Jazrille's POV
Nandito ako ngayon sa classroom namin. Principles of Tourism to be exact ang subject namin ngayon.
Kasalukuyan akong nagsusulat ng bigla akong tinawag nung prof ko.
"Ms. Ramos, nakahanap na ako ng partner mo from the other section para sa King and Queen Teen Clash na gaganapin sa Palawan."
AY! Oo nga pala may pageant pala akong sinalihan.
"Siya si Mr. Ramirez." WHAT?! BAKIT SI IVAN?!
Hindi na lang ako sumagot dahil wala naman saysay kung magrereklamo pa ako. Hindi ko na rin pala kailangang sabihin kay Ivan na aalis ako for three days dahil sya din naman pala ang makakasama ko.
After nung announcement para saakin, nagdiscuss na yung prof ko about sa topic namin. Puro airports and airlines lang naman.
After ng class na ito ay vacant na. Buti naman! Sobrang stress ang aabutin ko kakaisip dun sa pageant na iyon. Paglabas ko ng room, nakita ko si Ivan na nagiintay. Lagi naman syang ganyan kaya sanay na ako.
"So how's your class?" I asked.
"It's fine. Boring as always"
Pumunta na kami sa EB canteen. Dun na lang muna kami kakain dahil busy pa yung iba naming kasama. Si Ivan ang umorder ng kakainin namin ngayon. Pagkabalik nya
"Ikaw pala ang partner ko sa pageant na pinapasali ako."
"Oo nga. Kaya ko nga tinanggap yung offer kasi ikaw ang babaeng ipanglalaban. Nung una, ayoko. Pero nung nalaman kong ikaw pala pumayag na ako." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
"At bakit naman?"
"Gusto ko kasi ako lang ang partner mo. Ayoko sa iba. Baka kung ano pang kamanyakan ang gawin nila sayo kaya ako lang. AKO LANG DAPAT"
Possessive. Nagtuloy tuloy lang ako sa pagkain habang ng biglang tumunog ang phone ni Ivan..
Bumalik naman ako sa pagkain ko habang sya binabasa niya yung message niya. Pero habang binabasa niya yung message nag iba ang mood niya. Sa ilang months naming magkasama, nakilala ko kaagad ang ugali niya.
Sino kaya yung nagtext? Binalik na nya sa bulsa nya yung phone niya. Tapos kumain na sya ulit. Pero hindi padin maalis yung kakaibang aura niya.
Ganoon ba sya kaapektado sa nagtext sa kanya? Natapos na kaming kumain pero sya ganun parin yung mood niya. Parang hindi sya mapakali.
Naglalakad lakad kami sa freedom park. Parang wala akong kasama dahil hindi sya nagsasalita. Siguro kailangan muna nyang mapagisa kaya naman,
"Ivan, mauna na ako sayo. Magkikita kasi kami ni Rae ngayon eh"
"Hatid na kita, saan ba yun?"
"Wag na. Dito lang naman kami sa school grounds eh." Tumango na lang sya.
"Pag may problema, tawagan mo lang ako ok?"
"Ok" I smiled at tuluyan na syang umalis. Sino ba kasi yung nagtext sa kanya?
Bench's POV
Napatigil ako. Hindi ko alam kung bakit pero dapat pala hindi na ako tumigil dahil sa nakita ko. Isang babaeng sobrang kilala ko. At pinagsisihan kong nakilala ko pa sya. Nagkatinginan kami at bigla syang lumapit saakin. Hindi ko alam pero kinabahan and at the same time nagagalit ako.
"Long time no see Benjamin." she smiled. That smile na sana ay nakalimutan ko na. Na sana hindi ko na lang nakita. I dont know what to say. Lagi akong tiklop sa babaeng to.
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
JugendliteraturIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014