Chapter One

206 2 0
                                    

Andrew's POV

Siguro ang paglipat sa panibagong lugar ay ang pinaka madaling paaran para magsimula ulit. Kalimutan lahat ng sakit at harapin ang bukas. Iiwan koman ang lugar nato pero ang masasayang mga ala-ala ay mananatili saakin puso.

Lumapit ako kay mom at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap nag umpisang bumagsak ang mga luha niya sa kanyang pisngi at parang binabasag ang puso ko kapag nakikita si mom na umiiyak.

"Mom stop crying pangako ko sayo babalik ako dito sa pasko at bakasyon" pinahid ko ang kanyang mga luha at pinilit kong ngumiti. Ayaw kong ipakita sakanila na nasasaktan ako dahil ang gusto kong isipin nila ay ayos ako.

Hinawakan ni mom ang kamay ko at tumitig sa aking mga mata. Alam kong naghahanap siya ng pag-asang magbabago ang aking isip pero buo na ang disisyon ko at alam kung kahit na di ako umalis wala pading magbabago, di parin maayos ang lahat.

"Mom kaya ko ang sarili ko at alam kong ito ang makakabuti para saakin" pumikit si mom at huminga ng malalim alam kong pinipilit niyang intindihin ang lahat para saakin.

"Basta mag iingat ka at wag na wag kang magdadala ng mga babae sa condo mo maliwanag! " Hindi ko mapigilang mamula sa mga pinagsasabi ni mom muka lang itong nagbibiro sa paningin ng iba pero ang totoo ay seryoso siya.

"Honey malaki na si Andrew bat di mo siya hayaan para naman may ma alagaan tayong bata"naka ngising sabi ni Dad at kumindat pa saakin natawa nalang akong bigla lalo na ang kakambal kong si Adam.

"Harold! Ano bayang pinagsasabi mo! Ang dumi dumi talaga ng utak mo! " Hindi ko mapigilang matawa reaksyon ni mom at kahit ang kakambal kong si Adam ay nakikitawa nadin.

"Mom tama nayan baka malate si Andrew sa kanyang flight" puna ng aking kakambal na si Adam.

Biglang nagkaroon ng sandaling katahimikan.Lumapit saakin si mom at hinaplos ang aking pisngi sabay ngumiti, alam kong sa mga ngiti ni mom ay tanggap nanyang aalis ako.

"Mag iingat ka doon Andrew wag kang mag-alala dadalaw kame sayo pag may oras". Niyakap ko siya at hinaplos haplos niya ang aking likod.

Pumunta ako kila dad at binigyan ko ng mahigpit na yakap si Dad ngumiti siya saakin at ginulo ang buhok ko sumunod akong pumunta sa harapan ni Adam.

"Paano bayan tol wala na ako sa tabi mo wag kang iiyak ha" naka ngisi niyang sabi.

"Loko kaya ko sarili ko haha!" Natawa kameng dalawa.

Tama simula noon si Adam na ang lage kong kasangga at kahit minsan ay di pa kame nag kahiwalay at kame lagi nag dadamayan sa isa't isa siguro ganon talaga pag mag kakambal.

Niyakap ko siya ng mahigpit parang may lalabas na luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko ito. Inalis ko ang pagkaka yakap ko sakanya at tumango kame sa isa't isa.

"Aalis napo ako" sabi ko ng may malapad na ngiti. Ngumiti sila saakin at dumeretso na ako sa naka paradang mercedes, nasa pintuan si Sebastian na kababata ko at batler namin, mas matanda siya ng isang taon saakin at siya na ang naging kaibigan namin ni Adam.

Lumabas sa kotche ang driver naming si Gabriel at kinuha ang aking mga bagahe at ipinasok sa loob.

"Mag iingat po kayo young master Andrew" yumuko si Sebastian tanda ng pag bibigay galang.

"Salamat Sebastian ikaw na ang bahala sakanila" sabi ko sabay ngiti.

Nung matapat ako sa pintuan ay pinag buksan ako ni Gabriel at sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang aking pamilya at kumaway.

Huminga ako ng malalim at sumilip sa bintana tinignan ko ang kabuuan ng mansion hanggang sa maka labas kame sa gate.

Nakarating kame sa airport eksakto dalawang pung minuto bago ang flight.

Our Broken Walls (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon