JS Prom. (Paasang Partner)

78 1 1
  • Dedicated kay Topher Fajardo
                                    

Sabi nila, masakit raw sa ulo ang magkaroon ng syota o ang pagpasok sa isang relasyon..

Pero nung nakilala ko si Christopher Jan Fajardo. Biglang nagbago ang lahat.

** Ako nga pala si Princess Joie H. Cabiles.. Hindi na man ako kagandahan tulad ng iba. Hindi rin na man sexy tulad ng inaasahan. :D Simple lang. Yung tipong masaya lang araw-araw okay na ako dun. Hindi rin na man ako sikat sa school namin. Tahimik lang kasi ako nun. Simula 1st year ganun na talaga ako eh. Pero nung 3rd year kami dun ko nakilala si  Fajardo.

4th year student siya sa school namin. Nung meeting lang para sa JS Prom namin ko siya nakilala. Siya kasi yung lalaking walang hilig sa mga relasyon. Tahimik, Matalino, Mabait, Gwapo at mahilig mang-asar kaya maraming babae ang nafa-fall sakanya.

----

Nasa stage kaming lahat nun. Juniors & Seniors sa aming school. Pag-uusapan raw kasi yung about sa JS Prom..

"Hayyy!!.. Js Prom na namin.. First time 'to!" Sabi ko sa sarili. Excited ang lahat ng Juniors.

"Sino kaya ang magiging partner ko?" Tanong ko na naman sa aking sarili.

"Cabiles.." Ng biglang tinawag ang apelyedo ko.

"Fajardo..." Sunod na tawag..

"Kayo ang partner sa entrance ha?"  Sabi ng isang guro sa amin..

At karamihan sa mga kaklase ko ay inaasar pa ako.. "Uuuyyy!!!...."

Kinakabahan ako. Hindi ko siya kilala. Nahihiya ako.

Pero buti na lang my kaklase akong kilala yung Fajardo na partner ko daw. Tinuro niya sa akin. "Siya si Fajardo.. Kuya ko.." Sabi niya.

"Kuya mo? Kapatid kayo?!" Tanong ko.

"Hindi. Tawagan lang namin yun sa text." Sagot niya.

Uso kasi yung tawagan dati sa text..

 Nakauwi na ako sa bahay. Nagtext agad ako sa classmate ko..

"Tedz, pwede pahingi ng number ng kuya mo?"

"Bakit?!" Reply niya.

"Gusto ko sanang makipagfriend sakanya. Ayaw ko kasing makipagpartner sa hindi ko kilala.." Sagot ko.

*After 5 minutes*

tumunog ang cellphone ko.

"May message! Baka number niya na 'to!"

Pagbukas ko ng message. Aba! Number niya nga. Ang saya ko! Hindi ko na man alam kung bakit. :)))

Nasa kwarto na ako at katatapos ko lang magpalit ng damit. Bigla kong naalalang i-text si Fajardo.

"Hi" Bati ko sa kanya.

"Sino ito?" Reply niya.

Simula nun magkaibigan na kami. May tawagan pa nga kami.

"Angel ko"

Opps! Tawagan lang yan ha? Uso yan dati eh. ;)

Papalapit na ang JS Prom namin. Kailangan ko ng bumili ng token. (Remembrance)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JS Prom. (Paasang Partner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon