Chapter 13 Stay

5.3K 140 2
                                    

"Did you know? May scandal tayo!" natatawang turan ni Charlie. Umupo din ang apat sa tapat nila ni Marcus.

"What?" sabay nilang bulalas ni Marcus. Nagkatinginan sila. Natawa naman ang apat.

"Bro, you must see this!" sabay abot ni Charlie sa cellphone nito at pumailanlang ang kanta ng mga ito kahapon kasabay ng hiyawan ng mga tao.

Nakatingin lamang siya sa mga ito habang ipinapakita kay Marcus ang tingin niya ay video.

"The caption of the video says 'Oh my gosh! He's looking at me! He's singing for me." sabi ni Tim.

"You seemed to be looking at the uploader of the video while singing bro!?" natatawang wika ni Mike.

Seryoso lamang ang mukha ni Marcus ngunit hindi pa natatapos ang video ay umayos na ito ng upo at kumain muli ng brownies.

"Woah, di mo man lang kami aanyayahan magkape Insan?" sabi ni Gran sabay kuha ng isang slice sa platito ni Marcus.

Nabigla siya ng hatakin ni Marcus pabalik ang kinuha ni Gran.

"That's mine." inis nitong turan.

Nabigla rin ang iba at napatingin sa isa't isa.

"Heto pa ang iba, kumuha lang kayo dito." alok niya sa brownies na nasa plato na malaki.

Kumuha si Gran.

"Ang damot niyang katabi mo Ianna." natatawang sambit ni Gran.

"1 million views!" di makapaniwalang turan ni Charlie na abala pa rin sa video.

"They are back. Oh no, he's looking at you girl! Magkakilala kayo? Kilig! Ang hot pa rin ng Euphoria! Ang hot ni Marcus! Ang sexy ng boses! Nginitian ka niya girl! Ang galing pa rin nila. Walang kupas!" dere-deretsong basa ni Mike sa tingin niya ay comments sa video.

"Who were you looking at that time bro? Kilala mo yang uploader?" tanong ni Tim.

"Oo nga, titig na titig ka at ngumingiti ka pa sa kanya ha! Who is she?" tanong naman ni Mike.

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa mga naririnig.

Lumingon sa kanya si Marcus kaya napatingin din siya dito. Parang sinusuri nito ang mukha niya.

"If the uploader and the one I was singing at are the same.. " sambit ni Marcus habang nakatitig sa kanya.

"The name of the uploader is Kristy. Do you know her? Nagviral tayo dahil sa video na to." sabat ni Gran.

"Is that a real account?" baling ni Marcus kay Gran.

"I think so. " kibit ni Gran.

"Yes, it is. Inadd ko siya. Same city with the winner of that singing contest." si Charlie na may pilyong ngiti sa labi.

"Wait, alam mo sino ang nanalo? Tinapos mo ba yung event?" takang tanong ni Marcus.

"Yep! Look!" at pinakita sa kanya ang cellphone nito. Nagtataka niyang inabot ito at napatingin sa isang nagpe-play na video.

"That's the other viral video on the net today." napanganga siya ng makita ang sarili na kumakanta katabi ni Stella.

Wait! Bakit may video sila? Namilog ang mata niya na napalingon sa apat na nakangiti sa kanya.

"Congrats! You won! Yung babaeng kasama mo at Auntie mo ang tumanggap ng award George!" si Charlie.

Biglang hinablot ni Marcus ang hawak niyang cellphone at tiningnan ang video.

Nangunot ang noo nito.

"Who uploaded this?" seryosong tanong nito.

"A fanboy, ika nga." natatawang sabi ni Charlie.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon