The Clash
by Ladylhartz
CHAPTER 1
Part I.
(Dorae’s POV)
“Lahat na lang yata sa mundo ay masasabi kong akin na.. Bakit nga ba hindi ‘di ba? Mayaman kami at meron din akong mayayamang friends. Lahat ng gusto ko nandiyan na. Mabibili ko lahat ng gusto ko kahit isang milyon pa ang halaga. At siyempre sikat ang grupo natin!! The Mittens…syempre magaganda at cute pa tayo ‘no!! Meow!!! Aray!!!” Pak!!! Naramdaman ko na lang may pumokpok sa ulo ko.
“ansakit naman ng ginawa mo mimi..anu ba? Sinagot ko lang naman ang tanong mo ah!” sigaw ko sa kanyang nakanguso habang hawak-hawak ko pa rin ang ulo ko dahil sa sakit. Ikaw ba namang pukpukin ng libro??!tsk, tsk, tsk.
“nakakahiya ka..ang daming studyante dito..hwag ka ngang sumigaw?at isa pa hindi naman ‘yan ang hinihintay kong sagot eh!” sigaw ni mimi sa ‘kin. Nakakahiya daw sabi nya eh sya nga sumigaw..anu bang friend ito..tsk
Oo nga pala nasa canteen kami ng Belmont Academy. Siyempre para sa mga mayayaman lamang ang school na ito. Merong dalawang building ang school na ito. Ang unang building o mas kilalang 1st Division ay para sa mga lalaki at ang ikalawang building naman o mas kilalang 2nd Division ay para sa aming mga girls. Syempre mahigpit ang rules dito. Hindi kami basta-basta makakapasok sa 1st Division dahil nga para lang iyon sa mga boys. Ganun din sila. Hindi rin madali para sa kanila ang makapasok sa aming Division at isa pa isang napakataas na pader ang pumapagitna sa dalawang division na ‘to.
Oo nga pala nasa canteen nga kami. Lunch break namin kaya ‘andito kami at naghihintay kay Marcy. At dahil wala pa nga siya, kung anu-anong klaseng tanong ang itinatanong sa ‘kin ng maganda at magaling kong kaibigang si Mimi. Itanong ba sa ‘kin kung ano pa ba ang kulang sa life ko? O_O.. Naks…saan nya ba nakuha ang tanong na iyon? Siyempre ang sagot ko ay wala.. ano ba ‘yan??? >_>
“Hoy! Dorae para sabihin ko sa’yo may kulang pa rin sa buhay mo..kaya parang isip bata ka eh..” sabi niya sa’kin habang kumakain ng hotdog. Nakatingin lamang siya sa ‘kin. Ayokong mag-react sa sinabi niya dahil alam kong magrereact din siya sa maaari kong sagot. Wala pa ring patutunguhan..tss
“Oh, ano na masasabi mo?” tanong niya ulit sa ‘kin. Tanong ulit?? Nagkibit-balikat na lang ako at kinagat ang hotdog ko.
“ano?! Wala ka man lang kareact-react sa tanong ko sa’yo?” Woah!!! Si Mimi ba talaga ang kausap ko ngayon? Bakit parang naging transformer siya ah este I mean she acts weird right now…Hmmmm…I feel something fishy ah….
“Ano ba Mimi..yun bang parang isip-bata pa rin ako??Of course I’m still 19..so bata pa rin…heheeh.” Nag-peace sign na lang ako nang makita ko ang mata niyang lumaki dahil sa sinabi ko...
“Oy!! Mga friends sorry na late ako ha!! Anyway eto na nga pala ang lunch natin!!!” mabuti na lang dumating na si Marcy..kung hindi makakatikim na naman ako kay Mimi neto.
“Ano bang nangyayari dito?” tanong ni Mimi nang nakaupo na katabi ko. Nakita niya kasing nakanguso ako at si Mimi naman’y pinaglalaruan ang hotdog. Siyempre magtataka ‘yun kaya nagtanong.
“Kumain na lang tayo..” walang-ganang sagot ni mimi.
“Mabuti pa nga.” sabi ko naman. Siyempre pagkatapos ng lunch tatanungin ko si Mimi. Para kasing my iniisip ito. Sa ngayon eenjoyin ko muna ang lunch na ‘to!!hehehe.