The Present and Her Past

130 6 0
                                    


"Brina, hindi ka pa ba tapos?lunch na tayo"

"huh?  teka anong oras na ba? " hindi ko na namalayan ang oras,  ang dami kasing inaasikaso sa office e.  Tumayo na ako at nag inat inat, hayy nagutom ako ah.

Well, tatlong taon na rin noong nagkahiwalay kami ni Eduard. At dalawang taon na simula ng huli kaming magkita. Oo dalawang taon,  dahil yung unang taon ay ginawa ko pang tanga yung sarili ko sa kahahabol sa kanya. 

ginawa ko lahat pero wala e..

hindi nya na ko mahal.at ang masakit pa doon, inakala kong ako ang nagkamali pero hindi pala.  akala ko nagsawa lang siya sa akin pero hindi.. may minamahal na pala siyang iba habang kami..

Sobrang nasaktan at nadurog ako ng sobra noon.

Well,  that was before.  Nakaraan na yon.

Umalis siya. Nagpunta siya sa U. S.  sa isang branch nila para lang tigilan ko na siya. 

Doon ko lang narealized na tama na.  Lumayo na nga siya para lang tigilan ko na siya ano pa bang magagawa ko diba.

sinubukan ko siyang kalimutan, at nagawa ko naman, unti unti ko siyang nakalimutan at natanggap na tapos na talaga. hindi ko na rin sinubukang umalis sa kompanya nila. Bakit ko naman bibitawan ang posisyon ko dahil lang naghiwalay kaming dalawa?  ang kagandahan lang ng naging bunga ng paghihiwalay namin ay marami akong narealized at natutunan. natutunan kong maging matatag at maging practical. hindi lahat ng bagay na pinapangarap mo ay napupunta saatin,gayon din na hindi lahat ng taong nagugustuhan natin at mamahalin natin ay mamahalin  rin tayo the way ng pagmamahal natin sa kanila.  At hindi lahat ng tao mapapasaya natin kaya hindi natin dapat sundin ang lahat ng sinasabi nila para lang mapasaya natin sila. At walang sinuman ang makahuhula, makapagsasabi o makapag didikta ng kapalaran natin, tayo ang gumagawa ng kapalaran natin.

dati lagi akong nakadepende sa mga hula, zodiac sign horoscope at lucky charm pero nang maghiwalay kami ay napatunayan kong hindi pala totoo ang mga iyon. Gaya nga ng sabi ko, tayo ang gumagawa ng kapalaran natin.

Pumasok na kami sa cafeteria ,si Susi na ang umorder ng pagkain namin at ako naman ay naghanap ng table para sa aming dalawa.

habang hinihintay ko si Susi ay narinig ko ang bulungan sa kabilang table. 

"Uyy girl alam niyo na ba ang balita?  babalik na raw si sir, siguradong hindi niya na naman titigilan si sir pag bumalik yun dito. "

huh?  sino ba pinaguusapan nila?  ako ba?  malamang sino ba ang laging pinagtutulungan pagdating sa tsismis dito e ikaw lang naman!  Sisihin mo yung sarili mo, ginawa mo ba naman kasing tanga yung sarili mo kahahabol sa lalaking hindi ka na mahal e. Yan tuloy hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakamoved on. daig mo pa sila! 

Napabuntong hininga nalang ako at hindi na pinansin ang pagbubulungan nila. Tsk mga nagbulungan pa ang lalakas naman ng mga boses nila.

"O bakit ganyan mukha mo? " nandito na pala si Susi.

"Wala. Ang tagal mo kasi e. gutom na ko. " hindi na kailangan pang pagusapan ang tungkol sa chismis na ganyan.

"wow ha?  Ikaw kaya pumila don! "

"To naman. Joke lang!  high blood te?! " umingos lang sa akin si Susi. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain tutal naman ay gutom ako kaya bahala na sila dyan.

  
                   oOo

    Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil marami akong gagawin ngayong araw.

"Good morning ma'am,  ganda ng ngiti nati ah"

"hi. Good morning Rose,  maganda lang ang gising ko ngayon" 

Binati rin ako ng ibang kaopisina ko dito sa financial department, ako ang head ng finance kaya dapat lang na maaga ako.

Umaga pa lang pero marami na kaming ginagawa. 

Papunta ako ngayon sa CEO office. para ipasa ang report ng finance tungkol sa nakaraang proyekto. Para maipaliwanag ng maayos sa kanya. 

"Hi Diane, nandyan na ba si Sir Dela Vega? ipapasa ko sana itong report e. " tanong ko sa secretary ni Sir.

"a-ah o-o o ,wait lang tanungin ko lang, may k-kausap kasi siya sa loob e. " nag aalangang sabi nya pero tinawagan parin ang CEO, pagkatapos kauaapin si Sir ay nginitian niya ako at sinabing pumasok na.

Kumatok muna ako tsaka ko marahang binuksan ang pintuan.

Pero nagulat ako sa taong kausap ni Sir. ..

no other than his son and my ex boyfriend..  Eduard Pete Dela Vega.

mabilis ko namang kinomposed ang sarili ko sa pagkakagulat at ngumiti sa kanila.

"Good morning sir,  heto na po yung report ng financial department about last project" hindi ko nalang tinignan si Eduard. God it's so awkward .kaya pala may pag aalangan si Rose kanina. 

"ah yes. Thank you Brina. " naka ngiti niyang sabi at inilahad ang kamay tsaka bumaling kay Eduard. lumapit naman ako para iabot ang folder sa kanya. ramdam ko rin ang tingin ni Eduard pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Ahh Sir, sige po I'll go ahead, marami pa pong kailangang tapusin. " sabi ko sa kanya. Kahit papaano naman ay medyo ka close ko siya dahil naging gielfriend ako ng anak niya, dati nga ay tito ang tawag ko sa kanya pero noong maghiwalay kami ni Eduard este noong tanggapin kong hiwalay na kami ni Eduard ay Sir nalang dahil para sa akin ay awkward na yun, sinabihan naman ako ng Daddy niya na ok lang na Tito parin ang tawag ko pero tumanggi ako dahil employer-employee nalang ang meron kami dahil wala na kami ng anak niya, hindi naman nagbago ang pakikitungo nila sa akin, pinapakita pa rin nila ang panghihinayang sa amin ni Eduard tuwing nakakausap ko sila ng asawa niya ng matagal kaya dumidistansya nalang ako para wala ng usapan.

Nang madaanan ko si Rose paglabas ko ay nginitian ko nalang siya.

Habang pabalik ako ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit bumalik siya?  Hindi ba siya natatakot na baka habol habolin ko na naman siya?  wag siyang mag alala hindi na ako bababa sa ganung level para lang sa kanya.

Dahil matagal ko nang narealized na hindi siya karapatdapat para sa akin.

Now That You're Here AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon