It will always be you

41 5 4
                                    

January 23

Sobrang saya at excited ko sa araw na yan,halos hindi ako makatulog noong isang gabi sa kakaisip sa araw na iyan.
Iyan kasi ang ang araw ng 6th Anniversary natin.Anim na taon ng pagsasama at pagmamahalan.

Pagkagising ko agad kong kinuha ang cellphone ko dahil alam kong magtitext ka kaagad,at yun nga ikaw ang unang nag text sa akin ngayong araw

From: Niel Prinsepe ko

Good morning prinsesa ko.
Happy 6th Anniversary satin,mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan ha.
Pupunta ako diyan para kunin ka para sa ating date.
Ilove you

Agad naman ako nag reply

To: Niel Prinsepe ko

Goodmorning din prinsepe ko.
Happy Anniversary satin,alam ko madami pang taon tayong magkakasama.
I love you so much.

Nag handa na ako para sa ating date.
At katulad ng sinabi mo sa text ay pumunta ka sa bahay at sinundo ako.

Sobrang saya ko ng mga oras na iyon,noong pumunta tayo sa paborito nating retaurant at pumunta sa amusement park.Gusto kong itigil ang oras para hindi matapos ang panahon naito,ang panahon na magkasama tayong dalawa nagmamahalan at masaya.

"Tara dun tayo sa ferris wheel",aya ko sayo at agad ka naman pumayag.
Nang nasa tuktok na tayo ng ferris wheel ay bigla mo ako niyakap ng sobrang higpit.

"Oh bakit?wag mong sabihin sa akin na natatakot ka Prinsepe ko",pabiro kong sabi

"Hayaan mo lang ako prinsesa ko,hayaan mo lang muna akong yakapin ka ng mahigpit."

Nagtataka ako sa sinabi niya,pero hinayaan ko nalang siya at niraramdam ang moment na ito.

"Prinsesa ko?"
"Hmm bakit prinsepe ko?"

"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita,kahit na hindi mo ako makita andito lang ako palagi sa tabi mo.Mahal na mahal kita Prinsesa ko. Salamat,salamat sa lahat ng mga magagandang ala-ala salamat sa lahat ng pagmamahal na binibigay mo sa akin."

"Bakit ka nagsasalita ng ganyan na para bang mawawala ka?"

"Wala prinsesa ko wag mo yun isipin.
Ang palagi mo lang isipin ay Mahal kita higit pa sa kahit ano.Mahal na mahal kita sobra I Love you Prinsesa ko Mahal na mahal kita.Happy 6th Anniversary."

Ngayon malinaw na sa akin kung bakit mo sinasabi ang mga salita na iyon.
Dahil iiwan mo na ako.Di ka manlang nag sabi na may sakit ka na malala na ang sakit mo.Sana ay sabay nating nilabanan ang sakit mo,hindi yung ikaw lang mag isa.

January 23

Araw na sobrang excited ako dahil iyan ang araw ng 6th Anniversary natin,pero iyan na rin pala ang huling araw na makikita kita na makaka piling kita na makaka sama kita.Ang sakit isipin Niel Sobrang sakit para bang sinasaksak ng isang milyong kutsilyo ang puso ko,kulang pa nga ang isang milyong kutsilyo kumpara sa sakit na nararamdama ko Niel.

Hawak hawak ko ngayon ang sulat na pinapabigay mo mo sa mama mo saakin kapag nalaman ko na ang tungkol sa sakit mo.

