The CHASE (one shot)

116 0 0
                                    

                            this is my first time so... BE KIND TO ME :)

salamat sa mga magbabasa    

one shot lang po ito..

actually final requirement ko tof when I was 2nd year college...

nakakahiya T_T

enjoy :)

-elipein

    Pagmulat ko, isang panibagong araw nanaman ang bumungad sa akin. Nakarinig ako ng katok sa pintuan ng aking kwarto. 

                              “Eli ! tanghali na bumangon ka na may pasok ka pa!!”. Si mama at ang mala speaker nyang boses. Bumangon na ako at inayos at niligpit na ang higaan ko. Lumabas na ako ng kwarto at dumeretcho sa kusina para kumain. Habang kumakain ako nakatingin sa akin si mama . “ Anong oras ang uwi mo?”. Nilunok ko muna yung kinakain ko. “Hapon pa, whole day ako”. Pumunta siya sa salas at nanood ng palabas sa telebisyon. Nagmadali na akong kumain at maligo na, nagbihis at pumasok na.

                            Bago ko  makalimutan, ako nga pala si Eli labing pitong gulang. Hindi naman ako katangkaran, tama lang para sa mga babaeng tulad ko. First year college na pala ako sa isang pampublikong kolehiyo. Isa lang rin akong pang karaniwang kabataan.

                         “Good morning Eli”. Bati ng kaibigan kong si Homer. Tinugunan ko lamang ito ng pag ngiti. Agad na akong pumunta sa aming silid. Buong araw nanaman ako sa aming paaralan. Araw-araw na lamang ganito. Hindi naman ako tinatamad mag-aral pero, parang may kulang. Marami akong gustong gawin sa buhay ko pero, sa maraming dahilan. Kung minsan ay nawawalan na ako ng gana na abutin ang mga pangarap ko.

                            Nag klase kami buong araw. Hanggang sa mag uwian na kami. “Bakit ngayon ka lang?” bungad sa akin nga aking ina pag pasok ko pa lamang sa pintuan ng aming bahay. “Gumawa pa ako ng assignment, research yon”. Palagi na lamang ganoon, magtatanong sila pero hindi naman maniniwala, eh di sana hindi na lang sila nag tanong.

                         Matagal na akong nanlamig sa kanila. Pero gumagawa sila ng paraan para sumagot ako sa kanila. Kadalasan ay tahimik lamang ako sa loob ng bahay naming. Sa labas naman ang alam nila ay isa akong masayahin at palatawang tao. Kung titignan mo ako parang wala akong problema dahil palagi na lamang akong nakatawa.

                       “Swimming tayo? Overnight” pag aalok ni Homer, “nako hindi naman ako papayagan nila mama” “Ano ba yan ang laki-laki mo na pati college ka na hindi pa rin pwede?”. Palibhasa hindi nya alam na sa tuwing magpapaalam ako ay hindi nila ako pinapayagan, kesyo ganito, kesyo ganyan. Palagi na lang bawal sa lahat. Kahit na gustong-gusto kong gawin o sumama sa mga kasiyahan.

                       Pinapayagan naman ako pero madalang lang talaga. Noon, naisip kong magrebelde, pero, alam kong walang mangyayari kung magrerebelde ako. Dahil, ako lang naman din ang kawawa sa bandang huli. Sapagkat, masisira lang rin naman ang buhay ko. Ramdam kong nag-iisa ako.

                     Si Paul, si Paul ang nag paparamdam sa akin na mahalaga ako. Sino siya? Siya ang kaibigan ko, kuya at bestfriend. Lahat ng pwede kong ituring sa kanya nasabi ko na yata. Palagi kaming mag kasama, nagkukulitan. At kadalsan pa nga ay napagkakamalan na kaming mag nobyo ng mga nakakakita sa aming dalawa.

                     “Eli !!, may party sa bahay bukas,pumunta ka daw sabi ni mama”. Haay eto nanaman kami mangungulit nanaman siya sa akin eh diba nga hindi ako basta- basta pinapayagan. “Gabi ba yon?” pagtatanong ko. “ahm, oo eh, hoy! Ipag papaalam naman kita kaya wag ka ng magpalusot!”. Ok, alam nya na kagad yung gagawin ko para lang hindi ako makasama. “Ngayon kita ipagpapaalam”. Ang kulet ng batang toh. “Oo na po ang kulit mo bahala ka kay mama.” “Oo ako bahala malakas ako kay tita diba?”. Mukha mo. Ahahaha pero totoo naman talaga papayagan lang ako pag si Paul ang kasama ko o siya mismo mag papaalam para sa akin.

The CHASE (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon