Chapter 33

31.5K 578 112
                                    

Dedicated ang chapter na to sa isa sa fav kong author na magaling magpa-kilig na si @ReineKumagai14 :) Magaling yan! Pinaka fav ko ang Beatiful Stragers niya at yung Love and Lies :3 fan ako nina Pierre at Devon at member ako ng DIMAYOHNGA fans club HAHA XP

Eto na basa na. Chapter 33! May sopresa dito sa mga nakabasa na ng "Ang Kapitbahay Ko" enjoy! :D

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagdating sa bahay ay agad hinanap ni Ryan si Josh. Nakasalubong niya si Manang Janet agad tinanong ito.

"Manang natuloy ho bang umalis si Josh?" Tanong ni Ryan. Halata sa boses nito ang hindi niya maipaliwanag na kaba na nararamdaman.

"Hindi. Nandun siya sa garden kausap ng Ate Celine mo."

Nanlaki ang mata ni Ryan at agad tinungo nito ang garden ng mansyon.

Nakita niya ang kanyang Ate Celine na nakatayo sa harap ng pool. At paglapit niya dito ay nakita niya si Josh na nakalubog sa pool.

"Josh!!" Sigaw ni Ryan. Agad na tumalon ito sa pool para sagipin ang nobyo.

Nagulat naman si Celine sa hindi inaasahang pagdating ng kapatid.

Sumisid si Ryan at lalong bumulis ang tibok ng puso niya nang makita niya si Josh na walang malay. Lumangoy siya papalapit dito at niyakap ito paangat sa tubig.

"Josh! Josh!" Pagtawag ni Ryan sa walang malay na si Josh habang hawak-hawak niya.

Lumangoy siya patungo sa dulo ng pool at inangat niya si Josh para maihiga sa gilid ng pool. Umahon din ka agad si Ryan at inilapat ang tenga sa dibdib ni Josh.

"Josh! Josh! Mine! Gumising ka!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ryan habang hinahaplos ang mukha ng wala pading malay na si Josh.

Agad binigyan ni Ryan ng CPR si Josh.

"Josh, Mine!" Sabay lapat ng labi sa labi ni Josh para bigyan ng hangin ang nobyo.

Muli niyang inulit ang CPR at binigyan ulit ng hangin sa bibig si Josh. Puno ng pangamba at takot si Ryan sa mga oras na yun. Pangamba at takot na mawala sakanya si Josh at taong pinaka mamahal niya.

"Josh, gumising ka please... Wag mo akong iwan. Wag." Bulong ni Ryan habang patuloy inuulit ang pagbibigay ng CPR kay Josh.

Ilang saglit pa ay dumilat na si Josh at umubo ito na may kasamang tubig. Habol-habol nito ang paghinga.

"Mine!" Masayang sabi ni Ryan at agad na niyakap ang nobyo.

"Buti nalang gumising ka! Tinakot mo ako. Akala ko mawawala ka na!" Sabi ni Ryan habang yakap-yakap si Josh.

"R-ryan..." Sabi ni Josh habang nauubo ito.

Samantalang nanatili lang nakatayo sa gilid ng pool si Celine at nakatingin kina Ryan at Josh. Nakaramdam siya ng awa sa kapatid nang maramdaman nito ang matinding takot ni Ryan habang yakap nito si Josh.

Humiwalay si Ryan sa pagkakayakap kay Josh.

"Ayos ka la ba mine?" Sabay hawak nito sa mukha ni Josh. "Dadalin na kita sa hospital." Sabi ni Ryan at akmang bubuhatin na niya si Josh ng pigilan siya nito.

"Ayos lang ako Mine... Ok na ako.. Kaya hindi mo na ako kailangan dalin sa hospital. Wag ka na mag-alala. Ok?" Sabi ni Jos sa nobyo habang nakangiti dito.

"Sigurado ka?" Tanong ulit ni Ryan. Tumango naman si Josh dito bilang tugon.

"Bakit ka ba nalunod? Paano ka nahu-" Hindi na naituloy ni Ryan ang sasabihin nang may pumasok sa isip niya. Tumingin siya sa pinaroroonan ng kapatid na ngayon ay bakas ang takot sa mukha.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon