Chapter 32: Her Comeback
Heaven Akira's POV
Pagkagising namin, pinagalmusal nila kame. Nag-ayos na kami ng gamit namin para sana makauwi na.
"Tito Basty, tita Bey, uuwi napo kame. Salamat po sa pagpapatuloy, godbless.." They smiled sweetly and nodded. "Promise, kapag may time po babalik kame."
"Oo ba. Sinabi ko naman na yung daan papuntang bayan, kelangan pa ba kayong ihatid?" Umiling si Cole.
"Naku, sobrang abala napo yung dinulot namin sainyo. Kami na po bahala, maraming salamat." Nag bow sya.
"Sige ho alis na kami." Tumalikod kami, at aalis na sana pero may sinabi si tito Basty.
"Sana kapag bumalik kayo rito, totoong magkasintahan na kayo." Nagkatinginan nalang kami ni Cole at natawa. Pati pala sila nahalata.
~*~
Lumipas yung ilang linggo na puro ganon ang ginagawa namin, bibisita sa ibang school, lilibutin at gagawa ng proyekto. Pagod pero masaya naman, hindi ko na ulit pinasok sa isip ko yung mga sinabi ko kay Cole.
Sa loob ng ilang linggong yun, bad news, mas naging close lang kami.
Sabi nga nila, ang utak madaling turuan ng paniniwalaan. Pero ang puso, mahirap diktahan ng mararamdaman.
Aminado ako sa nararamdaman ko, pero hindi ko na binigyang pansin pa. I know my limitations. Kapatid lang ako ng taong mahal ng mahal ko. Pero syempre, gagawin ko lahat para maiwasang lumala kung ano man tong katangahang dumadaloy sa pagkatao ko.
Nagulat ako ng may pumitik sa noo ko. Inirapan ko si Cole na tatawa tawa nanaman -_-.
"Lutang ka nanaman. Sino ba yang lagi mong iniisip ha? Ayiieee inlababo si Ventot.."
"Tsk. Shut up." Kinagat ko yung burger ko ng nanggigigil. Arrgh!
"Nacucurious nako sayo ah! Lagi ka nalang lutang! May problema ba?"
"Oo. Ikaw." Bulong ko.
"Huh?"
"Wala. Fvck you." Naiinis talaga ako sakanya ng walang dahilan these past few weeks.
"Isa pa yan. Lagi mo kong minumura.. Ano ngang problema?"
"Ganyan ako magmahal." Bulong ko ulit. Jusko Aki TT__TT. Coming from me?!
Pero syempre sinigurado kong di nya maririnig.
"Bahala ka nga! Magsasalita nga, bulong naman. Mga babae talaga abnormal!" Aba bwisit to ah!
"Pafall naman kayo." I whispered. Mas lumala ata pagiging bitter ko. Biglang nagring yung bell, kaya agad kong inubos yung burger.
"Bilisan mo. Pasok ka na." Ininom ko yung tubig ko.
"Geh. Alis nako." Tatakbo sana ako pero nagsalita sya.
"Wag kang tumakbo, baka madapa ka. Wala ako para saluhin ka."
Kelan kapa nandyan para saluhin ako? Nahulog na nga ako't lahat lahat wala paring sumasalo.
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Teen FictionHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...