====================Annalie's POV=================
1...
2...
3...
4...weeks..
Isang buwan ko na palang iniiwasan si Yuu.
Ewan ko ba! After namin bumaba dun sa jeep, bigla na lang akong kinabahan sa close proximity namin. Parang malaking error. Kasalanan sa lipunan. Naguguluhan ako. Nami-miss ko na siya SOBRA, pero pag nandyan na para naman akong daga na itinali ng pusa sa riles ng tren..Ayan tuloy, pati thoughts ko wala nang sense. Pag dumaan sa bahay, kunyari tulog or umalis ako, pag nasa school pipilitin ko yung friends kong lumabas agad para di siya makahabol. Mga tawag at text, ultimo e-mail wala akong sagot. Nag-aalala na nga ang mga magulang ko kasi kahit kailan di pa kami nag-away ni Yuu ng lumilipas ang isang araw na di pa kami nagkakabati. But, still... I can't face him. Not before I figure out what in the world is wrong with me.
Heto na kami ngayon sa soccer field ng school, kalaban namin ang class B. Boys lang ang naglalaro kaya kaming mga girls nasa bleachers. Lamang ang team namin, si Yu-chan ko naman ang striker...
*Le gasp!!*
Yu-chan...KO??!! 0___o
Bigla akong napatingin sa katabi ko, si Maurene kasi tumili ba naman? Hindi lang pala siya. Yung iba kong mga kaklase pati na rin yung mga nasa kabilang team! Naka goal pala uli si Yuu. Immense naman ang naramdaman kong pride nun! Matagal ko na siyang kilala, at alam ko din na mahilig siya sa soccer, pero di ko alam na ganito siya kagaling sa paglalaro!
Maya-maya ay lumingon siya sa amin habang tumatakbo at ngumiti--for some reason, bigla siyang nag-slowmo..with the sparkles and all--gusto ko na lang himatayin. Heaven ako bigla eh, Kumaway pa siya...
pero hindi sa akin...
Kay Maurene...
Di ko alam pero parang naasar ako dun. Siguro kasi nagtatampo din siya sa akin dahil dun sa pang-iisnob ko sa kanya for the whole month. Kaya lang, ang sakit pa rin eh!
Pagkatapos ng game, napalibutan na siya ng mga kaklase namin. Ako naman yung di makalapit sa kanya. Karma. Pero at least, natititigan ko pa rin siya. And that's when the epiphany occured..
Si Yuu pala ang pinakamabait sa mga kaklase naming lalaki...ang pinaka cute..ang pinakakinagigiliwan..ang pinakamaasikaso..at yung pinakamapagmahal..
It was then na bigla siyang lumigon sa akin. Hindi ko maiiwas yung tingin ko, kahit parang nahihiya ako..
"Ann-chan! Doushita no? (What's the matter?) " sabi niya habang napapalibutan ng mga kaklase namin.
Bakit ba ngayon ko lang ito nakikita? Bakit nga ba di ko naisip yun. Hindi nga pala mapapalagay itong si Yuu kapag alam niyang may mali sa akin. Ako lagi nasa isip nito eh.
"Wala. Ayos lang ako. Congrats nga pala. Galing mo!" sagot ko, smiling as I approached them.
Sa sagot ko, kitang-kita na na-assure na siya na okay na kami. Back to normal na...nga ba? Because he smiled, that same gentle smile sa jeep na gumulo sa isip ko for weeks. Pero...so what?
What matters is that we're back.
--------------------------------------------------
"Haay...Ano ba iyan, ang hirap talaga ng trigonometry!!! Di ko alam kung paano ko ba na-perfect yung bad trip na exam na yun!" asar kong bulong, sabay talungko sa study table ko. Wala kaming teacher sa first two periods namin, nasa seminar, kaya mga bandang 8:30 am na ko papasok. And yes, hinahapit ko yung homework ko sa trigonometry. Kung puwede lang sana akong tumakbo kay Miss Idol Blanche ginawa ko na. Kaso, nahihiya ako eh. =______=
BINABASA MO ANG
The Wimpy Bumbling Prince (two-shot)
Teen FictionHe's always been a crybaby...He can't do anything on his own..He's a five year old girl trapped in a 17 YEAR OLD's body..he's a wimp, a bumbling mess..but, I can't seem to shake him off