Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Vince. Effort kung effort. Nakakamangha talaga ang kumag. Tama nga talaga ako, weirdo talaga 'to. Ibang klase kung mag-isip. Nagdududa na tuloy ako kung nursing ba talaga ang tinapos ng kumag na 'to. Andaming alam na pampakilig eh. Mukhang pinaghandaan talaga niya 'to. Hindi lang basta resume ang nakalagay sa folder. May kasamang cover letter, random facts tungkol sa kanya, mga paborito at ayaw niya at iba pang mga bagay na kelangan kong malaman tungkol sa kanya na hindi niya pa nasasabi sakin. Elibs na elibs na talaga ako!Binasa ko ang mga nasa folder nung nakaalis na ang kumag. Ayaw niya na basahin ko ang mga 'to sa harapan niya. Nahihiya daw siya sa ginawa niya. Nakokornihan daw siya sa sarili niyang gawa. Ang weirdo talaga. Simple lang naman yung mga nakalagay sa cover letter, resume at random facts.
Ang Cover Letter
Alam kong isang buwan pa lang tayo magkakilala at masyado pang maaga para sabihin ko sa'yo itong nararamdaman ko. Hindi ko din alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Sinasabi ng isip ko na huwag muna kahit binubulong na ng puso ko ang pangalan mo. Hindi ko na mahintay na ang bulong ng puso ko sa pangalan mo ay maging sigaw.
Hindi ko makakalimutan ang una nating pagkikita sa Cubao Expo. Dumating ka ng pinsan mo. Bakas sa mukha mo ang dalamhati, hinagpis at kalungkutan. Di ko mapigilan ang sarili ko na tingnan ka. Para ka kasing utot nun eh, mahina lang pero malakas ang dating. Parang droga, nakaka-adik titigan. Parang statue, ansarap galawin.
Ako, si Vincent Oliveros, 22 taong gulang, nagtatapat ng pag-ibig sayo ngayong ika-10 ng Agosto, 2009.
Kalakip nito ang aking resume at mga bagay at impormasyon tungkol sa akin. Yung mga hindi ko pa nasasabi sayo. Sana mabigyan mo ng oras basahin ang mga ito. Alam kong hindi masyadong impressive ang resume ko dahil bagong graduate ako. Pero sana hindi 'to maging hadlang para mahalin mo ako.
Gusto kita makasama hangga't may umaga.
Di ako nangangakong hindi kita papaiyakin, pero gagawin ko ang aking makakaya na iiyak ka lang sa saya.
Di ako nangangakong walang tampuhang magaganap.
Di ako nangangako ng perpektong relasyon.
Mamahalin at aalagaan kita - sa isip, sa salita at sa gawa.
At higit sa lahat, ipaparamdam ko sa'yo na ang love ko ay parang baby shampoo, no more tears.
Maghihintay ako. Sana pagbigyan mo ko.
P.S. Huwag mo ko pahirapan, please?Natawa ako sa banat niya na "no more tears". Benta ang banat! Mga ilang minuto ko din inulit basahin ang mga katagang yun. Parang kinilig ako ng slight. Haha! Sinunod kong basahin yung resume niya. Andun yung mga impormasyon na kadalasan mong nakikita sa isang resume. Hindi ko alam kung talagang sinadya ng kumag o talagang pers taym niya lang gumawa ng resume. Nilagay niya ang "sleeping" as skills niya. Hanep!
10 Random Facts
1. Sumasakit ang tiyan ko ng walang dahilan. Ilang beses na 'to pinatingin sa doctor pero wala parin mahanap na dahilan. Pinaglalaruan daw ako ng engkanto.
2. Dapat may anak na ako, kaso pinalaglag ng nanay niya.
3. Mahilig ako sa mga naka-eyeglasses.
4. Mahilig ako sa pasta.
5. Business Management talaga ang gusto kong kunin na kurso.
6. Bugnutin ako.
7. Maikli ang pasensiya ko. In short, pikon.
8. Hindi ako pawisin. Kapag kinakabahan lang, ninenerbyos o nageehersisyo.
9. Inaantok ako pag umiinom ng kape.
10. Hindi ako mahilig kumain ng gulay.
"Bakit sampu lang 'tong random facts mo?" text ko sa kanya pagkatapos kong basahin lahat.
"Para magkainteres kang kilalanin pa ako!" reply niya.
"LAKAS!" sagot ko.
"Kelan ko malalaman sagot mo?"
"Sagot saan? Ano yung tanong?"
"Dun sa application ko sa'yo."
"Nasa one-week probationary period ka. After one week, malalaman mo kung tanggap ka! Hahahah! Biro lang." text ko sa kanya.
"Paano kaya yun?" reply niya.
"Nasa sayo na yun..."
"Aha! May naisip ako. Hihihi..."
"Ano naman yun?" tanong ko.
Hindi na nagreply ang kumag. Nakatulog na siguro dahil sa sobrang pagod sa byahe. Tinapos ko na ang trabaho ko para makauwi ng maaga.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.