Deilant Village "Alexandrea Otiz"

1.5K 9 6
  • Dedicated kay Marie Bernadette Del Rosario
                                    

Deilant Village

Alexandrea Ortiz

Man’s Defender

Written by: Mycah Del Rosario

1

ANG aga-aga pa lang ay nagigising na siya dahil sa body clock niya. Nakakayamot kasi kahit walang pasok, minsan ay napapabalikwas siya sa kama at hinahanap ang towel niya para maligo. It’s like bathing every morning became part of her routine system, but since it was summer vacation again, tinatanggal niya iyon unti-unti.

“Ano ba ang pwedeng magawa ngayong araw?” Tanong niya sa sarili habang umiinom ng mainit na kape.

“Anak, baka kalimutan mo na naman. Anniversary ninyo ni Nathan ngayon. Mamamatay na naman sa galaiti yung tao niyan.” Wika ng kaniyang ina.

Oh shucks! Oo nga pala! Why did it slip my mind? Lagot talaga ako roon.

“Opo Ma’. Nagpapahimasmas lang po ako. Kakagising ko lang eh.” Nakayukod na wika niya.

“Loko ka talagang bata ka. Lagot ka, wala ka pang regalo ‘no?” Panguusisa nito. First anniversary pa lang nila ngayon. Monthsary ang nakalimutan niya dati… She can’t see why it was so important so she usually forgets about it. Bakit kailangang monthly ang celebration niyon? Pwede pa ang yearly, ang kaso, nakalimutan niya rin iyon…

“Mommy, what should I do? Dapat kasi kahapon mo pa sa akin ipinaalala eh.” Paninisi niya pa rito.

“Why don’t you just bake him a cake? Hindi ba’t tinuruan ka naman ni Zoe?” Nagpamaywang pa ito sa harap niya.

“Baka hindi masarap…” Paga-alinlangan niya.

 “Kaysa naman wala kang regalo. Kawawa talaga si Nathan sayo, oh-oh… Hindi ko nga malaman kung anong nakita niya sayo eh.” Pagbibiro nito. Sinimangutan niya ang ina ngunit ngumisi lang ito. May punto nga naman ang Mama niya. She was nothing more than an ordinary girl, with a slight defect in everything.

Nagtungo siya sa kusina at kumuha na ng pang-bake. Lagi na lang talagang life-saver si Mama.

Alas singko pa lang naman ng umaga kaya may oras pa siya para maghanda.

“Ayaw ni Nathan ng masyadong matamis anak. Tandaan mo rin na ayaw niya sa masyadong icing.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ng ina.

“Paano mo naman nalaman Mama?” Nagsimula na siya sa pagbe-bake.

“Sabi ng Mama niya saakin. Pero kung ikaw lang din naman ang gagawa, siguro kahit sunog pa iyan ay kakainin niya pa rin.” Napaka maloko talaga ng ina niya. “Ako na muna ang magtitinda.” Iniwan na siya nito at nagtungo sa tindahan. Itinuloy na nga niya ang pagbe-bake.

TAPOS na niyang lutuin ang chocolate cake. Tinikman niya ito at ang sarap niyon. Ang kaso, kakaiba ang pang-lasa niya kaisa sa mga ibang tao, pero bahala na si batman... Sana na lang ay magustuhan iyon ni Nate.

Ibinuhos na niya ang caramel sa itaas ng cake at ipinasok iyon sa refrigerator.

“Maligo ka na.” Utos ng Mama niya. Tumango na lang siya rito.

Dalawang oras na ang nakakalipas. Nalinis na niya ang pinagkalatan at nagtungo na sa banyo. Naligo siya at isinuot ang dress na regalo sa kaniya ng nobyo noong nakaraang lingo. It was a white fitted dress but goes on loosely from waists to knees. Nakita daw nito iyon sa isang ‘on sale dresses’ sa mall pero nang makita niya na Louis Vuitton ang tatak niyon, nalula ang mga mata niya sa presyo. Nagsinungaling lamang si Nate dahil alam nitong hindi niya iyon tatanggapin sa sobrang mahal ng presyo. He was the kind of person who wants to spend a huge amount of money to buy stuff for her and her family. Why can’t he just give me a ring? I’d appreciate it more. Sayang nga lang at sa Lola ko pa rin ako nakatira kaya hindi rin kami laging magkasama kapag pasukan na. Tuwing long weekends lang at vacations siya nakakapunta sa Antipolo. Minsan pa nga ay hindi dahil busy siya sa mga school works.  

Deilant Village "Alexandrea Otiz"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon