Chapter : 2.1 #ImSoDead

280 3 0
                                    


Jusko! Ano tong nagawa ko papa god, sana man lang ininform nyo ko ng napigilan ko yung sarili ko. 😏 Oh no! As in D-E-A-D .. Ano nang gagawin ko?

Irica ano nang gagawin ko? No way!

Bes, all the way anytime pwede kang ipatalsik sa school ng Christian na yon.

Bes, tulungan mo naman ako.

Susubukan ko pero hindi ko alam na 100% percent tong sure.. Mag sorry ka na lang kaya! Babaan mo na muna yang pride mo.

Bes, Paano nga.... (Biglang tumunog yung bell)

Sabay na kami na Irica pumasok sa room. Impernes! Masaya din pala magkaroon ng friend kahit isa lang friendly si irica kaya mabilis nyang nakuha loob ko kaya ang tawagan namin sa isat-isa ay "BES"

Pagpasok sa room. Halos lahat ng classmates namin nakatingin sa kin yung iba parang naawa yung iba naman parang naiinis sa kin. Lalo na yung 3 inggrat kong classmates na sina Katy, Mocha, at
Sky silang tatlo lang naman ang malditas na impokrita na bully sa school lalo na pag kayang kaya nila.

Hoy! Nerd na ambisyosa. Alam mo na ba?

(Inabot nya sa kin yung iphone 6 plus nya sa laki ng screen nakita ko agad kahit na medyo malayo ako sa kanila isang video)

Ay hindi hindi. Hindi ako yan... Sabi ko

Hindi ikaw ? Sa panget mong to at may malaking salamin kilalang kilala.. Kaya wag ka nang mag deny.

Umupo na lang kami ni irica... At maya maya pa dumating na yung teacher namin sa Science si Mr. Baladia.. Actually, tingin ko pa lang kay sir magaan na loob ko sa kanya feel ko rin favorite nya din ako. Pano ba naman? Ako lang siguro nagtyatyaga na makinig sa kanya sa tuwing nagdidiscuss sya. Running na honor ako sa section 2, sa section namin. Kasi gusto ko talaga mapunta sa section 1 kasi may crush ako don..
Pangalan nya Zach Robert Shin Woo Yes! crush ko talaga sya singkit tapos may 6 packs na abs oh may gosh alam nyo yung parang V line sa may bandang bewang ganon. Oh my goooosh! Ang yummy! Habang naiisip ko yun nagulat ako tinatawag na pala ko ni Sir. Hala anyari sa ken lumutang ata ako. sa imagination ko kay Zach. Narinig ko na lang tumatawa yung mga classmates ko. Eh pake nyo ba. Nag iimagine ako. Tinawag lang naman ako ni sir kasi ako daw mag cocollect ng mga notebooks at ibigay ko daw mamaya sa room nya.

Wait lang..

Sir saang room po?

Second Floor MPB Section One.
MPB Section One..
MPB Section One..
MPB Section One..
Section One...
Section One...

Whaaaaa! Oh my god? Section one? Section yon ni Zach di ba? (Goose bumps) shemaay! Sabay nag goodbye si sir at hirit nya sa kin "PAKILAPAG NA LANG SA TABLE KO DUN SA DULO" Gusto ko sanang magpasama kay irica kaso busy din sya kasi hindi pa sya tapos sagutan yung pinapagawa ni Sir kaya nagmamadali din sya. Kinokolekta ko na yung mga Notebook.

Hinabol ni irica yung notebook nya para ipass, pinilit ko sya kaso may gagawin pa daw sya. No Choice! Lakasan na lang yung loob Zoey.

Habang papalapit ako sa pintuan unti unti kong nararamdaman yung kaba at yung dumagdag pa yung dalawang babaeng nasalubong ko at sinabing "di ba sya yung trending videos na bumastos kay Kyle Christian. So ugly! Assumera!"

Soo ugly! Makapanglait naman to. Ibato ko sa inyo tong mga dala kong notebook.
So, eto na nga, Pagpasok ko sa room wala silang teacher.. Nagbabatuhan sila ng mga papel at medyo maingay yung iba nagpapaganda, yung iba nag chichismisan at nakita ko si Zach Robert don naka-headset at nagcecellphone (ang gwapo talaga nyaaa 😍😍😍) tapos sa kasamaang palad nandon din si Kyle Christian at mga tropa nya isa na don si Bennymel Carl at ilang di ko kilalang students. Magulo din pala kahit section 1

Nahihiya ako lord.. Please...

Di na lang ako tumingin sa kanila at dire diretso ko pumunta sa table ni sir kaso nung malapit na ko may bumato ng bola sa braso ko kaya nalaglag lahat ng mga notebook na bitbit ko.

Oh no! For sure yung mokong na yung ang bumato. Lupa kainin mo na kooo! Jusko po! 😓😨

Napatingin sa kin lahat ng section 1 yung iba parang awang awa at gusto nila kong tulungan kaso hindi nila magawa dahil kay Mokong na Kyle Christian na yon. At yung iba pumipilit na hindi tumawa...

Oy babaeng manang! (Pasigaw nyang sinabi) Di ba ikaw yung nasa court kanina.

Hindi ako sumasagot habang isa isa kong pinupulot yung mga notebook na nalaglag... Namumula talaga yung braso ko dahil masakit talaga yung pagkatama ng bola. Di ko napansin na may tumulo nang luha mula sa king mata..

Ohhhh! Umiiyak si manang! Hahahahaha! Ohhhhh!

Pinunasan ko yung mga luha ko at pinatong ko sa desk ni sir may isang babaeng umakbay sa kin at hinatid ako palabas at binigay sa kin yung panyo.

Eto oh. Pag pasensyahan mo na si Kyle ha ganyan talaga spoiled kasi... Wala kaming magawa kasi mahirap syang kalabanin. Sorry for what did happened to you Miss.

Okay lang. Kasalanan ko rin naman. Zoey nga pala.

Ah. Clezandria Brittany! Friend na tayo ha. Sige una na ko papasok na ko sa loob.

Thank you Clezandria. (Inabot ko pabalik yung panyo sa kanya)

Ah sige sayo na yan your welcome (pumasok agad sa room)

Pagbalik ko sa room nasalubong agad ako ni Irica. At nakita nya yung kamay ko... Kinwento ko yung nagyari at nilagyan nya yon ng gamot. Pero hindi pa pala don natatapos yung kasamaang palad pagbalik namin sa room... 😱

Panget Turns MagandaWhere stories live. Discover now