Panimula

23 2 2
                                    

Sa isang biro lang nag-umpisa ang lahat. Sa isang kunwaring hula. Sa isang kunwaring paniniwala na ikaw ang nakatadhana para sa'kin.

Hindi ko alam na darating sa puntong mamahalin na talaga kita. Hindi ko alam na darating sa puntong magiging ikaw ang mundo ko. Hindi ko inakala na may "tayong" mabubuo.

At hindi ko rin inakala na sa kabila ng lahat. Sa kabila ng masasayang ala-ala natin. Sa kabila ng magagandang pinagsamahan natin. Sa lahat ng oras na magkasama tayo. Sa lahat ng mga plano na tayo hanggang sa huli. Sa lahat ng mga pangakong binitawan natin sa isa't isa. Sa lahat ng sakit at pagsubok na sabay nating nilabanan.

Sa kabila ng pagmamahalan natin, sa "kaibigan" lang pala tayo hahantong.

Akala ko ikaw na. Akala ko tayo na. Akala ko ikaw na ang itinadhana sa'kin. Akala ko...

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon