FIRST RUNNER UP ヾ(@⌒ー⌒@)ノ
FIRST LADY (=^x^=)
FIRST KISS ヽ( ̄д ̄ノ=3=3=3
FIRST HUG v(^_^v)♪
FIRST DATE (='∀`)人('∀`=)
FIRST DANCE ♪(*^^)o∀*∀o(^^*)♪
FIRST FRIES (LUL) m(_ _)m
Hindi ba lahat ng FIRST ay masaya? Iyong tipong bagong experience at sadyang nakakaexcite gawin. Nakakatakot sa simula dahil nga FIRST pero kapag nagawa mo na, ang sarap isipin na sana ay maulit muli?
Eh paano kung sa pagmamahal? Masarap din kayang balik-balikan ang pagkakaroon ng UNA?
Masaya nga bang magkaroon ng FIRST LOVE o mas masarap na lang kalimutan dahil MASAKIT sa PUSO at sa ... BULSA?
-----------------
Ako si Crayon Lucifer, labing walong taong gulang. Maraming nagsasabi sa akin na maganda akong lalake, hindi ako ipokrito para itangging hindi totoo ang mga sinasabi nilang iyon tungkol sa hitsura ko, maswerte ako dahil galing ako sa pamilya na biniyayaan ng magaganda at gwapong mukha, hindi man ako ganun kayaman, mayaman naman ako sa kaibigan at sa...
"Crayon, baby! Date tayo mamaya ha?" si Achi, isa sa mga kafling ko, sexy siya at ubod ng galing pagdating sa kama. 2 linggo na rin kaming magkakilala at hindi na rin mabilang kung ilang beses namin nagawa iyon.
"Sige ba? Sa condo mo o sa akin?" iba ang tinutukoy niyang date. Pagsinabi niyang DATE ang kahulugan noon ay SEX.
"Sa condo ko na lang, mamayang uwian huh?" hinalikan niya ako sa labi ng matagal bago umalis. Nagtinginan pa kami ng malagkit bago siya tumalikod at lumakad ng pakendeng.
.
Kakaalis lang ni Achi ng may tumakip sa mata ko buhat sa likod.
"Guess who?" saad ng malanding boses mula sa likuran ko. Napangisi ako, hindi ko man siya makita alam ko na kung paano ko siya mapapaamin kung sino man siya sa mga kafling ko, halos iisa ang boses nilang lahat at hindi ko matandaan kung kanino- ang boses na iyon.
"Boses mo pa lang, nakikita ko nang maganda at sexy ka, kaya lang ayaw kong manghula dahil hindi dapat hinuhulaan ang kagandahan mong taglay" pambobola ko, bumitaw naman agad siya sa pagkakatakip sa mga mata ko.
Nilingon ko iyong babae.
"Patty? Kaw iyon hindi ba?" tanong ko na may kasiguraduhan.
"So you remember me?" niyakap at pinulupot niya ang mga kamay niya sa likod ko.
"Oo, naman nagkita tayo sa bar kagabi hindi ba?"
"Hindi, Red introduce me to you! I'm his cousin, Remember?"
Oops! Mali
"Ah, oo hehe, kamukha mo kasi iyong babae kagabi sa bar kaya lang siyempre mas maganda ka sa kanya" pagdadahilan ko.
"Kaw talaga, binobola mo naman ako eh" kinurot niya ang ilong ko, at hinalikan ang punong tenga ko.
Oh! Shit! Nag-iinit ako sa kanya.
"What about dinner tonight? My treat" dumako ang halik niya sa mukha ko.
"S-sure" pagpayag ko, hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa ginagawa niya.
" okay, mayang 8 huh?" mabilis niya akong hinalikan sa labi at umalis na. Napapailing na lang ako.
Teka! May usapan nga pala kami ni Achi mamaya. Bahala na nga.