Daughter of the Devil (PogiKami)
Real monsters are not found underneath your bed. They’re not found on dark corners either.
The real monsters are found in front of a mirror. They are found inside you.
When you look in front of the mirror, what do you see?
An angel?
A sinner?
A saint?
Or do you see a monster?
Daughter of the Devil
A collaboration of:
PogiKami Mystery Group
EpicNiss
zhumersaulter
JoshArgonza
Peanut_Tie
SummerInYourArms“Lucy, pumunta ka nga rito,” nakangiting saad ni Iman sa anak niya. Tila ayaw pang matulog ng bati kaya nagtatatakbo ito sa loob ng kusina. Napangiti na lang sa kakulitan ng mag-ama ang ilaw ng tahanan na si Ester, na kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan nila.
Nang tumigil saglit si Lucy para magpahinga, nagkaroon ng pagkakataon si Iman na mahuli ito. Binuhat ito ni Iman at nagpunta sila sa banyo upang paliguan. Dala na rin ng sobrang kapaguran, hindi na nagreklamo si Lucy.
Matapos ang ilang minutong pagpapaligo sa anak, inihanda na ni Iman ang higaan nito habang pinapatuyo naman ng bata ang sariling buhok.
“Papa, ayoko pa matulog,” pagpoprotesta ni Lucy habang yakap-yakap ito ng ama.
“Lucy, anak. Kailangan eh. Sige ka. ‘Pag hindi ka natulog, ‘di ka na tatangkad. Magagaya ka kay Dagul. Magagaya ka sa. . .” tumanaw muna siya sa paligid bago nakangiting ibinulong sa anak, “Mama mo.”
“Narinig ko yun!” pagre-react ni Ester mula sa kusina.
Nagtawanan ang mag-ama. Pinahiga na ni Iman ang anak at kinumutan. Isasarado na niya ang pinto nang humirit si Lucy, “Papa, yung bedtime story ko.”
“Ay oo nga pala,” kakamot-kamot sa ulong tugon ni Iman. Bumalik siya sa loob ng kwarto at umupo sa kama ng bata. “Hmmm. Ano kaya pwedeng ikwento sa ‘yo? Lahat na ‘ata ng alam ko eh nakwento ko na sa ‘yo” Umakto siyang waring may malalim na iniisip. “Ah! ‘Lam ko na.”
Nagsimulang siyang magkwento.
“Once upon a time, sa isang malayong kaharian, nakatira ang isang ‘di-kagandahang prinsesa. Dahil sa hindi siya maganda, walang nagkakagusto sa kanya. Dahil doon, naging malungkutin siya,” dire-dretsong pagkukwento ni Iman. Mababakas naman sa mukha ng bata ang sobrang kabagutan. Napahikab na lamang ito. “Hanggang sa may dumating na fairy---”
“Papa, iba naman po!” sabad ni Lucy, “Sawa na ‘ko sa fairytales eh. Iba naman please.”
Napabuntong-hininga si Iman. Alam niyang nagsasawa na ang anak sa fairytales.
“Sige ito na lang. Kinwento sa ‘kin ng lola ko.” Matamang nakatuon ang pandinig ni Lucy sa kanya, sabik na marinig ang bagong ‘bedtime story’. Humugot muna ng hininga si Iman bago nagsimula, “Sa isang maliit na baryo, may mayamang mag-asawang nakatira. Limang taon na silang kasal pero ‘di pa rin nagkakaanak. Nagawa na nila lahat pero wala pa rin. Nawawalan na sila ng pag-asa. Hanggang sa may isang ermitanyong ketongin ang nagsabi sa kanila tungkol sa alamat ng ‘fairy under the bed’. Sa simula ‘di sila naniwala pero dahil sa sobrang desperasyon, naniwala na sila.” Tumigil muna siya saglit para pagmasdan ang pagkamangha sa mukha ng anak.
“Yun na nga. Matawa ka kung gusto mo, pero nag-wish sila sa ilalim ng kama. Nagdasal sila tapos nag-alay ng buhay na manok. Ipinatak nila ang dugo nito sa palibot ng kama, gaya ng sinabi ng ermitanyo. Lumipas ang mga buwan at naabutan ng lalaki na dumuduwal ang babae sa may lababo. Sa pag-aalala, dinala niya ang asawa sa ospital para ipa-checkup. Doon na nakita na buntis nga ang babae! Sa sobrang tuwa, binalita pa nila ‘to sa buong baryo. Nagkaroon ng handaan sinaluhan sila ng mga kabaryo. Lumipas ang siyam na buwan at nanganak na ang babae. Tuwang-tuwa ang mag-asawa pagkakita na isang maganda at malusog na bata ang anak nila.
BINABASA MO ANG
Daughter of the Devil
Mystery / ThrillerRead at your own risk. The Clash of the Pogis and Astras PogiKami member's Mystery entry. Cover by: Astras =)