Hindi ko alam ba't ang hirap , akala ko wala na pero nandito padin pala. Masakit sobrang sakit na parang ngipin mo lang na sumasakit at parang tuhod mo lang na nasugatan. Mas masakit pa pala talaga pag iniwan kana ng taong akala mo siya na talaga. Yung taong naging sandalan mo ,naging karamay mo sa mga panahon problemado ka at tinalikuran ka ng lahat pero siya nandyan padin para icomfort ka at sabihing "magiging ok din ang lahat mahal ko" . Nawawala lahat ng problema mo sa tuwing naalala mo siya , sa tuwing katawagan at katext mo siya nakakalimutan mo ng madami kapa palang mga problemang kinakaharap. Yung nanay mong lageng sinasabi sayo "wala kang kwentang anak,bat pa kasi naging anak kita?" Yung kuya mong laging sinasabi sayo " wala kang kwentang kapatid, pasaway ka , ano bang plano mo sa buhay mo!" At yung mga kaibigan mong sakit sa ulo dahil sa ibat- ibang trip na ginagawa nila at pati ako ay nadadamay. Pero kahit ganyan sila, masaya ako kasi naging kaibigan ko sila.
Nakakalimutan ko mga problema ko lahat sa tuwing kausap kita mahal ko. Yung mga pag susungit mo sakin, yung lahit na mimumura mo ako minsan kasi nga ganyan ka pag galit nagmumura , ok lang sakin , nacucutan nga ako sayo.
Nakakamiss din pala yung pag susungit mo , yung pagseselos mo. Yung hindi ka mamansin kasi naka kita kana naman ng mga madaming message sa facebook account ko.
Yung mga nag hi or hello sakin at pag nabasa mong nagreply ako magagalit ka kagad. Kahit hindi ko pa alam kung ano kinakagalit mo, at dahil akoy isang dakilang makulit na kahit na tinatarayan mo ako , nagtatanong padin ako kung anong problema mo.
At dahil nakukulitan ka sakin , sasabihin mo nalang na nagseselos ka kasi madaming lumalandi sakin , imbes na mainis ako kasi may kasamang mura pa nung pagkasabi mo pero napangiti nalang ako kasi masarap sa pakiramdam na malaman mong nagseselos pala ang mahal mo sa mga nagchachat sayo. Sabi nila , move-on na daw ako sayo , ewan ko ba kung BAKIT hangang ngayon naiisip padin kita .
Madami akong tanong na hindi mo nasagot . Oo limang buwan naging tayo, akala ko mas masakit yung ginawa ng ex ko sakin kasi sa walong buwan naging kami , sasabihin niya lang na trip niya lang ako at may syota siyang iba at mahal na mahal niya yun.Pero mas masakit pala yung sayo kasi BAKIT? BAKIT mo ko iniwan? BAkIT ka nakipagbreak? BAKIT ako laging nasisi , BAkIT ako lang yung may kasalanan? BAKIT ako yung sinisisi mo? Ikaw yung nakipagbreak diba? Ikaw yung nagsabing ayaw muna , kasi laro lang to para sayo , kasi first girlfriend mo ako , kasi straight ka naman talaga kasi sabi mo magagalit ang lola mo kasi may pinangako ka sakanya! Pero yang mga sinabi mo , walang kwenta para sakin alam mo kung bakit?
Kasi nung nakipagbreak ka , itinigil muna ang lahat , nag deactivate ka ng account mo, pati number mo hindi na makontak. Nag explain ka nga sakin pero kailan? Nung 3 months na tayong break, hindi ka nag explain nung nakipagbreak ka sakin ,walang explaination. Sa loob ng tatlong buwan para akong tanga na tanong ng tanong kung BAKIT ,
BAKIT mo ko iniwan, sabi mo diba walang iwanan? Sabi mo diba magkikita pa tayo. Ang galing mo din kasi , ni hindi mo sinabi sa mga kaibigan mong merong TAYO . Wala tuloy ako mapagtanungan kung kamusta kana ba kung meron ka bang iba. Sa sobrang inis ko sayo, naghanap ako ng iba , siya yung nandyan nung time na sinaktan mo ko . Ang sweet niya , caring mabait, sabi ko baka siya na.
Minahal ko din siya pero ganun din pala siya katulad kadin niya . Nakipagbreak siya noong mga aapat na buwan na kami kasi sabi niya "ayaw kung magalit si papa," f*cksh*t diba. Ready na sana akong kalimutan ka para sakanya pero bumitaw din siya.
Kami nga pero laging laman ng group message nya ay si pouble niya. Kaibigan lang daw niya pero may iloveyou pa. Tatlong buwan palang kami noong umeksena ang pouble niya, galing niya naman kasi tumiming .
Brokenhearted daw siya sa ex,gf niya kaya ayon nilandi ang girlfriend ko. Laging sinasabing kaibigan niya lang pero mas madaming pang time niya sa pouble niya kaysa sakin na gf niya.
Lage kung hinihintay na mag lunchbreak nila para lang matawagan siya pero lageng busy ang line . Malalaman ko nalang na katawagan niya ang pouble niya. Kaibigan lang daw niya pero BAKIT may pa post pa sa facebook na video ng pouble niya habang nag giguitara at may nakalagay pang para sayo to pouble.
Sinong tanga ang maniniwalang kaibigan lang talaga sila? Kinilig nga daw siya doon sa ginawa ng pouble niya, ni alam din pala ng pouble niya ang password ng facebook niya.
Kaya pala ng ni log-in ko ng , wrong password na kasi pinalitan niya na pala. Akala ko maayos pa pero ako tong si tanga umasa.
Pagkatapos namin magbreak ,after ng isang buwan na wala kami , natatawa ako na iiyak kasi bat ako habol ng habol doon, mahal ko nga siya pero hindi nawala ang pagmamahal ko sayo.
Siya yung dakilang paasa, pinaasa kasi niya yung pouble niya, akala ng pouble niya may something sila , wala naman pala kasi kaibigan kalang pala.
Pano hindi aasa ang pouble niya kung ganon kasweet, ka caring yung ex. Ko sakanya. Kawawang pouble niya umasa parehas tuloy kaming tanga.
Natawa pa akong ng sinabi ng kaibigan ni ex sakin na tinanong daw si ex ng mga kaklase niya bat daw dami ng kakagusto saknya. Sagot naman niya "ewan ko hindi naman ako maganda dba" pahumble epek pa , tsk mas maganda ka pa nga sakanya madaming din naman nanliligaw sakin , pero hindi ko sinabi yang sinabi niya, panget man ako o maganda basta para sakin maganda ako pero isa lang ang minahal at mahal ko.
Siya padin kasi talaga si BAKIT . Kamusta na kaya siya dalawang taon nadin kami nagbreak pero yung sugat na iniwan niya andito padin .
Walang band aid na pwedeng gumamot, ang hirap mo naman kalimutan mabs. Bakit kasi ikaw pa , dalawang taon na akong single pero BAKIT hangang ngayon naiisip padin kita pati sa panaginip ko hindi ka nawala. BAKIT kasi nang iwan ka , hindi ka manlang nag-aya , sasabay pa naman sana ako. PERO heto ako , isang dakilang bitter, isang taong pag may nakakita ng couple ,sisigaw ng "WALANG FOREVER MAGBIBREAK DIN KAYO" akoy isang dakilang bitter at tanga. Mahal padin kita mabs as in mylabs ko at hindi ko alam kung BAKiT .? Hindi ko alam bat napanaginipan kita, nakakatawa kasi sa panagip lang kita mayayakap, mahahagkan. Ilang taoN na ba simula ng nagbreak tayo? Noong time na magkaibigan palang tayo sa facebook group na adik sa wattpad. Nakakatuwa kasi nang aaway ka sa ibang mga member ng group at isa ako sa mga admin ng group. Naalala mo paba? Chinat kita para pagsabihan na wag mang away at wag mag comment ng badwords. Alam mo bang doon tayo nagsimula maging close. I didn't expect na mafafall ako sayo. BAKiT nga ba ako nafall sayo? Masungit ka naman, snob kadin minsan, nagmumura at nang aaway kasi trip mong makipag away in short ang weird mo sobra. Pero sa tuwing kachat kita, napangiti mo ako. Kailangan ba tayo nag simulang maging tayo? March 5 2014, sabi mo subukan natin. Akala ko hindi tayo aabot ng isang buwan pero umabot din tayo. Masaya tayo noong isang buwan tao, masaya sa feeling na marinig mismo sayo ang salitang "i love you babe" . Inaaway mo pa ako noon kasi madami akong tinatawag na babe. Pero sa lahat naman kasi ng mga babe ko,ikaw lang ang mahal ko at mga kaibigan ko lang sila at kapatid. Noong nag birthday ka hindi ko alam kung ano gagawin ko kaya nag try akong mag doodle na nakalagay happy birthday. Kahit na pangit ng pagka gawa ko na-appreciate mo. Madami akong pagkakamali, isa na doon ang hindi ko manlang nalalaman na nagseselos kana pala. Nakapa stupid ko kasi close padin ako sa ex ko at nakikipag usap padin ako sakanya. Hindi ko manlang inisip na nagseselos kana pala. Noong nakipagbreak ka sakin, ikaw ang sinisisi ko pero noong nalaman ko ang totoong dahilan bakit ka nakipagbreak. Nasaktan padin ako, naguilty kasi bakit hindi ko naisip na ang pagiging close ko sa ex ko ay magiging dahilan pala para magbreak tayo. Oo mali ako kasi naghanap ako kagad hindi ko din alam kung bakit ko siya pinatulan. Minahal ko naman talaga siya at hindi ko naman ginawang rebound siya. Oo kami nung time nayon pero still ikaw padin mahal ko at iniisip ko. Alam kung unfair at napakaselfish ko pero anong magagawa ko hindi kita makalimutan kahit anong mang gawin ko at hindi ko alam kung Bakit. Ng 3 months na kami ni pardz bigla kang magpaparamdam at sasabihin na kasalan ko kasi naghanap ako ng iba kagad. Masisi mo ba ako? Ikaw ang lumayo, ikaw ang nagtaboy sakin, nasaktan kasi ako. Inamin ko na diba, ako ang may kasalanan, pero bakit pinagmumukha mo parin sakin na dapat magsisi ako na ako at ako ang may kasalan bakit tayo nag hiwalay. Bakit jacynth? Bakit ako lang? Diba dapat dalawa tayong may kasalanan ? Nakakatawa kasi kahit ano pang sabihin ko sayo hindi kana naniniwala pa. Bakit mo kasi ako iniwan? Bakit kasi sinyota mo ako kahit na alam mong hindi ka pa pala ready? BAKIT kasi ikaw parin? Bakit kasi ng iwan mo ako hindi mo manlang dinala ang puso kung ikaw padin ang laman. BAkit kasi ang hirap mong kalimutan? Bakit kasi ikaw pa? Bakit kasi ako nasasaktan ng dahil sayo? Bakit nahihirapan padin akong makalimutan ka. Tangina 3 years ng nakalipas pero parang kahapon lang nangyari. Parang kahapon kalang nakipagbreak. Nakakainis ka Jacynth Mabellaine .gustong- gusto na kitang kalimutan pero hindi ko alam kung papaano. Bakit kasi ganito ang hirap.--------—---—————————————————