Copying is Cheating. Please never repost without proper credits. Thank you
~•~•~•~•~•~
Ako si Francesca, 28 years old. Pure Caviteña ako, pero sa Makati na ako nakatira ngayon dahil na rin trabaho ko bilang isang Nurse sa isanv kilalang ospital dito.
Sakto lang pangangatawan ko, hindi mataba, hindi rin naman payat, pero mas lalong hindi sexy. Sakto lang, sabi nga nila.
Ulilang lubos na ako simula 4th year highschool. My Mom died way back when I was 10, and Dad died when I was 15. Namatay si Mommy dahil sa cancer, while aksidente naman sa kalsada ang ikinamatay ni Daddy.
Kapatid ni Mommy ang umalalay sa akin at sa aking nakakabatang kapatid na si Francine after naming maulilang lubos. May nakuha naman kasi kaming financial help galing sa pinag trabahuan ni Daddy bilang isang Engineer. May joint account din silang mag asawa na namana namin ni Francine, Bukod pa ang mga yo'n sa Educational plans na nasa pangalan naming magkapatid.
Mas bata sakin si Francine ng dalawang taon. Kung ako ang Mama's girl, sya naman ang Papa's baby. Lumaki ako sa gabay ni Mommy na palaging palaayos at mahinhin. babaeng babae kumbaga. Si Francine naman, kahit pareho naman kaming inaayusan ni Mommy, mas makikita mo sa kanya ang pag sunod sa yapak ng Daddy namin.
Mahilig silang dalawa mag basketball, mag ikot-ikot habang naka kotse o motor, mag sketch ng buildings o landscapes, at kung ano ano pang pang-lalakeng mga gawain.
Namana ko lahat ng kahinhinan at katangian ni Mommy, habang si Francine naman ay parang lalake, gustong gusto nyang maging si Daddy.
Walong taon lang si Francine ng mamatay si Mommy dahil sa breast cancer. Pare-Pareho kaming iyak ng iyak noong sabihin ng doktor na wala na sya. Hanggang nang maiburol si Mommy, iyak ako ng iyak.
Pero iba si Francine. Hindi na sya umiyak ulit after na maiuwi namin si Mommy na nasa kabaong na.
Magka tuwang sila ni Daddy na umaasikaso sa mga nakikilamay. Nagtitipla sya ng kape, nag hahain ng tinapay at iba pang makakain. Pati na rin pag iinit ng tubig at pagluluto ng makakain naming tatlo, ginagawa nya. Habang ako, iyak lang ng iyak.
Minsan nakakatulog nalang ako sa upuan sa sobrang pagod kakaiyak, at pag gising ko'y binibigyan kaagad ako ni Francine ng tubig o makakain.
Simula sa lamay, kahit hanggang matapos ang libing ni Mommy, hindi ko manlang nakitang umiyak uli si Francine. Habang ibinababa ang kabaong ng aming ina sa ilalim ng lupa, pareho lang kaming nakayakap ng kapatid ko sa aming ama. Ngunit kahit kaunti, hindi ko nakitang lumuha si Francine.
Matapos ang libing, nag patuloy sa pag pasok sa eskwelahan si Francine, habang ako nama'y nag kukulong lamang sa kwarto. Si daddy at Francine na rin ang nag aasikaso sa lahat ng gawaing bahay, habang ako naman ay palagi lamang nakatulala sa isang sulok.
Dahil sa nangyari, minabuti ni Daddy na huminto muna ako sa pag aaral upang hayaang akong makapag pahinga at makapag hilom ng sugat dahil sa pagkawala ni Mommy.
Nang sumunod na taon, muli akong bumalik sa pagka grade 5, habang si Francine naman ay umakyat na sa ika-apat na baytang.
Tatlong gusali ang bumubuo sa aming eskwelahan. Una, nasa bandang kanan ang Grade 1 to grade 3 department. ikalawa, sa gitna ang gusali kung saan naroroon ang opisina ng mga guro, multi porpoise hall, at library. Nasa kaliwa naman nuon ang Grade 4 to 6 department.
Dahil sa nasa iisang gusali lang ang department namin ni Francine, halos lagi na rin kaming nag kikita sa school.
Napaka laki ng ipinag bago ng kapatid ko simula ng huminto ako sa pag pasok. Kung dati ay parang astang lalake lang sya na bihis babae parin, ngayon ay ayos lalake na talaga sya. Kung hindi lang required ang unipormeng palda sa pag pasok namin sa eskwelahan, malamang na lahat ng suot ni Francine ay pang lalake na.
BINABASA MO ANG
FRANCINE
RandomHindi sa lahat ng pagkakataon, palaging nasa tabi mo ang iyong minamahal. kaya naman, habang may oras pa, pahalagahan mo ito at huwag na huwag babaliwalain. (One Shot Original Story)