Dear Prinsesa ko,

Prinsesa ko siguro sa mga panahon na babasahin mo toh alam mo na ang tungkol sa sakit ko at wala na ako sa tabi mo.Sana maintindihan mo ako kung bakit hindi ko pinaalam ang tungkol sa sakit ko saiyo,ayaw kong mahirapan at masaktan ka.Mamamatay na ako at ayaw kong makita ka nasasaktan sa mga huling oras ng buhay ko.Mahal ko salamat sa lahat ha,salamat dahil pinasaya  at minahal mo ako hanggang sa mga huling oras ko sa mundo.Nalaman ko ang tungkol sa sakit ko noong isang taon akala ko ay hindi ito malala pero mali pala ako.Inilihim ko to saiyo tanging ang kapatid ko at magulang ko lamang ang nakaka alam nito,pinakiusapan ko din silang huwag itong ipaalam saiyo.Nagpakatatag ako kumain ako ng madami upang hindi mo mahalata na may sakit ako.Prinsesa ko sana huwag kang magalit sa akin sa paglilihim nito.Ginawa ko ito para saiyo ayoko nakikita kang nasasaktan at ummiyak dahil sa akin,dahil Mahal na mahal kita Prinsesa ko.Salamat sa bawat segundong magkasama tayo,salamat sa anim na taon ng pagsasama,nag pagmamahal at pagpapasaya mo sa akin.
Mahal na mahal kita prinsesa ko walang makakapantay sayo.Ikaw lang ang minahal ko ng ganito at ikaw na din ang huli kong minahal ng ganito.Sana kahit wala na ako ay maging masaya ka parin Prinsesa ko.Ipangako mo saakin na magiging masaya ka kahit na wala na ako at sana prinsesa ko magmahal ka ulit.Wala na ako at gusto kong may mag aalaga sayo kaya sana Prinsesa ko hayaan mo ulit iyang puso mong mag mahal ng iba.MAHAL NA MAHAL KITA PRINSESA KO HIGIT PA SA BUHAY KO.IKAW AT IKAW LAMANG ANG MAHAL KO ANG PRINSESA KO.Sayang nga di na kita napakasalan pero masaya at kontento na ako sa anim na taong magkasama tayo at nagmamahalan.MAHAL NA MAHAL KITA PRINSESA KO.MARAMING SALAMAT SA LAHAT.ALAM KONG MAGKIKITA TAYO SA KABILANG BUHAY PERO ALAM KO RING MATATAGALAN PA IYON ,PERO AANTAYIN KITA PRINSESA KO MAHAL NA MAHAL KITA HANGGANG SA DULO NG BUHAY KO.IKAW LANG ANG PRINSESA KO MAHAL KO.

Nagmamahal ang iyong Prinsepe,
Niel

Bakit Niel bakit?iniwan mo agad ako?Ang sakit isipin na wala ka na saakin,na wala ka na sa aking piling.Pero tatanggapin ko ito kahit na halos imposible.Dahil hindi ako sanay na gigising ako sa umaga ng wala akong matatanggap na text saiyo,nang hindi kita nakakausap,ng hindi kita nakikita,ng hindi kita nayayakap ng walang tumatawag sa akin na Prinsesa ko at ng wala na rin akong tinatawag na Prinsepe ko at ng hindi ko masabi sayo araw araw  kung gaano kita kamahal

Hindi ko alam paano mabuhay ng wala ka pero kakayanin ko para saiyo tutuparin ko lahat ng pangarap nating dalawa.

Pero hindi ko kayang tuparin ang gusto mong ipangako ko sayo Niel, ang mag mahal ng iba.Dahil alam ng puso ko na ikaw lamang at wala nang iba ang laman nito walang sino man ang makakapalit sayo.

NIEL PRINSEPE KO MAHAL NA MAHAL KITA SALAMAT DIN SA LAHAT SALAMAT SA LAHAT NG MGA ALA ALA SA LAHAT NG PAGMAMAHAL.

IKAW AT IKAW LANG ANG MAMAHALIN KO.
IKAW ANG UNA AT HULI KONG MAMAHALIN PRINSEPE KO.

HANGGANG SA DULO NG AKING BUHAY IKAW AT IKAW LAMANG ANG ANG MAMAHALIN KO NIEL IKAW LANG PRINSEPE KO

ALAM KO MATAGAL PA ULIT BAGO TAYO MAGKASAMA SA KABILANG BUHAY PERO ANTAYIN MO AKO PRINSEPE KO

NIEL MAHAL NA MAHAL KITA
IKAW AT IKAW LAMANG

IKAW LANG ANG PRINSEPE KO MAHAL KO

It will always be you
You will always be in my heart,no one can replace you.

Its only you

It Will always be you
Prinsepe ko
Mahal ko

It will always be youWhere stories live. Discover now