Chapter 6

806 25 1
                                    

Chapter 6

"ANAK ng tinapa! Male-late ako nito!"

Gusto nang manakmal ni Irene dahil kanina pa siya naghihintay ng jeep doon pero lahat ay puno at ang iba ay hindi siya hinihintuan kahit kaway na siya ng kaway sa mga ito. Ang gusto yata ay iharang niya ang maganda niyang sarili sa kalsada hintuan lang ng mga buwisit na ito!

Kinawayan niyang muli ang parating na jeep. Pero sumenyas ang driver na puno na daw ito at sasabit na lang.

The fudge?!

Kababae niyang tao, papasabitin siya nito? Papatulan niya sana ang gusto nito kung hindi lang siya nakapalda.

Sumenyas din siya dito. Iyon nga lang, itinaas niya ang ang gitnang daliri dito. Pinausukan tuloy siya ng itim na itim na usok ng tambutso nito.

Lalo lang siyang nanggigil habang umuubo.

"Ma-flat-an ka sana! Siraulo!"

Shit talaga! Mapagsasaraduhan siya ng gate nito. Monday pa naman at masyadong istrikto ang paaralan nila dahil may flag ceremony ngayon.

Huwag na lang kaya siyang pumasok? Mag-halfday na lang siya... Pero siguradong kakalbuhin siya ng kanyang ina kapag bumalik siya sa bahay nila ngayon.

Paano kaya kung maggala na lang siya? Wala pang bukas na stores at mall pero maganda sa riverside park tuwing umaga. Marami pang gwapo doon sa ganito kaagang oras.

Tama. Maghahanap na lang siya ng gwapo kesa ang alalahanin niya na naman si Aser. Nagmu-move on siya, remember? Kahit na ba gabi-gabi niya pa rin itong naaalala.

Patawid na siya sa kabilang gilid ng kalsada para isakatuparan ang plano niya nang may humintong pamilyar na pulang sasakyan sa harapan niya. Bumusina iyon sa kanya habang bumababa ang bintana sa passenger side.

Sumilay ang gwapong-gwapo at fresh na fresh na si Von sa suot nitong asul na polo. Bigla tuloy siyang na-conscious sa itsura niya na ilang beses nang nausukan ng mga sasakyang nagdadaan doon.

He smiled at her. Ang cute at sincere na ngiti nitong nakaalis sa init ng ulo niya. Naalala niya ang 'date' nila noong Sabado. Napakasarap ng niluto nitong dish at hindi rin siya na-bore sa pakikipag-kwentuhan dito. May sense itong kausap at ismarte.

"Hi, Irene!"

"Hello, Von! Naligaw ka? At ang aga mong gumala. May pupuntahan ka ba? Gusto mo ng tulong sa directions?"

Amused na tumawa ito. "I suddenly realized I missed your tons of questions."

"Ha?"

"Wala. Papasok ka na ba? Sakay na. Saka ko sasagutin ang mga tanong mo."

Hindi naman siya papasok ngayon. Hindi nga lang niya masabi iyon dito at baka kung ano pang isipin nito sa kanya.

"S-sige. Kung hindi makakaabala sa iyo."

Binuksan nito ang passenger's seat. Sumakay siya doon.

"It's almost eight. Akala ko, hindi na kita maaabutan."

"Ha?" Napatingin siya rito matapos niyang maikabit ang seatbelt niya. "Ako?" Siya ang dahilan kaya ito naligaw doon?

"Oo." Nagkibit-balikat ito. "Medyo traffic lang kaya na-late ako ng dating."

"Teka, bakit mo naman ako pupuntahan? May kailangan ka ba?"

"Wala akong kailangan. Gusto ko lang talagang bumawi sa pagliligtas mo sa akin, kayo ng friend mo."

Napabuga siya ng hangin. Bakit parang disappointed siya? "Kung magpapasalamat ka na naman, pupukpukin na talaga kita. Ayos na iyong masarap na dish na hinain mo sa akin no'ng Sabado."

JUST SMILE  (The Rebel Slam Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon