"Sorry talaga Sei! dapat sinabayan nalang kita nun e..sorry!!" naiiyak na sabi ni Danica while hugging me
"Di mo kasalanan." napatingin kami nang biglang dumating si Papa galing trabaho, sinalubong naman ni mama
"Ba't ang aga mo ata ngayon?" tanong ni mama
"Tinanggal ako sa trabaho" inis na sabi ni Papa
"huh?! bakit naman!" gulat na tanong ni mama
Tumingin sakin si papa
"Dahil sayo. Pinapahirapan tayo ng Hance Family. Mga hayop sila."
"San na tayo kukuha ng pera para matuloy ang kaso?" hindi ko alam, pero may iba sa tono ni mama.
"binlock narin ako sa lahat ng companies, kaya hindi na talaga ko makakahanap ng trabaho" panlulumong sagot ni papa
"Sei..bat hindi nalang natin iurong ang kaso?" nagulat ako sa sinabi ni mama.
"Akala ko pa lalaban tayo?" naiiyak kong tanong
"Pano tayo makakalaban kung ganon kalakas ang kalaban natin?. Langit sila, lupa lang tayo. Napakalayo ng agwat. Isipin nalang natin, kung iuurong natin ang kaso, wala ng utang na 1.2 million, hindi na makukulong pa ang papa mo, magkakatrabaho ulit to, matatapos na lahat. Babalik na tayo sa dati"
"Yung ninakaw bang pagkatao ko..maibabalik pa? Alam nyo ba na buong pagkatao ng lalaki na yun ay sinusumpa ko? gusto kong lumaban kasi tayo yung tama! gusto kong lumaban para naman sa reputasyon ko! Hindi nyo ba naiintindihan yun!" sunod sunod ng pumatak ang luha ko
"Alam ko yun. pero tingnan mo din sitwasyon ng pamilya natin. Mahirap na nga tayo, papahirapan mo pa. Kalimutan mo nalang. Kalimutan nalang natin. Mahal ko ang papa mo at alam kong mahal mo din sya, kaya alam kong hindi mo hahayaang makulong sya at mawalay satin"
"Siguro kung nandito lang si mama..maiintindihan nya ko. Sino ba naman kasi kayo para maintindihan ang buo kong nararamdaman? hindi ko naman kayo tunay na ina. Walang dugo mong nananalantay sa buo kong pagkatao" pagkasabi ko, pumasok na ko sa kwarto.
"Sei.." sumunod pala si Danica.
"bat ganon Danica? Bat parang ako pa yung may kasalanan? ako na nga ang naagrabyado, diba?" niyakap ako ni Danica at sa kanya ko binuhos lahat ng sama ng loob ko.
3 weeks later
Walang nangyari sa kaso. Inurong namin. Wala din akong ginawa kundi umiyak, pero sinabi ko nalang sa sarili ko, alam kong makakabawi din ako. Makukuha ko rin ang hustisya.
Si Danica lang ang nakakaalam sa school namin ng tunay nangyari sakin. Sinabi nalang nagkasakit ako, kaya matagal na hindi nakapasok.
"Sei! ang tagal mong absent ah! Anong ganap?" tanong ni Vince. Kaibigan kong makulit.
"Namiss mo na naman ako" pabiro kong sabi
"oo naman. Akala ko mawawalan na ko ng crush sa room e" tumawa naman kami pareho
"SEI! may nagpapabigay nito sayo" inabot sakin ni Danica yung sulat
"kanino galing?"
"ewan ko. Umalis agad e"
Binuksan ko na yung sulat
Make your past to motivates you to go on! Smile and you look better!
-_the fairy boy
BINABASA MO ANG
Stay
Teen FictionSeira was a rape victim. Halos isumpa nya ang gumawa sa kanya ng kahayupang iyon. Pero hindi nila kayang ipakulong ang gumawa sa kanya nun, dahil may malaking utang ang pamilya nya sa pamilya ni Kier. As a deal, hindi na pagbabayarin ng Hance Family...