Together Forever (Freshmen Times)

33 6 0
                                    

CHAPTER One

Nakaupo ako sa ilalim ng puno sa loob ng campus habang nagbabasa ng libro nang biglang may dumating na babae at tinanong ako "FRESHMEN?" Sabi ko "Ah,yes, ikaw?"

"Oo freshmen din ako,pang ilang room ka?" Tanong niya. "First room 4th floor *(smiled)* eh,ikaw?" Tuwang tuwa siya ng malaman niya na dun ako dahil dun rin siya. "Ako nga pala si Marja,uy tabi tayo ha! Ede ibig sabihin Valedictorian ka din?" . Valedictorian kasi lahat ng magiging section 1 sa first year kaya yun ang tanong niya,pumayag ako nag magtabi kami at napakasarap niyang kasama dahil napaka daldal. Ang buong pangalan niya ay Maria Janice Garcia parehas lang kaming 13 years old pero mas mauuna lang akong mag birthday.

CHAPTER Two

Bago dumating yung teacher namin maraming nagpapakilala samin ni Marja at nakabuo kami ng Group "The Meridian Princesses" at ito ay binubuo ni Stephanie Castillo,Stephen Castillo kambal ni stephanie pero Bakla :D,Marja Garcia,Sophie Reyes,Janella Trinidad,Beatrice Santiago,Katrina Santos ung anak ng may hawak sa cheerleading at coach sa football na sina Mr&Mrs.Santos at syempre ako Lara Nicole Cleofas.

Sabay kami laging kumain,mag review,mag shopping at Pumasok.

Si Stephanie at Stephen nung Elementary kami nag Tie daw silang dalawa sa school nila kaya parehas silang Valedictorian pero alam ko hindi pwede yun eh pero bahala na.

Kinwento ko kila ate at kuya yung unang araw ko sa High School at natutuwa sila dahil hindi ako natakot mag high school,kasi dati nung kasama ko si mama na papunta sa Hospital may nadaanan kaming Public school at nakita ko may pinag tutulungan kaya natakot ako.

CHAPTER Three

Pero nagkamali ako sobrang saya pala talaga.Tuwang tuwa ang parents ko sa narinig nila sabi nga nila ate at kuya "Mom,Dad ang daldal ni Lara oh!" Tapos tumawa sila Mommy at Daddy."tatanungin ka pa nga lang dapat namin kaso inunahan mo kami ng kadaldalan mo!" Hahaha,,"Ano mahirap bang kalabanin yung ibang mga Valedictorian?" Tanong ni ate. Sabi ko wala pa ate di pa kami nag simula sa Lesson,Nag Introduce palang kame isa isa,at basta para kaming nag sagot sa Slambook,Lakas mag interview ng Adviser namin eh.

"Sino si Ma'am Cuasay ba yan?" Tanong ni ate.."Oo siya nga"sagot ko.

CHAPTER Four

After 1 month si Katrina Dali dali kaming tinawagan at sabing "Guys, Open na ang Cheerleading club sali tayo ha!" At lahat kami pumayag. Nag P-Practice kami tuwing pagkatapos ng Klase mga 2-3 Hours ang Practice namin kasama ang Football Team.The Day before kami mag First Test nagpunta kami sa Library kasama ko ang Meridian Princesses "(MP)" at sila nakakuha na ng Libro,pero ako hirap na hirap kong hanapin yung gusto kong libro. Habang naghahanap ako lumapit yung classmate kong si Mark Anthony Cledera,Nag f-football din siya kaso di kami ganong close. Siya yung lalaking tingin ng tingin sakin nung 1st day ko sa High School tahimik lang siya at Matalino. "Ito ba ang librong hinahanap mo?"tanong ni Anthony. Sabi ko "Oo yan nga" . "Oh eto oh tapos ko na rin naman yan,ako nga pala si A" pinangunahan ko siya "yah Anthony?" . "Ngumiti siya sakin at tinanong niya ako kung mahilig din ba ako sa mga Books" dahil lagi niya daw akong nakikita na laging nakadikit sa kamay ko yung libro. Parehas kaming mahilig sa books at nagkakasundo kami sa lahat ng Libro,at marami kaming napagusapan tungkol sa mga libro tulad ng "ay kilala mo author nung ano" tapos dun kami naging close.

CHAPTER Five

"Uy Lara bakit parang nagiging close na kayo ni Anthony?" Tanong ni Marja,, "Oo nga may gusto ka ba sa kanya?" Tanong ni Stephen,, "Ano ba kayo kakakilala ko lang sa tao tapos ganyan agad reaction niyo? Masama ba?" :D "Di naman kasi parang . . . ." Sabi ni steph."Parang ano?" Tanong ko. "Parang nagugutom kami tara Lara kain tayo dun oh!" Sabi nila Katrina,Beatrice at Janella. "Oo nga Good Idea yan!" Sabi ni stephen. "So wala ka bang nararamdaman sa kanya?" Tanong ni Sophie. "Ano ka ba Sophie agad agad?!,at ano ba first palang tayo ganyan na kayo!" Sabi ko. "Hindi agad mapupunta sa relasyon,pagtingin ang tinatanong namin."."Sus naman wala pa naman." Sagot ko. "Ahh so may balak ka?" Tanong nilang lahat. Tapos tumawa kaming lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Together Forever (Freshmen Times)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon