Tadhana

37 1 2
                                    

"Miss Dela Cruz! late ka na naman!" sermon sa akin ng aming guro.

Ako si Sophia Dela Cruz, nasa elementarya pa lamang ako ay palagi mo ng makikita ang pangalan ko sa aming pisara. Nasa ika-pitong baitang na ako pero hindi ko pa rin mabago ang nakasanayan ko.

"Sorry Ma'am. Traffic lang po." paumanhin ko. Traffic ang palagi kong idinadahilan sa tuwing nahuhuli ako sa pagpasok pero ang totoo'y tinatanghali lang talaga ako ng gising.

Umupo ako sa upuan kong malapit sa bintana. Nakikinig ako sa aming guro nang maagaw ng atensyon ko ang grupo ng kalalakihang napadaan sa harap ng aming silid-aralan. Tumingin sa akin ang isa sa kanila pero agad din naman akong umiwas. Matapos ang dalawang asignatura ay recess na. Nag-aayos ako ng gamit nang mapansin kong nawawala ang aking I.D.

"Phia, tara kain tayo sa canteen." pag-aaya sa'kin ng kaibigan kong si Bianca.

"Sandali... yung I.D. ko nawawala." ani ko habang patuloy na hinahanap ang nawawala kong I.D.

"Baka naiwan mo sa bahay niyo?" tiningnan ko naman ng masama si Jasper, kaibigan kong binabae.

"Suot-suot ko nga yung I.D. cord, di'ba?" sarkastikong sagot ko kay Jasper.

"High blood agad? Gutom lang 'yan, tara."

Pumunta kami ng canteen atsaka kumain. Matapos non ay nagpasama ako sa kanila sa guard house.

"Kuya may nang-iwan po ba dito ng I.D.?" tanong ko kay Manong Guard.

"Tingnan mo na lang diyan, hija." sagot nito.

Agad ko namang tiningnan ang mga I.D. na nakadisplay pero nanlumo ako nang wala sa mga iyon ang mukha't pangalan ko. Nagpasalamat kami kay Manong Guard at bumalik na kami sa classroom namin.

"Pa'no na yan Phia? Wala kang I.D. ESP pa naman natin bukas. Papalabasin ka niyan ni Maam Birtud." pananakot ni Bianca.

Tuwing Martes at Miyerkules kasi nag-iimpeksyon ang aming guro sa ESP ng kumpletong uniporme; itim na sapatos, puting medyas, maayos na gupit at higit sa lahat, ang I.D.. Kung wala ka ni-isa sa kanila ay papalabasin ka't sandamakmak na sermon ang aabutin mo kay Ma'am Birtud.

"Maiintindihan naman siguro ni Ma'am na nawawala ang I.D. ko. Papagawa na lang ako ng bago."

"Ikaw bahala."

Pagdaan ng ilang oras ay uwian na. Naglalakad kaming magkakaibigan palabas ng gate nang may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Sophia!" Hindi pamilyar sa akin ang boses pero boses iyon ng isang lalaki. Siguro'y kapangalan ko lang ang tinawag niya kaya hindi ko iyon pinansin.

"Sophia Dela Cruz!!!" tawag ulit nito. Napahinto ako sa paglalakad at kasabay no'n ang pagsulpot ng isang may itsurang lalaking pagod na pagod, siguro ay dahil sa pagtakbo.

"Diba ikaw si Sophia?" tanong niya. Batay sa kulay ng I.D. cord niya ay ka-batch ko siya.

Maya't maya'y may inilabas siyang I.D.

'I.D.?! Teka I.D. ko yun ah?!'

Kinuha ko agad iyon sa kanya at muling itinuloy ang paglalakad.

"Salamat ah." sarkastikong pahayag niya.

Muli akong tumingin sa kanya at sinabing

"Walang anuman."

**

Kinabukasan...

Nagising ako sa lakas ng ulan. Martes ngayon at mukhang isu-suspende ang klase dahil sobrang lakas ng ulan. Kinuha ko ang aking telepono upang makibalita sa facebook at suspende nga. Matutulog sana ulit ako nang may biglang nag-chat.

Tadhana (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon