Chapter 14

6.5K 117 3
                                    

Para akong zombie nang nakarating ako ng mansion. Pagkarating ko ay dumiretso ako kaagad sa kwarto at inilock iyon. Gusto ko lang mapag-isa sa ngayon. Kahit nga kumain ay ayoko dahil nawawalan ako ng gana.

Tulo parin nang tulo ang aking mga luha na para bang isang taon ko nang inipon.

Ang sakit ng dibdib ko, sumisikip ito at parang kinukurot. Para din itong hinihiwa sa kaloob-looban. Kulang nalang ay putulin ang mga veins na nagcoconect sa bawat vessels dito.

"I was in pain again Lewis. And this is because of you."

"My husband.... Well maybe not my husband at all. You are supposed to be the reason for me to live but why are you choking me to death," wala na akong pakialam kung rinig na rinig ba tong boses ko sa labas ng kwartong ito.

Gusto ko nang maging malaya, malaya sa pagkakasakal. Ayoko ng ganito na kahit wala na ako sa puder niya ay hawak niya parin ako sa leeg. I want to have a peaceful life with someone who's not him.

Gosh, spare my life! But I want to be happy away from him.

Di bale nang landiin man niya lahat ng babae sa mundo atleast ako, hindi.

Ayoko nang umasa na may pag-asa pa dahil sa puso't isip ko pa lang ay nakataga na ang salitang tanga na kapag umasa ka ay talo ka.

Isang katok at pamilyar na boses ang narinig ko sa labas ng kwarto. It was Tita Len's voice whose continuously calling me outside.

"Iha, Sam are you okay?" Sigaw niya sa akin galing sa labas.

Hindi parin ako umimik at ipinangko ko na lamang ang aking ulo sa nakatiklop kong tuhod.

Merong isang malambot na kamay ang humaplos sa likod ko at binigyan ko narin ito ng pagkakataong masilayan.

It was Tita Len. She smiles at me just like there's no tomorrow. Tuloy parin ako sa pag-iyak at walang humpay paring humahagulhol.

Umangat ang mukha ko nang marinig ulit ang boses niya.

"Spill it Sam, Tita Len is here for you," sabi niya sa akin.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi dahil kapag sinabi ko ay lalo lang magagalit si Tita Len sa asawa ko at hindi lang siya dahil marami sila.

Pero sa huli nagwagi ang tamang parte ng aking utak at pinaniwalaan ang bahaging matagal ko na sana ginawa.

"I want an annulment Tita."

Natigil na din si Tita at hindi man lang ako nagawang kumbinsihing itigil ang plano ko.

"A-are you serious Sa-m?" Tanong niya sa akin.

Tulo parin nang tulo ang mga luha ko.

Tumango lamang ako sa kanya para sa isang yes sa tanong niya. Nakikita ko naman ang gulat at bahala sa kanyang mga mata.

"Sam hindi na ba magbabago isip mo?" Titig na titig si Tita Len sa akin na para bang sinusukat ang kaloob-looban ng aking kaluluwa.

"Oo Tita, siguradong-sigurado ako at hindi na iyon magbabago," sambit ko sa kanya at batid parin ang lungkot sa kanyang mga mata at hindi ko alam kung para sa akin ba ang lungkot na iyon o hindi.

"Sige Sam. Kung yan talaga ang gusto mo ay bukas na bukas rin ay papupuntahin ko rito si Atty. Costancia para sa mga papeles na kakailanganin mo," niyakap niya ako pagkatapos ng sinabi niya sabay bulong.

"Sam, you've gone through a lot this time but I hope you'll not regret everything someday," it was Tita Len's last words that I heard before I fell asleep.

Tanghali na akong nagising at magang-maga parin ang mga mata ko sa kaiiyak. Kaagad akong dumiretso sa banyo at nag-ayos ng sarili. Nang natapos na ako ay kaagad akong bumaba at hinanap sina Tita Len at Si Ris.

