Chapter 66

11.9K 170 9
                                    

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. May kung anu sa mga mata nya at hindi ko maintindihan kung anu iyon. Kumunot ang noo ko kasabay ng paglambot ng mga tingin nya sa akin. Kahit kaylan, hindi talaga kita maintindihan brian.

Naramdaman ko ng kamay ni Lance na ipinatong sa balikat ko. “Talo-talo?” ngumise sya. “Hindi uso ang salitang talo-talo sakin brian,” Aniya. Napatingin ako kay Lance. Seryoso ang mga mata nya kahit na pangise-ngise syang nakikipagusap kay brian. “You let her go. So, It’s my turn now. At ngaun, sisiguraduhin ko na hindi na sya mapupunta sayo.”

Hinagit ni Lance ang kamay ko paupo sa sofa, sa may tabi nya. Natahimik ang lahat, pakiramdam ko ay nababalot na ng tensyon ang paligid. Gusto kong matanggal ang awkwarness sa paligid pero wala akong masabi. Walang anu mang salita ang lumalabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako kay lance habang hawak-hawak padin ang kamay ko.

Unte-unte kong binaling ang tingin ko kay brian, nakatingin sya sa magkahawak naming mga kamay. Kinagat ko ang labi ko, Pinasadahan nya ang buhok nya gamit ang isa nyang kamay.


“Oh.”
Aniya. Tumawa sya sa harapan namin habang nakatakip ang isang kamay nya sa kanyang mga mata. “Ganun ba? Shit! Congrats!” sabi nya tapos tumingin sa akin. Lumunok ako ng madaming laway, Brian. What’s with you?


“Yeah. Thank you for letting her go.” Ngiseng sabi ni Lance, kinuyom ni brian ang bagang nya. Tumayo si Kuya tapos inakbayan si Brian.

“Tama na yan! Hahaha! Tropa-Tropa padin tayo! Wala namang ganyanan, aalis na ako eh.” Aniya. Yumuko ako tapos bumuntong-hininga. Halos hindi ako makahinga kanina, pakiramdam ko nasusufocate ako sa paligid.

“Are you okay?” bulong ni Lance sakin, binalingan ko sya ng tingin tapos ngumite.

“oo. Salamat lance, pinagtanggol mo na naman ako, Nagsinungaling kapa dahil sakin. Sorry huh.” Utas ko. Hihilain ko na sana ang kamay ko ng higpitan nya ang pagkakahawak dito.

Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya. “Im not lying, Seryoso ako. I want to court you.” Utas nya. Tahimik lang akong nakatitig sa kanya, pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi nya.

“A..anu?” utas ko.

Tumingin sya sa likuran ko, Ngumise sya tapos unte-unteng inihilig ang ulo nya papalapit sakin. Hindi ako nakagalaw hanggang sa naramdaman ko nalang ang labi nya sa may noo ko, hinalikan nya ako.

 

“Court you.” Bulong nya malapit sa tenga ko. Uminit ang pisnge ko sa ginawa nya kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko, Nakatulala lang ako sa gwapo nyang mukha hanggang sa madinig ko ang lagabog ng isang mababasaging bagay.

Awtomatik na napatingin ako kung saan nakaupo si Brian, nakatayo sya habang nakatingin samin ni Lance, Napatingin ako sa lapag kung saan nakakalat ang basang na basong hula ko ay itinapon nya.

“Gago ka Lance!” utas nya, Akmang susugurin nya si Lance ng hawakan sya ni Lucy at Jeff sa magkabilang braso.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon