Chapter 6

22 1 0
                                    

Vince's Point of View

Alas tres ng hapon at nakaupo lang ako sa stall namin. Ako kasi ang magbabantay. Hanggang alas tres lang naman ang pasok ko kaya ayos lang naman tsaka isa pang dahilan kasi eh... ehem ehem. Baka tumambay ulit si Ms. Cute at ang mga kaibigan niya sa tapat ng stall namin, kaya medyo pabor sakin 'to. Medyo lang naman.

Maya-maya pa ay natanaw ko na ang hinahanap ko.

"Hahahaha. Ano ka ba. Tumigil ka nga." Sabi nung kasama niya.

Nakangiti kong pinagmasdan ang nakasimangot niyang mukha dahil na rin siguro sa asaran nilang magkakaibigan at bigla akong nagulat ng mag-angat siya ng tingin at magtama ang mga paningin namin. Napaatras ako ng bahagya sa pagkagitla at agad na binawi ang paningin ko at binaling ito sa ibang direksyon, dahilan upang mahagip ng paningin ko ang isang babaeng nakangiting kumakaway habang naglalakad papunta sa direksyon ko. Si Mia.

Nagbaba na lang ako ng tingin at di na ito pinagtuunan pa ng pansin. Sa tabi ko ay ang kapatid kong mapang-asar na ngayon ay tinutukso na ako habang nagtatype ng kung ano sa laptop niya.

"Tsk tsk. Bro, andyan na pala si Mia mo oh. Hahahahaha."

"Anong 'mo'? Para saan 'yun?"kunot noong tanong ko.

Hindi ko talaga minsan maintindihan ang mga babae. Bigla ka na lang tutuksuhin sa taong ni hindi mo nga matingnan ng diretso sa hiya dahil sa panunukso nila.

Nagkibit-balikat nalang siya at muling itinuon ang pansin sa ginagawa niya sa laptop, sinulyapan ko naman ito at nakitang busy pala siya sa pag-aaccept ng mga friend requests sa facebook niya.

"Nays. Peymus na?"pang-aasar ko pa habang pinapanood siya sa ginagawa. Hindi ko na rin pinansin ang kapapasok lang na si Mia.

"Hi."bati pa nito. Sinulyapan ko lang siya saka muling pinanood si ate.

"Hi Miaaaaaaaa!"sabi ni ate habang di pa rin inaalis ang tingin sa laptop.

May ni-click siyang pangalan mula sa friend requests at saka ito ini-stalk. Tatayo na sana ako nang biglang mahagip ng mga mata ko ang tinitignan niyang picture sa screen. Nanlalaki ang mga matang ibinalik ko ang paningin sa screen.

"Kilala mo, Josh?"

"Anong pangalan niya, ate?"

"Janella. Janella Enriquez."naguguluhang sagot ni ate. Imbis na sagutin siya ay inagaw ko sa kanya ang laptop.

"Ano baaaaa? Naman eh. Tsk. I-log out mo 'yan ah? Kainis naman 'to. 'Lika na nga, Mia."saka niya inakay si Mia paalis.

Hindi ko naman agad na-i-log out ang account ni ate sa sobrang pagkakatitig ko sa picture sa screen na para bang kapag kumurap ako anumang oras ay maaari itong maglaho. Nang makabalik ako sa ulirat ay agad ko namang sinunod ang sinabi ni ate at nag-log in gamit ang account ko. Hinanap ko agad sa search box ang pangalan niya. Janella Enriquez. Ang ganda ng pangalan niya kasing ganda niya. Nang mahanap ko ay agad kong tinignan ang mga pictures niya. Parang tangang napangiti naman ako nang makita ko ang isang picture niya na nakawacky pose.

Ilang oras yata ang ginugol ko sa pag-sstalk sa kanya natitigil lang ako kapag may bumibili pagkatapos ay babalik ulit sa ginagawa. Bandang alas sais ng naisipan ko ng maglog out. Hindi ko lubos ma-imagine na nagawa kong gumugol ng mahigit kumulang tatlong oras sa pag-sstalk lang.

Maya-maya  lang ay dumating na rin si ate at si Mia at tinulungan ako sa pagsasara ng stall.



Janella's Point of View

Vince Joshua Salazar sent you a friend request.

Confirm                               Delete

"Oh My Gooood!" Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang screen ng cell phone ko at paulit-ulit na binasa ang nakalagay doon.

Vince Joshua Salazar sent you a friend request.

Confirm                               Delete

Mababaliw na yata ako. Totoo ba 'to? Omygad! Omygad! Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko masiguro lang na gising ako, napakapit pa ako ng mahigpit sa braso ni Maera na katabi ko kasama ang ibang kaibigan namin na nakikisilip sa cellphone ko.

"OA 'nak. Friend request lang eh, kung makareact ka naman akala mo may magaganap na pamamanhikan bukas na bukas rin."Sabi ni Mamie.


"Hiyang-hiya ako sa'yo mie. Kaya pala nung tinignan ka ni Jason eh, halos buong linggo mo kaming ginugulo. Kahit dis oras ng gabi ay tumatawag ka dahil lang di ka maka-get over sa isang sulyap niya. Take note, isang linggo 'yan ah tsaka tingin lang 'yon. Tingin." Pagdiriin ko pa.

"Sino ngayon ang OA?"pang-aasar pa nina Maera, Jassy at Leila saka naghagalpakan ng tawa. Si Mamie naman ay natawa na lang din. Ako naman ay makatingin pa rin sa screen ng cell phone ko at kinikilig na in-accept ang friend request ni crush. Pigil na pigil ang tili ko dahil sa kilig.

Nang makaget over sa kilig ay saka nanginginig ang mga kamay na nagtype ng message sa kanya. Simpleng 'hi' lang naman ang tinype ko with tuldok at emoji syempre sa hulihan. Lol. Apat na characters lang 'yun pero ilang beses akong gumamit ng delete dahil sa panginginig ng kamay ko ay nagkakandamali-mali na  ang tinatype ko. Litsi lang, 'di ba?

Maya-maya lang ay nagreply naman siya.

Vince Joshua Salazar:  :)

Ay? Taray ni koya. Smiley lang nireply? Grabe di man lang ginawang emoji. Effort ha? Badtrip!

Sa  inis ay itinago ko na lang ang cell phone ko sa bulsa. Ikaw ba naman reply-an ng smiley, makakareply ka pa ba? Kung oo, ano naman irereply mo? Tuldok?! Sabagay, effort rin ah? Tss. -_-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A BEAUTIFUL GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon