CHAPTER 10

3.2K 121 11
                                    

CORAZON

Her smile slowly faded. Hindi ito ang kauna-unahang beses na sinabi iyon ni Donny sa kanya ngunit bakit mas matindi yata ngayon ang epekto? Tumibok ang kanyang puso na para bang iyon ang kauna-unahang beses nitong gumana. She could even hear the rush of her blood on her ears.

Donny likes her. She wondered why. Or is it just curiosity? Dahil hindi siya tulad ng karaniwang babaeng nakikilala nito araw-araw. He said it himself. Iba siya manamit at mag-ayos. Masyado ba ito'ng napapaligiran ng mga babaeng maganda at mala-modelo ang postura na ngayong nakakita ng yagit ay ganoon na lang ang kasiyahan nito?

May sasabihin pa sana muli si Donny ngunit kaagad na naantala nang may dalawang babae ang lumapit sa kanila. Tingin niya ay hindi naman nalalayo masyado ang edad niya sa mga ito. They were both long-haired matched with an all pink get-up.

Are they twins? They don't look alike, though. O kahit ano man lang resemblance sa isa't-isa ay wala. Kung may pagkakapareho man ang mga ito, iyon ay ang malagkit at halos hindi na mawalay na tingin kay Donny.

"Hi. Ako nga pala si Ruth at ito naman si Lyka, kaibigan ko," pakilala noong Ruth kay Donny.

Tumango si Donny. All smile even if the two were complete strangers. Oh, right, because they're girls. Two beautiful girls at that.

"Hi. Nice to meet you both. Ahm...you need help or anything?" base sa tono ni Donny ay parang gusto lang naman talaga nitong makatulong. He's not trying to flirt or what.

O ano naman kung lumalandi? Sabi ng isang bahagi ng kanyang isip.

Sa halip na kastiguhin pa ang sarili ay ibinaling na lang niya ang tingin sa ibang bagay. Abala pa si Donny sa pakikipag-usap nito at siguro hindi naman mapapansin kung tumingin-tingin muna siya sa mga stores.

Kaya iyon ang kanyang ginawa. Noong una ay pawang mga stores na nagbebenta ng magagandang damit ang nadaanan niya. Her eyes feasted on the colorful and girly clothes. Hindi niya na matandaan kung kailan siya huling nagsuot ng ganoon.

Ang sinabi niyang dahilan kay Donny kung bakit ganito ang ayos ng kanyang buhok at pananamit ay hindi ang buong katotohanan. It's more comfortable wearing oversized shirt, yes, but there's another reason. Hindi nga niya alam kung dapat ba iyong ikuwento kay Donny o hindi. Baka pagtawanan lang siya nito sa pagiging masyadong mababaw.

Huminto siya sa tapat ng store na nagtitinda ng sports apparel at equipments. Tumutok ang mga mata niya sa magagandang rubber shoes na nakahilera sa kahoy na rack. Sakop no'n ang isang buong pader ng tindahan!

Wala siyang ibang magawa kung hindi ang mamangha mula sa malayo sa mga sapatos na iyon na alam niyang imposible rin naman niyang mabili ngayon. Ilang banana cue ba ang kailangan niyang ilako para sa isang pares lang ng sapatos? Paniguradong mahal ang mga iyan!

"Where are your manners, Corazon. Bakit umalis ka ng hindi man lang ako tinatawag?" ani Donny na biglang sumulpot sa kanyang gilid.

Tiningala niya ito sa kanyang tabi. Nakahalukipkip ang mga braso nito at nasa kanya ang buong atensiyon. Tinignan niya ang lugar na pinanggalingan nito ngunit bigo siyang matagpuan ang mga babaeng kumausap dito kanina.

Ibinalik niya ang atensiyon kay Donny, "Oh, nasaan iyong mga kumausap sa'yo?" she deadpanned.

Nagkibit-balikat ito, "Umalis na."

"Ano ba'ng kailangan sa'yo? Bakit ka nilapitan?" tanong niya muli rito.

"They thought that I'm an actor or something. Gusto sanang magpa-picture."

Her eyes widened at that, "T-Talaga? Ano'ng sinabi mo?"

Pagod ito'ng bumuntong-hininga, "I told them I'm not and then I panicked when I didn't see you beside me. Umalis na ako kaagad para hanapin ka. At ngayon binabago mo ang usapan. Bakit mo ako iniwan?" iritado nitong tanong sa kanya.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon