Chap. 2 - Meet the DEMON MONSTERS

582 12 2
                                    

GD's POV

Pagkapasok namin agad-agad naming hinanap ang bulletin board para tignan 'yung section namin. At sa kabutihang palad nakita namin agad ang bulletin board.

"Ako na lang ang titingin para hindi na masyadong magkasiksikan don." Pagprisinta ni Vhea na s'yang ikanagulat naming lahat.

"Ikaw talaga ang titingin?" Gulat na gulat na tanong ni Sharmaine. Ano pa bang aasahan mo, s'yempre aasarin at babarahin n'yan si Vhea.

"Bakit? Ano ngayon kung ako ang titingin ng section natin? Ayaw n'yo ba? Sige kanya-kanya na lang tayo ng tingin." Hindi n'ya talaga alam kung bakit ganito ang reaksyon namin at kung makapag-drama pa s'ya. Kung meron lang Reyna ng Kadramahan sa grupo namin, panigurado si Vhea na 'yon.

"Hindi. Hindi. Nanibago lang kami sa'yo, kaya ganun ang reaksyon namin." Pagpigil ni Hazel. 

"Ikaw na ang tumingin. Baka mamaya hindi ka na ganyan eh." Pagpapatuloy ni Hazel.

"Huh?" Kunot pa ang noo ng loka. 'Di talaga n'ya alam kung bakit. Nakakatawa ang itsura n'ya. Priceless. HAHAHAHA!!!

"Wala! Sabi ni Hazel, tignan mo na daw 'yun at baka dumami pa ang tao." Paliwanag ni Ricamel. Actually, wala naman talagang maraming tao sa harap ng bulletin board. Ewan ba namin kay Vhea kung bakit nagprisinta s'ya. Hinayaan na lang namin kasi minsan lang 'yan magsipag eh.

Halos dalawang minuto lang 'ata nawala si Vhea eh, nakabalik na agad s'ya.

"Guys, good news. Magkaka-section pa rin tayo."

"That's great!" Masayang Masaya na sabi ni Sharmaine. Batid mo rin sa mukha ni Vhea na talagang masaya s'ya.

"Makakakopya pa rin pala tayo kay GD. Akala ko hindi na eh." The heck! Kaya ba masayang Masaya s'ya? Napa-facepalm na lang ako sa sinabi n'ya.

"Kaya ba sobrang saya mo Vhea? Kasi makakakopya ka pa rin sa'kin? Ang tamad mo pa rin talaga mag-aral." 'Yun na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Oo! 'Yun nga ang dahilan ko GD. Ang talino mo talaga kahit kelan! Kaya gusto kita laging kasama eh." Ang saya n'ya. Sobra.

"Tara na nga!" Pag-aya sa'min ni Hazel na s'yang sinunod namin.

'Di pa mandin kami nakakaisang hakbang, may narinig kaming boses sa likod. Boses ng isang lalaki.

"Hep! Hep! San kayo pupunta?" 'Yan ang sabi nung lalaki.

Clash of the Campus Gangsters [on going series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon