Ikaw Pa Rin (One Shot Story)
Matagal na panahon na rin pala lumipas...
Simula noong maghiwalay tayo...
Ilang taon na rin. Maybe 7 years or almost 8 years? I don't know.
Ikaw kasi, nagloko ka.
Naaalala mo pa ba noong una tayong nagkakilala? Inis na inis ako noon sayo kasi nag-aasar ka sa'kin, e sa pikunin ako kaya pinatulan kita, nag-asaran tayo buong gabi na yun sa harap ng kabarkada mo.
Talo ka sakin nun, lintik nalang na walang ganti.
At dun na rin nangyari yung unang beses na makausap kita ng matino, nagsosorry ka dahil sa pag-aasar mo. Sabi ko "okay lang"
Naging close tayo masyado, akala ko childish ka masyadong mag-isip kung ikokompera kita sakin, pero mali ako, mas matured ka pa mag-isip sakin. Sabagay, mas matanda ka nga sakin ng isang taon eh. So, impossibleng wala kang maturity sa utak.
Masipag ka rin, lagi mo iniisip ang kapanan ng iba - selfless kung baga - bago ang sarili mo. Mabait ka rin at masunurin sa mga magulang at mga kapatid mo.
Ako kasi yung tipo na selfish, yes. Tamad. Yes mabait din ako, sa mabait sakin. Dagdag mo na rin yung walang paki sa mundo.
Pero di ko lubos naisip na umamin ka sakin na."Mahal kita Scarlet"
Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bukod sa nagulat ako, di pa kita gusto nun mga oras na yun.
"Di kita pipilitin, pero maghihintay ako" yan ang sabi mo sakin noong sinabi ko na itigil mo ang nararamdaman mo sakin.
I see all your efforts. Umabot sa punto na nagkakasakit ka na sa kakahintay sakin na makausap ako.
At pagnakikita mo ako, nakikita ko sa mata mo kung gaano ka kasaya. Sa mga ngiti mo na parang kang bata na binigyan ng candy o laruan sa sobrang tuwa.
At unti-unti, nahuhulog na rin ako sa mga mata at ngiti mo.
Nalulungkot ako pag hindi kita nakikita kahit saglit lang sa tagpuan natin, pero sobra akong nagagalak pagnakikita kita.
Sinagot na rin kita at nakita ko kung gaano ka katuwa.
Masaya ang ating pagsasama, mahal mo ako, mahal din kita. Palagi tayo nagkikita saating tagpuan.
Minsan dinadalahan mo ako ng bulaklak o tsokolate pag nagkikita tayo doon.
Palagi din tayo nagtatawagan tuwing gabi bago matulog, para ang kanya kanyang boses ang huling narinig at maganda ang ating tulog.
Dumating ang panahon na aalis ka para mag-aral sa ibang lugar, nalungkot ako noong nalaman ko yun pero wala akong magagawa. Sabi mo para sa ating kinabukasan.
Dumating yung araw na aalis ka na. Binigyan mo ako ng kwintas na nakasulat ang mga pangalan natin.
Scarlet x Franco.
"Babalikan kita, pangako. Hintayin mo ako." ang huling sabi mo sakin.
Kahit na malayo ka ay nagtetext at nagtatawagan parin tayo. Masaya parin tayo kahit malayo sa isa't isa.
Hanggang sa unti-unti ay nagiging busy ka na at nawawalan ka na ng oras sakin.
Naiintindihan ko yun kasi isa rin akong mag-aaral katulad mo noon at parehas palang tayong mga high school.Pero ang di ko maintindihan, yung nalaman ko na may girlfriend ka na dyan sa inaaralan mo.
Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila sakin. Wala e, mahal kita kasi at malaki ang tiwala ko sayo.
Dumating ang araw na umuwi ka dito sa lugar natin at nagsabi ka na magkita tayo sa'ting tagpuan.
Masaya ako dahil magkikita nanaman tayo, pagpunta ko sa tagpuan natin ay wala kang dala kahit niisang bulaklak lang.
"Scarlet.." sabi mo. Nakangiti parin ako sayo dahil sa kasiyahan pero ikaw parang malungkot at walang saya sa iyong mga mata.
Nawala ang ngiti ko at kinabahan ako sa sasabihin mo.
"A-ano yun?"
"Meron na akong iba"
So, totoo nga sinasabi sakin ng ibang tao. Tumungo ako para hindi mo mahalata ang mata ko na gusto nang lumabas ng luha.
"Gusto ko na tapusin ang relasyon natin"
Tumango na lang ako at umalis ka sa harapan ko. Doon nalamang ako nagsimulang umiyak.
Kaya pala nawawala ka na ng time sakin kasi nakahanap ka ng iba. Kaya pala nawawalan na ka ng excitement sakin, kasi mas na eexcite na siya sa iba.
Kaya pala...
Umalis ako sa tagpuan natin at kumulong agad sa kwarto. Iyak ako ng iyak sa oras na iyon.
Sinabi ko sa sarili ko. Hindi na ako magpapaloko ulit sayo.
Sa loob ng pitong taon, sinubukan ko magmove on sayo, nagbigay oras ako sa mga bagay na noon ko ginagawa nung hindi pa kita nakikilala.Pagkalipas ng pitong taon, Eto na ako ngayon, isa na akong sikat na writer ngayon. Maraming naiinlove sa aking istoriya na ginawa.
Istorya dapat natin dalawa.
Binago ko lang ang wakas, Ginawa ko siyang happily ever after. Na dapat saating dalawa.
Eh sa hindi ako makamove on sayo nun, kaya ayan, nagawan ko tuloy yung istorya natin. Nakakaloko diba?
Noong natapos ko ang kwento, sabi ko sa sarili ko na nakamove on na ako, okay na ako, nasara ko na ang kwento natin dalawa na dapat matagal na nakasara.
Isa nalang itong magandang alaala at kwento na hindi napatuloy.
Hindi ko nga akalain na maiipublish siya bilang isang libro. Masaya ako na nakikita ko na siya sa mga bookstores at may bumibili nito.
Nandito ako ngayon sa isang booksigning, isa ako sa mga pinapunta para sa event na ito. Nakakatuwa dahil maraming natuwa dahil nakita na rin nila ako sa personal, nakapaperma na sila ng kanilang mga libro ko, at naka papicture kasama ko.
Oo, nakakapagod na kakaulit ulit ng perma, at ngumiti sa mga tao na tumatangkilik sa akin mga gawa. Pero sulit siya dahil nakikita ko silang masaya.
Habang sa aking pagperperma at sumunod na ang susunod na magpapaperma. Iniabot ng taong iyon sakin ang libro na hindi tumitingin sa kaniya.
"Scarlet..." isang boses ng lalaki na kilalang kilala ko.
Tumingin ako sa kaniya at tama nga ako."Franco..." sambit ko.
Nakita kitang nakangiti saakin, malaki na iyong pinagbago, naging matured na ang iyong itsura.Pero ang iyong mga mata at ngiti na dating napamahal sakin, hindi parin nagbabago. Ikaw pa rin ang dating Franco na nakilala ko.
All this time Franco, ang buong alam ko ay wala na ako nararamdaman sayo pero akala lang pala yun.
Hanggang ngayon pala.
Ikaw parin.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Ikaw pa rin (One Shot Story)
Short StoryPaano sa pagkalipas ng panahon... Siya pa rin pala? Language: English and Filipino