Si Ris lang ang nadatnan ko sa sala na sumisimsim ng kape at nagbabasa ng diyaryo.

Kaya nininerbyos tong isang to dahil lagi nalang nagkakape.

Kaagad akong nilingon ni Ris at binigyan nangg tipid na ngiti.

"Sammy, come here, sit besides me. I want to talk about something," tumalima naman ako sa sinabi niya at tinungo ang espasyong nasa tabi niya sabay upo.

"R-ris..." Nanunubig na naman ang mga mata ko.

Niyakap naman ako ni Ris at kino-comfort.

"Hush, Sammy. Alam ko kung anong dahilan ng iyak mo, is it because you want to file an annulment, am I right?" Tanong niya sa akin habang haplos parin ang likod ko.

"N-not just the annulment Ris," nang marinig iyon ni Ris ay nagbitiw siya kaagad sa yakap niya sa akin.

"Is it because of me Sammy? About falling in love to your husband's bestfriend?" Puno nang pagbabakasakali ang mga mata ni Ris.

Inilingan ko siya.

"Then what Sammy? Tell me what?" Panay parin ang tulo ng mga luha ko.

"It's about, Tamarrah my bestfriend. No scratch that my ex-bestfriend na kahit kailan hindi pala ako tinuring na kaibigan," sambit ko sa kanya na ipinagtataka niya.

"Ano naman ang koneksiyon ng Tamarrah na iyon sa annulment na ipa-file mo Sammy?" Tanong niya sa akin.

"She has an af-fair with my husband. R-is... What now? I am now hopeless, ang sakit na, hindi ko na kaya. Dinig na dinig ko mismo sa bibig ng traydor na iyon ang mga salitang pumupunit sa puso ko. Ris, hindi ko hinangad na maging ganito sa katunayan nga ang bait ko ngang kaibigan pero siya?! Wala siyang kwenta! Malandi siya!" Humagulhol ako tanging iyak ko lamang ang maririnig sa sala.

"Huwag kang mag-alala Sam, ipapakain ko sa mukha ng haliparot na iyon ang bagsik ng isang api! Maya-maya lang darating na rin si Laide, siya ang abogadong gagawa ng papeles para sa annulment mo. Sisiguraduhin kong wala nang magagawa ang walang hiya mong asawa at ang babaeng iyon na wala nang delakadesang pumapatol sa lalaking may asawa na!" Bigla akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Ris.

Tama siya, ipapamukha ko sa kanila na ako ang wagi at sila ang talo sa larong sinimulan nila. Hindi pa man ako siguradong magwawagi ako pero alam ko, ramdam ko ang lasa ng kalayaan.

Hapon na ng dumating si Atty. Costancia. Hindi kapanipaniwala na isa siyang abogado. Sa ganda at bata niya kasing niyan ay marami na siyang achievements. Naging magaan din ang loob ko sa kanya. Matagal na palang kilala ni Ris si Laide at ang pamilya nila, kasi sila din ang abogadong naghahandle sa bawat kaso sa pamilya nila Ris.

Ikinuwento ko kay Laide ang lahat tungkol sa akin.

At sang-ayon siya sa pagfa-file ko ng annulment.

"Sana matagal mo nang naisip ito Samantha. Masyado na palang brutal ang asawa mo sa iyo. At alam natin na labag iyan sa batas na ating kinagagalawan," tango lang kami nang tango ni Ris.

"Ilang araw pa ang pag-paprocess ng mga papeles Laide?" Tanong ni Ris sa kanya.

"Mga less than a week lang Samantha at Ris. Pagkatapos ay pu-puwede mo nang puntahan si Mr. De la Reevas at papirmahan iyon. Hindi ka naman siguro mahihirapan sa pagpapapirma sa kanya hindi ba?" Tanong ni Laide sa akin na ikinakaba naman ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Sigurado nga ba akong pipirmahan iyon ni Lewis?

A Wife's Torment [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon