timing to!
"Hey ladies! Hahaha! Bakit ang aga niyo? Naunahan niyo pa ako eh." See? Pakielamero!
"It's none of your business." Taray ni Keilah! Hahaha! Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo nito kay MJ.
"Sungit naman. Maganda ka na sana eh, kaya lang lagi mo akong tinatarayan."
"So? Maganda ako. Period." Grabe naman. Gumaganon si Keilah? Hahaha!
"Tsk. Tumigil na nga kayong dalawa." At sakto namang dumating si Sean. Si Sean naman, tahimik lang yan. Pero minsan masungit, minsan makulit. Maya-maya marami na kami sa classroom.
Pero wala pa si Luke. Yup, si Luke ang crush ko. And yes, classmate ko siya.
"Mahal, pangako sa iyo. Hindi magbabago." May naririnig akong kumakanta.
I think I know that voice. Kilalang kilala ko! Wahh!! Nanghaharana siya...?
Lumabas ako para makita siya at kung sino yung kinakantahan niya.
Then I saw them..
Si Keilah?! WTF!
"L-luke.." Gulat na sabi ni Keilah. Bakit siya pa? Ano bang meron siya na wala sakin?
"Keilah.. will you be my girlfriend?"
That's it. Nakakainis! Alam kong more than crush na ang nararamdaman ko. At alam ko ring ang babaw ko pero, ang sakit pala. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang tao. Totoo yun, kasi takot akong masaktan.
Bakit si Keilah pa? Bakit bestfriend ko pa?!
"Keilah.. will you be my girlfriend?"
"Keilah.. will you be my girlfriend?"
"Keilah.. will you be my girlfriend?"
"Keilah.. will you be my girlfriend?"
"Keilah.. will you be my girlfriend?"
BINABASA MO ANG
Ang manhid ni Crush >_< [One shot]
RomanceManhid ba ang crush mo? Nakakabwisit ba yung, imbis na mapansin ka niya, mas lalo siyang lumalapit sa iba. Ako lang po ang nagpost nito pero ang gumawa at nagtype nito ay si Admin J of JerNellaBuddies. Follow them on Twitter, IG at dito sa wattpad...