Hanggang dito nalang

5 0 0
                                    

Alam kong may tiwala
Hinding-hindi naghinala
Kaya nga walang makawala
Sa ginawa nating hawla

Masayang masaya
Palaging nakatawa
Tila walang nadarama
Na anumang pangamba

Ito ba'y totoo
At walang halong biro?
Tayo'y pinagtagpo
Hindi ito laro.

Ngunit ganito pala
Hindi ko inakala
Na ganito ang magiging resulta
Pag-iibigan nating dal'wa

Ang akala kong puro saya
May lungkot din pala
Alam kong sobrang tanga
Pero sana'y may pag asa pa

Subalit malapit ng mapagod
Luha'y lagi ng tumutulo
At kung minsa'y napapaluhod
Ano ba ito? Kailangan ko ng saklolo

Alam kong hindi dapat
Pero hindi ko maiwasang di isipin
King ito ba'y nararapat
Di ko na alam ang gagawin

Ayoko ng masaktan
At umiyak sa parehas na dahilan
Puso kong sugatan
Pagluha ko'y iyong pigilan

Patawad sa aking gagawin
Alam kong hindi mo rin to nanaisin
Ngunit di na natin kayang tiisin
Tinik sa lalamunan, iyo ng alisin

Paalam mahal ko
Ikaw na nagsilbing ilaw ko
Ngayon malaya na
Makakahanap rin ng iba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paano na?Where stories live. Discover now