Wala na bang Pag ibig?

234 2 0
                                    


"Itigil na natin to. ayoko na " malumanay na sabi nya.

"a-ano bang sinasabi mo dyan?"

"ayoko na. hindi na kita mahal. nahihirapan na kong magpanggap na mahal kita.  sa tuwing ngang magkakasama tayo, sinasabi ko sa sarili ko na magpapanggap na naman akong masaya sa piling mo e. pero hindi.  hindi na ako masaya sayo. hindi na kita mahal. "

"K-Kailan pa?" nahihirapan kong tanong sa kanya.

"l-last y-year" last year?!

"L-Last year?, last year p-pa?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!  sana ay napag usapan natin ng maayos. " kung ganon matagal na siyang nagpapanggap na masaya pag magkasama kami.  sa isang taon na yon, ako na lang pala ang masaya sa aming dalawa?

"dahil akala ko nasa akin ang mali!  akala ko maayos ko pa. sinubukan kong ayusin to, sinubukan kong ibalik ang pagmamahal ko sayo pero wala e!  wala na kong maramdaman sayo. hindi na kita mahal!  kaya itigil na natin to!."

"hindi.  Pagod ka lang.  Siguradong pagod ka lang, magpahinga ka. muna mamaya nalang natin to pagusapan. "

"kahit ilang oras pa akong magpahinga, hindi na natin maaayos to. Hindi mo na mibabalik ang pagmamahal ko sayo" nagumpisang manubig ang mga mata ko.

" h-hindi.  Diba masaya naman tayo?  compatible tayo .pati yung zodiac sign natin. Nagkakasundo tayo sa maraming bagay,  alam kong challenge lang natin to. Ito na siguro yung sinasabi sa hula na may kakaharapin tayong mabigat na problema pero alam kong malalagp--"

"Pwede ba tumigil ka na! kahit magpahula ka pa nang magpahula, hindi mo na maayos to!  Ayoko na!  tumigil ka na!  kung mahal mo ko, palalayain mo ko! "

"p-please. h-hindi ko kaya. P-please naman oh"

"ayoko na Brina.  Wala na.  Tumigil ka na.wala nang tayo" and with that,  he left me alone. 

Totally crashed and broken.

Now That You're Here AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon