Chapter 19 - Pagliligtas

468 12 0
                                    

Jiela's POV

Kusang namugay ang luha ko ng makita ang pagpasok ni Lucas sa abandonadong building dito sa likod ng university.

Nang ibaling ko ang paningin sa pigurang nakasunod sa kanya ay nakita ko agad ang walang emosyon na si Getrude Lopez na deretsang nakatingin sa akin.

Tinging nagsasabing ligtas ka na trouble princess. Tingin na lalong nagpabagsak ng mga luha ko!

" Good to see you here Lucas. Bilis mo yata dude. " bati ng isa na para bang nakabingwit ito ng napakalaking isda.

Kulang nalang sabihin nyang uwian na! Nandito na ang hinintay namin.

Lucas glared them with his badboy aura.

" Pakawalan nyo na si Jiela. Nandito na ako. Hindi ba ako ang kailangan nyo. " agad akong tiningnan ni Lucas.

Lucas ipaghiganti mo ako!!

Tumawa naman ng matagumpay si Mr. Cupcake.

" Are you fucking serious dude? Hindi lang ikaw ang kailangan namin. Pati rin sya. " sabay turo ng lalaki kay Getrude. Tumabi naman si Getrude kay Lucas.

" Or I must say..mas interesado kami dyan sa kasama mo. " sa pagkakasabi nyang 'yon ay kusang nanlamig ang kamay ko.

Oh my Getrude! Hindi pwede!

Nakita ko pa na nakafocus lang sa akin si Lucas.

" 'Diba girlfriend nya 'tong napakaganda mong pinsan. " sabi ng lalaki sabay hawak sa buhok na hinahaplos haplos pa!

Hindi ako makapagsalita. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay mahigpit pa rin akong nakatali dito sa isang kahoy na upuan habang nakabusal ang bibig.

" Ilayo mo 'yang madumi mong kamay sa pinsan ko. " utos ni Lucas ngunit hinablot lang ng lalaki ang buhok ko sabay diin ng isang matulis na bagay sa leeg ko!

Para akong naging estatwa. Kung kanina ay pakiramdam ko naging Statue of Liberty ako. Ngayon naman ay para akong yelong tao na unti unting tinutunaw sa nagbabagang bulkan.

Kaya sangkaterbang luha ang kusang bumabagsak sa mga mata ko.

" Fuckinshit. " biglang mura ni Lucas. Ngunit nakita ko nalang ang paglapit ni Getrude habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.

Mas lalo akong naiyak. 'Yong mga mata nya ni hindi ko nakikitaan ng kahit isang emosyon.

" Bitawan mo sya. " malamig nyang utos upang mas lalo lang idiin ng cupcake boy ang kutsilyo sa leeg ko. Pumikit nalang ako.

Pakiramdam ko katapusan ko na ngayon.

" Luhod! " sigaw ni cupcake king kay Getrude at nabigla nalang ako ng kusang lumuhod si Getrude sa harap namin.

Nakita ko pa ang dalawang kasama ng lalaki na may hawak hawak na kahoy.

" Itaas mo ang dalawang kamay. " sinunod pa rin ito ni Getrude habang hindi pinuputol ang tingin sa akin. Gusto kong umiling pero natatakot ako at baka matusok ko ang sarili sa kutsilyo kaya para na talaga akong estatwa dito sa kinauupuan.

" Lucas lumuhod ka rin. " utos uli nito upang sundin sya ni Lucas.

Halata na ang natataranta na sya.

" Pag ikaw gumalaw dyan isang saksak ko lang dito sa pinsan mo. Patay na 'to. " sabi nya upang mapako si Lucas sa pwesto.

" Sige na simulan nyo na ang paghampas sa Lopez na 'yan. At isusunod natin 'yan si Lucas baby. " sa pagkakautos ni cupcake boy ay agad nakita ko kung paano hinimpas ng isang lalaki ang likod ni Getrude. Tumulong din sa paghampas ang isa pang lalaki sa kanya upang mapahagulhol ako ng iyak.

" Hindi ba masakit Lopez! Yan ang napapala ng isang tulad mo! Hindi ka lang nag iwan ng sakit ng loob ng buong St. Joseph Basketball team. Sinira mo rin ang pangarap ng team na makapasok sa National League! " sabi ng lalaking nakahawak sa akin. Wala pa rin akong nakikitang kahit isang emosyon kay Getrude.

Mga bwesit! Mga bahag ang buntot! Mga talunan! Kung hindi lang sana nila ako hostage malamang patay na ang tatlong ito!

" Alam mo ba kung gaano kasakit sa team ang pagkawala nina Gil at Dino? Its all because of you Lopez! " dagdag ng isa sabay hampas nang napalakas upang bumagsak si Getrude mula sa pagkakaluhod.

Para akong mababaliw ng makita ang napakaraming dugo at sugat sa likod ni Getrude.

" Luhod! " utos uli ni Cupcake boy upang magpupumilit si Getrude na bumalik sa pwesto. 'Yong luha ko parang ayaw nang tumigil nang makita ang paghihirap at sakit sa mukha ni Getrude.

Hindi ko kayang makikita syang ganyan. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka brutal na pangyayari at sa pinaka espesyal pa na tao sa buhay ko ito nangyari.

" Gumalaw ka at ibabaon ko 'tong kutsilyo sa leeg mo. " para akong naiwan ng kaluluwa ng tuluyan ko ng naramdaman sa leeg ang napakatulis na bahagi ng kutsilyo. Isang galaw ko nalang talaga at deadball na ako!

Hindi pa rin natinag si Getrude sa posisyon kahit makailang ulit itong pinaghahampas ng kahoy. Walang emosyon ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin...sa kutsilyong nakabaon sa leeg ko.

Hanggang sa nakita ko ang pagdami ng dugong nagmantsa sa nasira nitong damit.

Sa isang iglap lang ay mabilis na tumayo si Getrude mula sa pagkakaluhod. At kasabay nito ang pag agaw nya sa isang kahoy mula sa humampas. At tuloy-tuloy itong dumeretso sa mukha ng humahawak sa akin.

Napakabilis ng nangyari hanggang sa nakita ko nalang ang pagpasipa ni Lucas sa isang lalaki at pinagsusuntok ang isa. Si Getrude naman ay sinuntok rin ng walang humpay si Cupcake King.

At ako?

Nakatali pa rin hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagdapo ng mga kamay ni Getrude sa pisngi ko. Parang nabigyan ng buhay ang gumuguho kong mundo. Ang katawan kong nanghihina tulad ng abandonadong building na ito ay para nagkaroon ng lakas ng makita ko ng mas malapitan ang mukha nya.

" Tahan na nandito na ako. " malamig man ang pagkakasabi nya sa mga salitang ito pero 'yong haplos ng mga daliri nya sa mukha ko ay nagpapainit sa takot na namayani sa puso ko.

Nang matanggal na lahat ng tali sa paa ay sinunod naman nya ang tali sa kamay ko. Pagkatapos kinuha nya ang panyo na nakabusal sa bibig ko.

Everything is like a damn fairytale. And he is my savior...my cold prince charming.

" S-alamat. " tanging nasambit ko.

He stared me..scanning every parts of my body. Parang chinecheck nya kung nagkapasa ba ako o nagkasugat. Nang nakuntento na sya ay agad nyang ibinaling ang paningin sa mukha ko.

" Wag kang umiyak. Hindi sila dapat iniiyakan. " saad nya habang nakahawak sa pisngi ko ang daliri nya.

Kaya tumango ako. Nakita ko pa ang pagdating ng ilang kasamahan namin sa team at pagbugbog este pagtali nila sa mga nangidnap at nanakit kay Getrude.

Nakita ko rin si Hector pero ng makita nya ako ay para syang napako sa kinatatayuan. He don't know what to do seeing me in this state.

Siguro nag aassume ako kasi wala naman talagang pakialam sa akin and damuhong 'yan!

Naramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ng mahigpit ni Getrude ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. My heart beats faster than ever.

" H-indi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama sayo. Bakit ba kasi ang hilig mong pumasok sa gulo. " pinapagalitan na naman nya ako upang ibaon ko ang mukha sa may dibdib nya at humagulhol.

" N-atatakot ako. Takot na takot ako. " pagsusumbong ko sa kanya na parang bata. 'Yong luha ko imbes na mabawasan ay lalo lang nagbagsakan.

" Iyakin ka talaga. Wag ka ng umiyak sa harap ko. Hindi ako makapag isip ng mabuti. " sabi nya upang ngumiti ako at tumango tango.

I felt safety in his hands. I feel I can do everything even crying as hard as this in his arms.

Hanggang sa tuluyan syang bumigat sa balikat ko.

Nang silipin ko sya ay nakita ko nalang na tuluyan na syang nawalan ng malay.

Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon