AGAD na in-adjust ni Zaira ang suot niyang framed eyeglasses ng makita ang dalawang cute na babaeng dumaan sa harap ng table na kinapupuwestuhan niya sa Sakura Garden. Kapag may ganyang mga cute na babae, isang tao ang siguradong darating at—
“Zayi!”
She groaned. Eto na nga... Tiningnan niya ang gwapong lalaking tumatakbo palapit sa kanya. Kahit na tinawag nito ang pangalan niya, she knew very well kung ano talaga ang pakay nito.
Umarko ang isang kilay niya ng muntik na nitong mabunggo ang isa sa dalawang cute na babaeng tinitingnan niya kanina.
“Ooops! Sorry,” narinig niyang turan nito sa babae.
Agad na namula ang babae saka nagtago sa likuran ng kasama nito. Maliit at mukhang mahinhin ito. Shoot! Pasok na pasok sa standards ng mapagkunwaring ulupong na kausap nito ngayon.
“Sorry talaga, Miss… pupuntahan ko kasi sana ‘yong kaibigan kong iyon o!” anito saka siya tinuro.
At dinamay pa talaga ako ha…
“Ah… eh… o-okay lang…” sagot ng babae.
“No, you’re not! Mukhang natakot ka talaga…” Kunwa’y nag-isip ang lalaki. “Ah! Ganito na lang, as a sign of my deepest apology, hayaan mo na lang na ilibre kita. Libre ba kayo ngayon?”
Nagkatinginan ang dalawang babae. Mukhang nashock ang mga ito sa biglang pagyayaya ng isa sa pinakasikat na atleta ng soccer club.
“Oh… how rude of me… you can tag your friend along,” dagdag pa nito na nagpakilig naman sa dalawang mahinhing binibini.
“You forgot to do your intros, dude,” pagpapaalala niya rito. Maka-extra man lang ba sa panchichicks ng lalaki.
“Oh! Silly me…” Inilahad nito ang kamay saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. “I’m Edward dela Peña. Nice meeting you…”
“A-ako naman si Catherine…”
“What a lovely name,” bahagyang pinisil ni Edward ang kamay ng dalaga. “So, ano? Libre ba kayo ngayon?”
“O-oo,” kiyemeng sagot ni Catherine.
When Edward grinned, she snapped. There you go… Nadagdagan na naman ang koleksyon nito ng mga cute at mahinhing babae. Bored na binalikan na lang niya ang binabasang shoujo manga sa tablet niya.
“HOHOHO…”
Sa angas pa lang ng narinig niyang tawa, alam na alam na ni Zaira kung sino ang tumabi sa kanya sa Filipino class niya. Ito lang naman ang malakas ang loob na pumasok sa klase ng iba habang wala ang professor…
“So… kumusta si Catherine?” aniya na hindi inaalis ang paningin sa binabasang manga.
“Great! She’s my type talaga! Pasok na pasok siya sa standards ko!”
“Ahh…”
“Come to think of it, almost three months na rin pala akong walang girlfriend, hindi kaya si Cathy na ang babae para sa’kin?”
“Ligawan mo na,” aniya.
“Nah. Baka hindi niya ako gusto, saka na lang kapag nakita kong mutual ang feelings naming dalawa…”
BINABASA MO ANG
Standards
Romance"Ano bang standards mo? Ako ng maghahanap para sa'yo." "Okay na sa'kin kahit sino basta hindi ka-level ng pag-iisip mo." Magmahal nga lang sa'yo, masakit na... Dadagdagan ko pa ba?